Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. 'Let's jump in'

Una kaming nagkita noong araw rin na magulo ang isip ko dahil sa mga nangyari kay Mr. To Sir-With-Love at bago ko natapos ang kwento namin ni Mr. Frie-lirt. Nag assist siya sa batch namin pero hindi ko alam bakit ko siya iniwasan. Cute siya. Chinito, Maputi, at preppy looking ang pormahan. Naka smile lang parati sa amin. 

Noong matapos ko na ang lahat Kay Mr. Frie-lirt, ay nag enrol ako sa susunod na workshop. Advanced course na. Nakita ko nandun din siya. Pero hindi ko pa rin siya pinapansin kasi nga kakatapos lang ng mga pangyayari mula sa chapter 1...

Kasama ko ang mga ka batch ko sa unang forum. Noong unang araw ay nagyayaan kami mag lunch magkakasama. Nagulat na lang kami nang biglang sumama itong si Mr. Let's jump in Pati ang isa pa niyang kaibigan na lalaki sa grupo namin mga babae. Dahil nagkaka intindihin kami sa konsepto ng blank space at kung ano ano pa mula sa workshop ay hindi na para bigyan pa namin ng malisya ang pagsama nila sa amin. Go lang. 

Doon nalaman namin na isa pala siya doktor. Habang ang kaibigan niya ay isang chef naman. Sa unang course din sila naging mag kaibigan. 

Noong sumunod na araw ay hinati ang batch sa mga grupo. Nagkataon naging magka grupo kami. Noong lunch kaming dalawa lang ang magkasama. May packa germophobe siya siguro kasi nga doktor siya. Pero very boyfriend material siya kung kumilos nung magkasama kami. Ito rin ang pagkakataon na mas makapag-usap kami at magkakilala pa. Pinag-usapan namin ang tungkol sa mga plano namin sa buhay. Nalaman ko na nagkasama na pala kami dati sa isang activity noong second year high school kami. Sila ang ka Boy-Girl Interaction namin! Ka batch pala niya ang isang basketball player na crush ko noon...haha. Kaya lang hindi kami naging magkasama noong breakout session kaya hindi kami nagkakilala talaga. Sa kolehiyo naman ay pareho rin kami ng piniling University magkaiba lang ng faculty. Siya sa Science, ako sa Arts and Letters... dapat sa Science ako kung sinunod ko ang nanay ko nag mag pre med ako. Pero sinunod ko ang gusto ko kaya nag AB ako. Pero kahit hindi kami nasa isang faculty noon ay kaibigan pala niya ang boyfriend ng ka klase ko sa AB. Small world? 

Sinabi niya na nag-enrol siya sa advanced course kasi hindi pa niya alam ano ang gagawin niya para sa specialization niya. Sinabi ko na balak ko mag balik sa university namin para doon magturo dahil tapos ko na naman ang master's ko. Sabi naman niya dahil doktor na raw siya gusto rin daw niya Sana magturo. Masaya kaming nag uusap habang hindi ko na matandaan paanong naging kaming dalawa lang ang naiwan magkasama. 

Ilang araw kami magkasama lalo na kapag may group activities kasi mag ka grupo kami. Kaya lang ay lagi siyang pinapansin ng facilitator na kailangan raw niya magkaroon ng paninindigan. Kailangan magkaroon siya ng 

Noong huli gabi ng workshop at kailangan namin mag Sama ng mga kakilala na maaari rin matuto sa mga ginagawa namin sa workshop. Sinama ko ang pinsan ko, kapatid ko at ang girlfriend niya, tatay ko, pati ang isang kaibigan ko mula sa grad school. 

Noong nakaupo na kami ay nakita ko na magkatapat pala ang upuan namin. Nandoon rin siya sa gitna ng mga sinama niya. Tapos habang session ay tinatawag niya ako. Natatawa kami kahit na magkalayo ang upuan namin. May sinesenyas siya sa akin. Hindi ko lang masyadong maintindihan kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

Matapos ang session ay kailangan namin mag desisyoh kung sasama kami sa susunod na workshop. Mas mahirap kasi iyon at Mas mahaba ang sessions. Hindi na kami nakapag-usap kung itutuloy namin. Pero pareho pala kaming nag sabing mag 'jump in' sinasabi namin kapag nag dedesisyon ng hindi na iniisip kung ano susunod na mangyayari. Natuwa naman ako at na excite na magkakasama kami ulit. 

Kaya lang ilang linggo lang ang nakalipas ay nalaman namin na hindi na matutuloy ang susunod na workshop. Biglang hindi na kami magkakasama. Kung nakatakda talaga kayong magkita o magkasama ay mangyayari ito. Ngunit kapag hindi rin kayo nakatakdang magkita o magkasama ay kahit ano pa ang gawin niyo hindi ito mangyayari... 


Flashforward to December 2023....

Noong magkasama kami ni Mr. 'Let's jump in' ay sinabi niya wala siyang Facebook. Ayaw raw niya ang social media. Kaya kahit lahat kami ay nagpalitan ng social media accounts, siya lang ang hindi namin nakapalitan ng social media account. Pero nagpalitan kaming lahat ng cellphone number. Wala na ang number na gamit noon. Naisip ko rin na kung dapat kaming magkita ulit ay magkikita kami kahit anong mangyari. Dati ay nakita ko pa na may picture siya na may kasamang babae. Naisip ko baka iyon na ang girlfriend niya. 

Dahil nga closing Chapter 2 ang peg ko ng December 2023. Naisip ko, kamusta kaya si Mr. 'Let's jump in'? Search ko lang siya sa Instagram. Nakita ko mayroon pala siyang account. Nakalagay sa account niya ang 2 pang account na naka-public. Mukhang negosyo niya ang mga iyon. Tinignan ko ang unang account. Isang hotel pala sa Quezon City. Noong bubuksan ko na ang ikalawang account ay nagulat ako kasi napindot ko pala ay ang LinkedIn account niya! Wah! Buti na lang wala akong LinkedIn account kaya hindi niya malalaman kung sino ang naghanap sa account niya. Muntik na mahuli! haha. 

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...