Lumaktaw sa pangunahing content

Season 2 / Ikalawang yugto (PMFL period/AMFL era)


Ano nga ba ang mga nangyari pagkatapos ko matapos ang lahat sa unang yugto? 

Siyempre, habang buhay pa ako ay patuloy ang laban. Patuloy ang pagsusulat ng kuwento (yun nga lang, sa nauuna ang maranasan muna ang kuwento bago maisulat). Hindi katulad ng chapter 1, hindi masyadong maraming kwento ang chapter na ito. Ito siguro yun  "in between" na chapter. Maiksi lang siya, pero katulad ng dati ay mayroon akong pagkakamaling nagawa. 

Kapag may blank space, kahit ano maaring mag occupy. Ayon nga Kay Taylor Swift, 'Saw you there and I thought
"Oh, my God, look at that face
You look like my next mistake"'. 

Hindi naman sa sinasabi ko na naghahanap ako ng mga pagkakamali. Nagkaka taon lang ba puro sila pagkakamali. Sa bawat pagkakamali naman ay mayroon akong bagong natutunan. 

At oo, hinayaan ko ang buhay na surpresahin ako sa mga susunod na pangyayari. So sino sino na nga ba ang naging naging bahagi ng chapter? Sino sino nga ba ang mga "mistake" sa chapter na ito? Sabi nila kapag may nawala mayroon ‘space’. Katulad ng pag-resolve ko sa unang bahagi ng mapait na matamis na kabanata sa isyu ni Mr. Frie-lirt, isang malaking space ang naiwan. Dahil nawala na ang lahat ng naramdaman ko noon ay nagkaroon ng pagkakataon na magsimula sa wala. Hindi nawala ang ‘battlescars’ pero sigurado naman ako na sarado na ito. Naghilom na ang sugat. At kahit makita ko pa siya ulit ay wala na akong mararamdaman. 

Matapos ang mga naganap sa chapter 1 ay naging bukas ako sa kahit anong posibilidad sa buhay pag ibig kung ano man ba talaga yun. Isa sa mga naging tag line sa buhay ko simula ng bagong chapter na ito ay "chasing memories". 

Binuksan ko ang sarili ko sa mga posibilidad. Nasa yugtong ito na ba darating si “the one”? Mayroon ba talagang ganoon para sa akin? O baka naman I am one, meant to be one, no other one dahil wala naman talagang "the one" for me. Paano ko ba hinarap at patuloy na hinaharap ang ikalawang yugtong ito o masasabing post-Mr. Frie-lirt period (PMFL period) /after Mr. Frie-lirt era (AMFL era)—history lang ang peg.

 

Heto magsisimula na ako ulit sa mga kuwento.  



--------------------


Talaan ng mga kuwento sa Ikalawang Kabanata / Ikalawang Yugto / Chapter 2/ Season 2

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noong buhay siya?

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ng kendi

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko sa isang t