Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. Frie-lirt


Minsan sa buhay natin dumarating ang isang taong hindi natin aakalain na magiging malaking parte ng buhay natin. Hindi natin alam sa una nating pagkikita kung sino ang magtatagal sa buhay natin. Sa buhay ko marami akong nakilala pero hindi ko alam na malaki ang epekto sa akin ng pagkakakilala namin ni Mr. Frie-lirt*. 

Ilang linggo na ako sa bansang iyon pero wala akong ibang kilalang Pilipino. Isang hapon sa meeting kasama ang kapatid ni Mr. Brother-Long-Nails ay sinabi niyang ipapakilala niya ako sa isang kaibigan niyang Pilipina na nag-aaral din doon. May kasama raw siyang iba pang Pilipinong nagluto para sa festival ng pagkaing Pilipino. Kaya tinawagan niya ang kaibigan niyang Pilipina habang naghahapunan kami. Mula ng gabing iyon ay naging kaibigan ko na siya. Siya ang naing ate ko doon. Parati niya akong inaalagaan. Sinabi kong gusto kong magsimba sa Katolikong simbahan na may Ingles ang misa. Ang sabi niya ay isasama raw niya ako sa darating na linggo. Pinakilala rin niya ako sa iba pang Pilipinong nag-aaral doon. Natuwa ako dahil malaki ang naitulong nila sa akin para mabuhay doon. Wala pa rin ang allowance namin. 

Dumating ang linggo, gumising kami ng maaga. Naiinis pa ang kasama ko sa kwarto kasi ayaw pa niyang gumising ng maaga. Malayo pa ang simbahan mula sa unibersidad namin kaya kailangan namin umalis agad. Habang nagmimisa ay may isa pang Pilipinong kinausap si ate. Narinig ko sinabi niya ang pangalan ko at sinabing nag-aaral nga raw ako doon sa unibersidad niya. Agad naman tinanong sa kanya kung may nobyo na ba raw ako. 

Pagkatapos ng misa ay nilapitan niya ako.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Sinabi ko naman (ang sagot ko).
"May boyfriend ka ba?"
"Wala po." Naman, lagi na lang yan ang tanong sa akin. Naisip ko.
"Ano pala ginagawa mo dito?"
"May exchange program po."
"Ah, kasama mo ba sila?" 
"Opo"
"San skul ka ba sa Pilipinas galing?" Sinabi ko naman sa kanya kung saan ako galing.
"Ilang taon ka na?" 
"20 po"
"Dalawang taon pala ang tanda ng anak ko sa iyo."
"Ah talaga po?" Gusto ko sanang deadmahin lang ang tungkol sa anak niya pero tuloy pa rin siya. 

"Wala ka pa lang boyfriend, wala naman girlfriend ang anak ko ngayon." 

Hindi ito ang unang pagkakataong nakarinig ako. Hindi ko tuloy maintindihan anong mayroon sa akin at ganito ang naiisip sa akin ng mga nanay, tatay, tita, tito, atbp. 

Inusisa pa niya ang buhay ko habang naglalakad kami. Pero habang patuloy siyang nagtatanong sa buhay at pamilya ko ay nagkukuwento rin naman siya tungkol sa anak niya. Sabi niya bagay raw kami. Nagulat ako noong sinabi niyang bagay raw kami ng anak niya. Matangkad raw at guwapo iyon. Nag-aaral lang ngayon sa US pero balak niyang pumunta doon para mag-aral rin. Nagulat ako lalo na noong sinabi niya na kapag raw nagka-anak na kami ng anak niya ay magiging 3/4 Pinoy iyon dahil 1/2 Pinoy lang ang anak niya. Hindi pa man kami nakakalayo ng gate ng simbahan!! 

Feeling ko playing matchmaker ang lolo niyo pero nakakatawa. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na inireto ako pero iniisip ko pa kasi ibang nagugustuhan ko kaya wala akong pakialam at ayoko ring umasa. Hindi ko pa siya nakikita kaya nagdududa ako. Kahit sinabi pa ng tatay niya na guwapo raw ang anak niya ay hindi ako naniniwala. Iniisip ko na sasabihin ba naman ng magulang sa ibang tao na pangit ang anak nila? Of course not! Kaya para sa akin inisip ko na mataba siya at hindi ko siya magugustuhan! Ayoko rin na tinutukso ako sa kanya. Ayokong maging 'source of entertainment' ang buhay ko. Pero ang weird noh? Kasi ngayon isinusulat ko ang buhay ko, hindi ba nagiging 'source of entertainment' na rin ang buhay ko sa lagay na ito? Pero higit sa 'entertainment' sana maging 'source of lessons'.

Madalas niyang binabanggit sa akin tuwing linggo ang tungkol sa anak niya. Parati siyang tumatabi sa akin pagkatapos ng misa. Mabait naman siya. Sabi niya parating na ang anak niya sa bansang iyon para mag-aral. Kinuha niya ang email ko para ibigay sa anak niya. Sabi rin niya tulungan ko raw ang anak niya mag-adjust. Ilan kaming Pilipinong nag-aaral doon kaya hindi ko alam bakit sa akin pa niya nais ipagkatiwala ang anak niya. Sa totoo lang ay baguhan lang din naman ako doon. 

Pagkalipas ng isang linggo ay tinanong niya kung nag-email na ang anak niya. Pero sabi ko ay hindi naman. Siguro ay hindi naman interesadong magpatulong ang anak niya. Well, mas mabuti na iyon. 

Tuwing kumakain kami kapag linggo ay tinatanong niya ako kung nag-email na ang anak niya. Lagi rin namang 'hindi' ako sagot ko. Parati niyang binibilin sa akin ang anak niya. 

"Alagaan mo siya, ha?" 
"Baka po mas magaling pa sa akin magsalita iyon kaya hindi niya kailangan ang tulong ko."
"Basta sasabihin ko sa kanya sa iyo magpatulong."

Dumating na ang araw na sinabi niyang makikilala na namin ang anak niya. Habang naglalakad kami ni ate papasok ng gate ng simbahan ay binanggit niya sa akin.

"Ay, 'di ba ngayon raw ipapakilala ni kuya ang anak  niya? Yikee."
"Nyek, baka mataba yun. Hindi ako interesado." 

Noong sinabi ko iyon ay alam kong hindi ko siya magugustuhan dahil una, ayoko ng ipinakikilala, ang gusto ko ay basta lang kami magkakakilala. Fate ba? Yuck, corny no? Pero naisip ko iyon dati. haha. Pangalawa, alam kong di ko siya magugustuhan dahil ayoko ng iisang anak lang. Pakiramdam ko spoiled siya, kaya HINDI. At ang huling dahilan kung bakit alam kong hindi ko siya magugustuhan ay dahil mayroon ako ibang gusto. Siret? Si Mr. Pianist. Ayoko nang naguguluhan ang puso ko kaya tama na ang isa. One man woman daw. haha. Loko lang. 

Pagkatapos ng misa ay agad na ipinakilala ni kuya ang anak niya na parati niyang kinukuwento. Kamukha niya. Matangkad nga. Payat at may salamin. Ok lang. Pero may iba pang laman ang puso ko. Sorry.

Kahit na 'di ko siya gusto ay ngumiti na lang ako. Nakita kong tinitignan niya ako. Ayan na, nagsisimula na akong maging feeling maganda. Kasabay namin silang kumain pagkatapos ng misa. Malapit sa akin sila umupo. Sinabi ni kuya sa kanya sa akin daw magpatulong sa unibersidad. Pilit ko pa rin dinedma. Hindi ko siya type eh.... (itutuloy)

*Friend + Flirt = Frie-lirt (kaibigang flirt)

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...