Ang dami kong napapanood na mga vlog tungkol sa pagtikim ng mga tao ng pagkain. Kung noong pandemic mukbang ang uso kasi nqsa bahay lang, ngayon kadalasan street food ang nakikita ko. Yun iba mga Pilipino, yun iba mga dayuhan..
Naalala ko nung bata ako, hindi ko sensitibo sa mga pagkain.. bumibili.ako ng mga street food. Lalo na pag bakasyon. Inaabangan namin sa umaga ang nagtitinda ng taho. Kahit na sa tabi ng kalsada siya nagbubukas ng taho, masarap kaya nun! Pati yun binatog sa hapon sa tabing kalsada rin nagbubukas ng lalagyan. Kamusta naman ang nagtitinda ng fishball? Diba yun kawali hindi naman tinatakpan habang naglalakad siya tulak tulak ang karton sa tabing kalsada. Tapos ang sawsawan kung sino sino na ang nagsawsaw. Pero masarap diba? haha. Hindi ko man lang naisip na marumi pala haha. Yun kapitbahay nga namin pagkasawsaw ng fishball sa sauce, biglang may dumaan na jeep, medyo maalikabok pa naman noon sa kalsada. Tinakpan niya ang ilong niya, hindi ang kakainin na fishball. May extra toping na alikabok at usok ng jeep na yun! haha.Dati nagpunta kami ng mga ka-opisina ko sa Thailand. Sa sobrang gutom namin dahil hindi pa kami kumakain ng tanghalian, daadma na lang sa dumi bumili kami ng noodles habang nakasakay sa bangka doon sa floating market. Bahala na kung nilulubog lang nila sa tubig ang mga kinainan namin. Buhay pa naman kami. O iyon nakita namin ng mga kaibigan ko na ang tubig na pinaglulubugan ng tubo bago ito pigain sa Ho Chi Minh City night market ay nakalagay lang sa isang malaking timba na mukhang nagsisimula nang magkaroon ng lumot. Dahil nabili na namin ang sugarcane juice, inom na lang kami. Sayang eh. haha.
Pero sabi ng kailangan natin iyon para mas matibay ang resistensya. Haha. Sa totoo lang ang dumi sa pagkain ang nagpapasarap dito. Tignan niyo nga ang fried siopao sa Binondo. Natatawa ako kasi paborito ko iyon kahit na ang mga nagmamasa ng harina ay mga walang t-shirt at pawis na pawis! Siguro talaga iyong pawis nila ang natural na pampalasa sa harina ng fried siopao. haha.
Pero isang bagay na ayaw ko talaga ay ang lasa ng baka. Noong bata ako ay paborito ko ang mga luto ng nanay ko. Isa doon ang pork steak. Isang beses nagluto siya. Sabi niya bistek raw yun. Akala ko pareho lang yun sa pork steak. Kaya lang noong nalasahan ko na ang baka ay di ko na makain..di ko gusto na matamis siya. Naguguluhan ako sa nalalasahan ko. Mula noon ay ayaw ko na kumain ng bistek.. di na rin basta nagluto ng baka si mommy. Minsan kumakain pa rin ako ng corned beef noon. Medyo matamis naman kasi talaga iyon pero nung naging mas sensitibo na ang pang amoy ko habang lumalaki ako ay naamoy ko na ang baka. Di ko na rin gutong kumain ng corned beef. Kaya minsan na kumain kami sa labas ni Mr. Teddy Bear, hindi ko alam paano ako magsasabi na hindi ako kumakain ng baka eh pagdating ko sa restaurant naka order na siya para sa akin. Dahan dahan ko na lang nilunok ang medium raw na steak. Mahal yun eh. huhu.
Dati hindi maintindihan ng mga pinsan ko noong bata ako bakit raw kumakain ako ng black beans kapag nagluluto ang nanay ko ng Adobo na Puti, pero hindi naman ako kumakain ng Adobong Pusit kasi ayaw ko umitim haha.
Iba iba naman talaga tayo ng panlasa. Wala na lang basagan ng 'trip' haha.
Ikaw, kumusta ba ang panlasa mo?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento