Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2014

Mahilig ka bang Mag-Selfie?

Tayong mga Pinoy nga naman sobrang hilig sa litrato. At hindi lang basta litrato, kung hindi sariling litrato. Madalas mong maririnig kapag grupo ng mga Pinoy ang nagtu-tour ang "picture, picture." Nandyan din ang "ako, ako naman ang kuhanan niyo ng solo." Ano kaya ay "kuhanan mo naman ako pang-profile pic." Kung hindi naman ay makikita mo na lang na tahimik nang nakangiti sabay tapat ng camera, cellphone, etc. at nagse-selfie na.  Naaalala ko pa nung high school ako. Booth namin ang pinakamalakas sa lahat ng booth tuning school fair. Bakit? Kasi nag tayo kami ng parang studio para sa mga gustong magpakuha ng litrato. Piniprint namin at ginugupit na wallet size ang mga litrato nila. Patok na patok kami sa mga kapwa namin mag-aaral dahil doon.  Kahit tuwing pumupunta sa mall ang mga magkakaibigan, magkapatid, pamilya, etc. ay hindi pwedeng hindi magpapakuha ng litrato. Lalo na yun naka-wallet size. Napupuno ang mga wallet namin ng mga studio pictur