Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2014

Anong Kapalaran mo Ayon sa mga Bituin?

Mabentang mabenta sa ating mga Pilipino ang horoscope.  Naalala ko pa noong nasa kolehiyo pa ako. Nakikita ko mga kaklase ko na nagbabasa ng dyaryo sa library. Akala ko ay nagbabasa ng balita. Hindi pala balita kung hindi horoscope ang binabasa nila! Hindi sila nag-iisa sa ganyang gawain. May iba na mas madalas pang tinitignan ang horoscope kaysa balita.  Bakit nga ba ang hilig natin sa mga ganoon? Parang mas mahalaga pang malaman ang horoscope kaysa mga nangyayari sa bansa at sa mundo. Sabagay, nakaka-depress nga naman daw ang balita parati. Biruin mo umagang umaga ang bubungad sa iyo: kurapsyon, krimen, gera, atbp. Umagang umaga bad vibes agad! Showbiz section na lang tumitingin ang iba. Mas challenging daw kasi manghula kung sino ang nasa blind item.  Ilan ba sa atin inaalam ang birthday ng crush natin. Mula doon ay nalalaman natin ang zodiac sign niya. Mula naman sa zodiac sign ay inaalam natin kung ano ang pagkatao niya. Inaalam rin natin kung 'compatible' ba