Lumaktaw sa pangunahing content

Ang Aking "Mapait na Matamis" na Kabanata (My Bittersweet Chapter)


Ito ang aking kuwento. Ang kuwento ng aking puso. Dito ko ilalahad ang tunay na kuwento sa isang bahagi ng aking buhay. 

Ito ay ang kuwento ng aking paglalakbay. May halong lungkot, kilig, at saya. Hindi isang fairytale ang kuwento ng puso ko. Wala naman masyadong drama tulad sa mga pocketbook o pelikula. Ang kuwento ko ay ang kuwento ko. Hindi kailangan ikumpara sa iba. Dahil ang mahalaga ay nakagawa man ako noon at nakakagawa pa rin ng pagkakamali sa kasalukuyan ay sa aking paglalakbay marami akong natutunan. Wala pang happy ending. Pero sino ba ang may gusto ng ending agad, e nagsisimula pa nga lang ako sa buhay pag-ibig ko e. Mas maganda pa nga sabihin na lang na, "and they lived happily ever after..." kahit na hindi ito possible kasi lahat tayo ay kailangan mag-expire. hehe. Kung walang 'they' puwede naman 'she'. 

Di ko pa alam kailan ko makikilala ang taong yun. Prince Charming, Mr. Right, The One. Kung ano man ang gusto niyong itawag sa kanya. Para sa akin kung nasaan man siya ngayon ay hindi natin pare-parehong alam. Kung sino man siya ay hindi ko rin alam. Basta mangyayari ang dapat mangyari. Kung tuluyan na siyang hindi dumating ay bahala na siya. Hindi naman dito umiikot ang mundo ko. At hindi rin dito matatapos ang buhay ko. 

Ito ang aking kuwento. Nangyari lang ang mga nangyari. Nilagay ko lang ang bahagi ng nakalipas ko--mga bagay na hindi ko na mababago. Walang drama. Tayo lang naman ang naglalagay ng drama sa buhay. 

Ilalahad ko unti-unti ang mga kuwento sa mga pahina ng blog na ito. 

Ito ang aking kuwento, ready ka na ba???


----------

Talaan ng mga kuwento sa Unang Kabanata / Unang Yugto / Chapter 1

Si Mr. BF-ni-Ate (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-bf-ni-ate.html)

Si Mr. Kapitbahay (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/mr-kapitbahay.html)

Si Mr. Simba-hun (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/siya-yun-lalaking-nakita-ko-rin-sa.html)

Si Mr. Extra Joss (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/mr-extra-joss.html)

Si Mr. Look-a-Like (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr.html)

Si Mr. Fair-e-View (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-fair.html)

Si Mr. Clean (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-clean.html)

Si Mr. Hair Gel (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-hair-gel.html)

Si Mr. Fish Ball (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/sang-hapon-bago-matapos-ang-ikalawang.html)

Si Mr. Brother-Long-Nails at si Mr. Pianist (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/hindi-ko-alam-kung-dahil-ba-nalulungkot.html)

Si Mr. Frie-lirt (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/minsan-sa-buhay-natin-dumarating-ang.html)

Si Mr. Frie-lirt (ulit) (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-flie.html)

Si Mr. Frie-lirt at si  Mr. Pianist (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/hindi-namin-sinasabi-sa-mga-kasama.html)

Si Mr. D-reamboy (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/sabi-nila-when-it-rains-it-pours-ganyan.html)

Si Mr. D-reamboy (ulit) (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/panahon-ng-mga-laban-nila-sa-uaap-kaya.html)

Si Mr. Frie-lirt (muna ulit) (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/haba-ng-buhok-ko.html)

Si Mr. Frie-lirt (pa rin) (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/lunes-ng-gabi-bago-ang-araw-ng-karawan.html)

Si Mr. D-reamboy (ulit 2) (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/brokenhearted-pa-rin-ako-sa-nangyari-at.html)

Si Mr. D-reamboy (ulit 3) (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/so-anong-masasabi-mo-na-sinabi.html)

Si Mr. Frie-lirt (Part VI) (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-frie-lirt-part-vi.html)

Si Mr. Kaibigan-lang-pala (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-kaibigan-lang-pala.html)

Si Mr. To-Sir-With-Love (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-to-sir-with-love.html)

Si Mr. To-Sir-With-Love II (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-to-sir-with-love-ii.html)

Si Mr. To-Sir-With-Love III (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-to-sir-with-love_3.html)

Si Mr. D-reamboy 2012 (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-d-reamboy-2012.html)

Si Mr. Frie-lirt (FINAL with EPILOGUE) (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-frie-lirt-final-with-epilogue.html)



-----------

Talaan ng mga kuwento sa Ikalawang Kabanata / Ikalawang Yugto / Chapter 2/ Season 2

Season 2 / Ikalawang yugto (PMFL period/AMFL era)  (https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/season-2-ikalawang-yugto-pmfl.html)



------------

(Sa mga nagbabasa o nagbasa na dati: Marahil mapapansin na medyo natagalan ko nasundan ang mga kuwento sa mga pahina. Noong una kong sinimulan ang proyekto na ito ay limitado ang bilang ng pahina kaya pansamantalang natigil sa "Si Mr. D-reamboy (ulit 3)". At dahil sa dami kong rin mga katanungan sa ibang bagay (na nilagagay sa posts) ay nakaligtaan ko nang ipagpatuloy ang mga kuwento dito. Pero susubukan ko na ilagay ang mga sumunod na kuwento. Kapag nailagay ko na ang kuwento ang ibig sabihin ay kaya ko na rin bitawan ang mga sumunod kuwento o ano naman ay wala lang ako magawa talaga.) 

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...