Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. D-reamboy 2012

 Minsan sa buhay natin ay mayroon tayong makikilalang tutulong lang makalimutan natin ang sakit na nararamdaman natin kahit sandali lang. Pero dahil alam natin na hindi pa bakante ang puso natin ay hanggang doon na lamang sila para sa atin. Sa buhay ko si Mr. D-reamboy siguro iyon. 

Akalain ko ba na ilang taon ang lilipas, pareho kaming may ibang gusto ay magkikita kaming muli. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita kami sa birthday party ng tito ng isang pinsan ko. Sinama niya ako para medyo malibang. Brokenhearted na naman ako dahil sa iba. Nagulat ako dahil sa paglingon ko sa kasunod ko sa pinto ay si Mr. D-reamboy na pala iyon. 

Mas sikat na siya ngayon. Hindi lang mga taga-unibersidad namin ang nakakakilala sa kanya pati na rin ang ibang nanonood ng laro nila sa TV. Hindi na rin siya mahiyain katulad ng dati. Sa dami ng nakilala niya ay hindi na ako aasang natatandaan pa talaga niya ako. Pero binati ko pa rin siya noong dumaan siya. Binati rin niya ako. Naisip ko siguro ganoon lang siya sa lahat. 

Dahil nga brokenhearted ako ay medyo okupado ang isipan ko. Medyo mabigat rin ang puso ko pero sinusubukan kong ngumiti at makalimutan iyon. Hindi ko na siya pinansin pa mula noong binati ko siya pagdating pa lang namin sa kainan. 

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at kumaway sa akin. Nakangiti siya na parang mabait lang ang dating niya kaya siya nakangiti. Sabi niya aalis na raw siya. Akala ko pa noong una ay hindi ata ako ang kausap niya. Pero inulit niya. Sabi ko, "sandali lang magpakuha tayo ng picture muna." Nakangiti siyang tumango sa akin. Paglapit ko sa kanya ay sinabi ko sa boss niya na may birthday na kaklase ko siya dati. Dinagdagan niya, "oo nga po, nangongopya po sa akin dati 'yan!" "Hindi po totoo iyon. Paano naman ako mangongopya sa iyo eh lagi kang absent! haha" sabi ko sa kanya. Nakatingin lang sa amin ang boss niya. Nagtawanan na lang kaming dalawa. Naisip kong hindi na siya nahihiya sa akin. Ganoon siguro talaga kapag wala na rin halaga para sa kanya higit pa sa isang kakilala. 

"Naaalala mo ba talaga ako?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Pumunta nga ako sa birthday ni _____ (isang dati naming kaklase)." Sagot niya. 
"Ah talaga?"
"Oo, nandoon pa nga si Mamá..."
"Mamá? Sino si ______ (isang kaibigan ko na bakla na iyon ang tawag namin)." 
"Hindi, yun babaeng chubby."
"Ah si _____ (pangalan ng isang kaklase namin)."
"Oo yun."
"Haha." 

Natawa ako kasi hindi naman iyon ang tinatawag naming mama sa klase. Pero puwede na rin na alam niya kung sino ang kaklase namin. Hindi ko na lang siya tinanong kung natatandaan pa niya pangalan ko dahil siguradong sa lahat ng naging kaklase niya ay hindi niya natatandaan ang mga pangalan basta alam lang niya kaklase niya. 

"Saan ka nga palang kuponan naglalaro ngayon?" Tanong ko sa kanya. 
"Sa _____ (isang sikat na kuponan ng basketball)."
"Talaga? Naks, naman! Asenso ka na talaga ha!"

Natawa na lang siya. Nagpakuha kami ng litrato. Napansin kong hindi na nanlalamig ang kamay niya katulad noong kolehiyo kami (aircon rin kaya doon). Medyo may pisil pa sa siko ngayon. Marunong na siya gumanun ngayon sa akin. Samantalang dati ay hindi halos mailapat ang kamay niya na nanlalamig sa balikat ko. Ganoon na siguro talaga kapag sikat na. Mas confident na humarap sa mga tao. 

Napasaya niya ako kahit sa maiksing panahon noon. Naalala ko ang kolehiyo ko. Naalala ko kung paano niya pinahaba ang buhok ko. Abot hanggang España ang buhok ko rebonded pa kahit ordinaryo lang naman ako talaga. Hindi bagay sa atensyon niya. Ibang iba na siya. Malayo na ang narating niya. Propesyonal na manlalaro na siya. At mas marami na rin ang nakakakilala sa kanya. Lalo na sikat ang kuponana niya. Ako rin ay iba na. May bangs na minsan. Nagsusuot na ng contacts. Pero katulad ng una kaming nagkakilala ay heartbroken akong muli noong muli kaming nagkita! haha. Para sa kanya siguro ay isa na lang akong dating nakilala. Hanggang doon na lang ngayon. Ang drama! Pero ayos lang din naman. Masaya naman ako sa buhay ko ngayon eh. haha. Isa pa iniisip ko kasi ang kuwento namin ni Mr. To-Sir-With-Love...

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...