Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. Frie-lirt (ulit)


Sa pagtira niya sa dorm sa unibersidad namin nagkataon na malapit iyon sa dorm ko. Minsan niyaya siya ng kasama ko na sumama sa amin sa isang theme park doon. Kasama rin namin ang iba naming kaklase sa unibersidad. Nagsimula na kaming mag-usap. Iniiwasan ko siya pero nagkakataon na sa tabi ko siya napapaupo. Sinusubukan ko siyang iwasan kasi nagdududa na ako na parang tipo siya ng kasama ko. Tamang duda lang siguro. Pero mabuti nang walang problema. Hindi puwede si Mr. Pianist sumama dahil mayroon daw siyang exam para tumaas ang level niya sa language school. 

Alam ni Mr. Frie-lirt na gusto ko si Mr. Pianist bago pa siya sumama sa amin sa theme park. Kaya kahit na binigay pa niya ang mapa ng theme park para hindi ako mainitan ay pinasukob ko ang isang kaklase kong babae na kasama namin. Kaya nagulat ako na noong sumakay kami sa isang roller coaster, at oo, katabi ko siya ulit. Habang nakaupo kami at naghihintay umandar ang sinasakyan namin ay hinawakan niya ang kamay ko. Sabi niya huwag raw ako matakot. Hindi naman ito ang unang beses na sumakay ako ng roller coaster. Sa totoo lang mas nakakatakot pa ang roller coaster sa US kaysa sa sinakyan namin noong hapon na iyon. Kinagabihan ay nanood kami ng fireworks display. Habang nakaupo kami sa damuhan. Bigla niyang nilagay ang kamay niya sa taas ng mata ko.

"Anong ginagawa mo??" Tanong ko.
"Masama sa mata ang pulbura mula sa mga paputok." Sagot niya.
"E hindi ko naman makikita ang fireworks." Sa totoo lang ay mababa kasi ang paputok kaya diretso sa mga manonood ang bagsak ng mga pulbura. 
"Ikaw ang bahala…" 

Ibinaba niya ang kamay niya at hindi na kumibo. Hindi na kami nag-usap hanggang sa makauwi kami. Pare-pareho kaming pagod kaya nagmamadali na kaming umuwi. Pareho kaming dalawa ng bus stop na binababaan. Sinabi ko na lang bago kami maghiwalay na kung may kailangan siya ay tumawag lang siya sa kuwarto ko. Hindi kami nagkikita sa skul. Hindi rin siya nakikipag-usap. Iniisip ko na siguro marami naman kasi siyang kaibigan lalo na at magaling na siyang magsalita ng salita doon kaya hindi na niya kailangan ng tulong ko. 

Kaya nga lang ay pagdating ng linggo ay bigla kaming tinanong ng tatay niya kung sabay ba raw kaming kumakain sa skul. Siyempre sabi namin hindi. Pagdating ng Martes ay wala kaming pasok dahil eleksyon doon. Tumawag ang isang kasama kong Pilipino na doon na raw kami mag tanghalian ng iba naming kasamang Pilipino sa unibersidad. Kaya naligo ako agad. Habang nagbibihis ako ay nag ring ulit ang telepono ko sa kuwarto. 

"Hello." 
"Ako ito. Puwede ba tayong magsabay kumain ng tanghalian?"
"Sa totoo lang ay pupunta ako sa bahay ng isang kuya. Magluluto kami ng pagkain doon. Gusto mong sumama?"
"Sige. Anong oras?"
"Nagbibihis na lang ako. Magkita tayo sa may labahan." Sa pagitan ng dorm namin iyon. Humawak ako sa braso niya nang makita ko ang isang lalaking niyayaya akong lumabas hindi naman kami close at hindi ko siya type para isipin na hindi na ako available at the moment. hehe. 

Habang nagluluto ako ng pagkain namin ay sinabi niya sa akin na iwanan ko na lang daw ang ibang gamit ko dahil puwede naman niya itong dalhin paguwi niya ng Pilipinas ilang buwan mula ng paguwi ko. Sabi ko sasabihan ko ang isa pang kasama namin na iwanan din ang gamit dahil mas marami siyang gamit kaysa akin.Pagkatapos namin kumain ay inantok ako kaya nagsabi akong makikitulog muna ako sa kama ng kaibigan namin habang sila naman ay nakaupo sa lapag at nanonood ng pelikula.Bigla siyang nagsabing hihiga sa tabi ko kaya umurong ako papunta sa may dulo para may pagitan rin sa gitna namin. Tumalikod na lang ako. Habang nandoon kami ay halos hindi rin ako nakatulog kasi nag-uusap sila tungkol sa palabas. Isa pa ay medyo na conscious ako na may katabi ako sa kama 'di naman kami close at isa pa lalaki siya. 

Mula noon ay madalas na siyang sumasama sa aming mga Pilipino doon. Madalas kaming lumalabas lalo na kapag lingo. Isang gabi, bumaba kami ng sabay ng bus at naglakad na papuntang dorm namin. Naglakad ako sa gutter para medyo malayo sa kanya. Nang bigla akong nadulas at tumama ang tuhod ko sa sahig. Maraming tao na naglalakad sa paligid dahil walang pasok ng araw na iyon. Una kong naisip ang kahihiyan ko dahil nakatingin silang lahat sa akin. 

"Shocks! Kahiya talaga. Nakakaiyak." Sa loob loob ko.

Ang lolo niyo naman ay tumatawa habang tinutulungan akong tumayo. "Anong nangyari sa iyo? haha"

Hindi ako sumagot. Sumimangot ako pero sa isip ko, "walang hiyang ito nasaktan na nga ako at napahiya pinagtatawanan pa ako."

"Naku, sa tingin ko pinagtawanan ka nung lalaki sa tapat. haha" Dagdag niya. 

Umiyak na ako.

"Naku wala nang magpapakasal sa iyo niyan. haha" sabi niya.

Lalo pa akong naiyak. Pinaupo niya ako sa gutter sa may dorm namin at tumigil na siyang tumawa. Bigla niya akong niyakap. 

Sabay sabing, "huwag kang mag-alala kapag walang gustong magpakasal sa iyo, pakakasalan kita."

Tinignan ko siya ng masama pero umiiyak pa rin ako. 

"Huwag ka nang umiyak baka isipin nila may ginagawa ako sa iyong masama." habang nakaakbay sa akin. 

Tumigil na akong umiyak pero masakit pa rin ang tuhod ko pati pride ko. Kahiya!

Habang nakaupo kami doon ay nag-kuwentuhan kami. Wala kaming pakialam sa mga taong dumaraan. Kinuwento niya ang buhay niya pati love life niya dati. Tinanong niya ako kung bakit ko gusto si Mr. Pianist. 

"Hindi ko alam….. Siguro dahil cute siya kapag nakangiti. hehe." Sagot ko. 
"Gusto mo ilagay ko siya sa Balikbayan Box at iuuwi ko sa iyo sa Agosto? haha"
"Hindi na. Eh di pagdating niya sa Pilipinas napipi na siya. haha."

Habang nagkukuwentuhan kami ay biglang dumaan ang isang kaibigan ko. Halatang nagulat siya. Tinanong rin niya kasi ako pakatapos nun kung ano raw ang relasyon ko sa kasama ko sa may gutter. 

Hindi namin namalayan ang oras. Parang hindi inaantok ang lolo niyo kahit kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin. Gusto ko na sanang umuwi dahil nagsimula nang umambon. Wala kaming dalang payong kaya binuksan niya ang isang dyaryo para hindi kami masyadong mabasa habang naglalakad papuntang dorm ko. Niloko ko pa siya, "uyyy, ang sweet naman. haha" Tinignan niya muna ako ng masama sabay tingin sa daaan.

Pagdating ko sa ibaba ng dorm ko ay hindi pa niya ako pinapasok. Pinaupo niya ako at nakipagkuwentuhan ulit. Sabi niya mahirap raw akong i-please. Matagal tagal rin kaming nag-usap sa harap ng dorm ko nang sinabi ko sa kanya na umuwi na kami. Sabi niya kukunin daw niya ang pang-ahit niya ng buhok sa dorm niya at tulungan ko raw siyang mag-ahit ng buhok. Natawa naman ako kasi niloloko namin siya parati dahil laging ahit ang buhok niya kaya tawag namin sa kanya kalbo. 

"Sige, sandali lang yun ha."
"Oo."

Pumunta kami sa dorm niya pero, syempre dalagang Pilipina ako kaya sabi ko sa kanya hihintayin ko na lang siya sa labas ng dorm niya. Madali niyang kinuha ang pang-ahit at nagpunta kami sa may labahan. Balak sana namin ay dun siya mag-aahit ng buhok. Kaya lang ay iba ang boltahe ng saksakan sa labahan kaysa pang-ahit niya. Kaya sinabi na lang niya, "show's over. Ihahatid na lang kita sa dorm mo." Umuwi na rin siya pagkapasok ko ng dorm pero madaling araw na buti na lang wala na akong klase kinabukasan kaya ayos lang. 

Pagdating ng Martes ay kinakailangan namin pumunta ng mga kasama kong Pilipino sa labas dahil nag volunteer kami na tumulong sa embahada sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Hindi namin siya kasama. Hindi rin nila alam ang nangyari noong linggo. Kahit tinutukso ako ng mga kasama ko sa kanya, ay ayaw ko pa rin tanggapin. Pakiramdam ko nasasaktan ko ang isang kasama namin na pinagdududahan kong may gusto sa kanya. Alam ko rin na gusto ko pa rin si Mr. Pianist kaya 'di ko siya magugustuhan. Sabi ko rin, hindi niya ako gusto. Tatay lang talaga niya ang parang may gusto sa akin para sa kanya. 

Pagdating ng Huwebes ng gabi ay tumunog ang telepono ko sa kuwarto. Matutulog na sana ako.

"Hello." Sabi ko. 
"Hello, ako ito."
"O"
"Anong ginagawa mo?" tanong niya.
"Matutulog na sana ako. Bakit, may problema ka ba?" sagot ko.
"Puwede ka bang lumabas ng dorm mo? Mag-usap muna tayo." 
Ayoko na sanang bumaba kasi gusto kong matulog ng maaga. Kaya sabi ko, "e naka-pajama na ako! haha."
"Puwede na yan. Mag-jacket ka na lang tapos bumaba ka ng dorm."
"Sige na nga."

Paglabas ko ng dorm ay naghihintay siya sa labas. Niyaya niya akong umupo sa bench malapit sa dorm ko. Doon nagkuwentuhan lang kami ulit ng kung ano-ano. Tinanong niya ako ulit anong gusto kong lalaki.

"Hindi ko alam. Parang ayokong mag-commit. Tsaka para sa akin love is superficial."
"Ah ok. Pero paano si Mr. Pianist?"
"Ewan ko. Ay diva may performance kayo sa pagtatapos sa language school? Pwede mo siya yayain mag perform kayong magkasama o baka mapanood mo siya kumanta habang tumutugtog ng piano…"
"Oo, alam ko na. Puwede ko siyang gawing volunteer. Sisipain ang mukha o papaluin ko ng arnis ang mukha niya. haha"
"Ang sama mo naman! Huwag na nga!"
Inabot rin kami ng alas-4 ng madaling araw bago siya pumayag na umuwi na kami. Kasi kahit anong sabi ko na umuwi na kami gabing gabi na may pasok pa siya ay hindi niya iniintindi. Buti na lang wala akong klase ulit kinabukasan kaya ayos lang. Kung hindi ay baka mahuli ako sa klase. 

Hapon kinabukasan ay natulog muna ako sa dorm habang hinihintay matapos ang labada ko. Biglang tumunog ang telepono ko. Naasar pa ang roommate ko kasi natutulog rin siya bago mag-aral sa gabi. 

"Hello." Medyo hilo pa ako sa antok. 
"Hello, ako ito. Nagising ba kita?"
"Oo, medyo. Bakit, may kailangan ka ba?"
"Oo, san ba yun gym dito?"
Sinabi ko ang direksyon kung saan siya puwedeng mag gym malapit sa dorm namin.
"Kamusta na ang tuhod mo? May pasa ba?"
"Medyo. Pero hindi na masakit. Bakit?"
"Wala lang. Naisip ko lang yun nangyari sa iyo nung linggo. haha."
"Ang sama mo!"
"Oh my God, si ate. Kasalubong ko si ate!"
Hindi nila alam na nag-uusap na kaming dalawa lang kaya naisip ko naku baka pag-usapan kami, patay! Nagulat ata si ate nung malaman niya na ako ang kausap sa telepon ng lolo niyo. Natawa na lang siya. Sabi ko tinatanong lang saan ang gym. Naghiwalay na sila ng landas habang patuloy pa rin akong kinausap ng lolo niyo.

"Anong gagawin mo mamaya?"
"Pupunta ako sa part-time job ko. Bakit?"
"Gusto ko sanang lumabas."
"Sasama sa akin ang isa pang kasama nating Pilipina. Gusto mo sumama kayong dalawa."
"Sige."

Naisip ko na parang matchmaker na ata ako. Kasi hindi sila puwedeng sumama pareho habang tinuturuan ko ang alaga ko kaya iiwan ko silang mag-gala na silang dalawa lang. hehe. Kuwento nila sa akin ay nanood raw sila ng sine. Pero dahil natapos ang sine lagpas sa oras na pinagkasunduan namin ay umuwi na ako ng bahay. Sa isip ko ay pagkakataon na nila. haha.

Bigla silang tumawag sa kuwarto ko. Sabi nila ay magkita raw kami sa malapit sa skul para kumain. Ayoko na sana dahil nasa kuwarto na ako. Puwede na akong magpahinga. Pero pumayag na rin ako baka sabihin nila maarte ako. Buti na lang sumunod ako kasi libre ng lolo niyo ang hapunan. hehe. Moral lesson, kapag niyayaya ka lumabas at may pera naman ang nagyayaya sa iyo, siguraduhin mong hindi siya makunat. Kapag sigurado ka na na hindi siya makunat ay sumama ka, 'wag na mag-inarte dahil ililibre ka niya! haha.

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...