Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2016

Bakit ang Hirap Magpaalam?

Sa araw araw ay marami akong dalaw.  Bawat isa ay sari-sari rin ang galaw. Mayroon maraming mga kasama kapag pumupunta.  Mayroon iilan ang kasama.  Mayroon isa lang kasama at mayroon naman na mag-isa.  Mayroon din naman na walang kasamang pumupunta ngunit sa paguwi ay dumarami na.  Mayroon din naman walang kasabay sa paglisan. Sari-saring damdamin ang aking natatanaw sa bawat oras, bawat bisita.  May mga nakangiti, may mga umiiyak.  May naiinis at mayroon din mga natutuwa.  Mayroon mga nadaratnan at mayroon din naman naiiwan.  Mayroon dumarating ngunit mayroon din umaalis. Ang bawat pagsalubong ay puno ng kasiyahan.  Isang bagong pagsasama o pagbabalik sa dating tahanan.  Puno ng kasiyahan bawat isa.  Ngunit mayroon din pagsalubong na mayroon kalungkutan.   Mayroon rin puno ng pag-asa.  Mayroon din naman na puno ng pangamba at puro katanungan.  Samantalang sa bawat paalam ay kadalasang puno ng kalungkutan. Puro katanungan at walang kas