Si Mr. Hair Gel ang naging kaklase ko sa klaseng iyon. Naging magkagrupo kami, siya pa nga ang ginawa namin team captain. Galing siya sa ibang college kaya sa PE lang talaga kami ngkikita. Parating naka gel ang buhok niya. Marahil kasosyo siya ng isa pa naming kaklase sa hair gel. Iyon naman kasing isang kaklase namin sobra ang gel sa buhok. Sabi ng ibang kaibigan namin, nakita daw nila pagkatapos ng PE namin sa shower room na nilabas ang gel niya na sobrang laki. Parating niloloko ng professor namin ang isang iyon dahil sa buhok niya. Pero hindi siya ang gusto ko, mukha lang na hinatian niya sa supply ng hair gel si Mr. Hair Gel. hehe
Sa unang tingin parang ok talaga si Mr. Hair Gel. Malinis tignan. Maputi ang uniform, tahimik sa klase, at siyempre maayos ang buhok (dahil sa gel hehe). In short, clean-looking siya. Parang pamilyar ano? Nakakadagdag sa itsura niya ang kanyang kurso na Physics. Kakaiba kasi at sa College of Science pa. Siguro kasi hindi ako magaling sa Physics kaya nakakabilib sa akin na iyon ang kunukuha niya, sounds smart! Nalaman ito ng mga kaklase ko.
Naaalala ko pa minsan naglalaro kami ng basketball. Ako ang kailangan magshoot, tapos biglang sinigaw ng mga kaklase ko: "Para kay Captain!" Ayun, isa lang ang na-shoot ko, graded pa naman. Hindi masyadong maganda ang performance ko sa class na iyon lalo na sobrang conscious ako sa pagkilos ko. Sa isang kompetisyon namin sa klase ay hindi ako makalapit para mapasahan niya ng bola. Sa sobrang conscious ko ay nauna akong tumakbo papunta sa kabilang court at pinabayaan kong siya na ang mag dribble ng bola mula sa court ng kalaban papunta sa court namin mag-isa. Hindi ko alam bakit kasi sa akin niya gusto ipasa e marami naman kamin ibang kasama sa team.
Pero ang hindi mapaniwalaan ng mga kaklase ko ay ang minsan kong nagawa sa PE. Mayroon kaming paper sa English na kailangan naming ipasa sa hapon pagkatapos ng PE namin. mahaba at mahirap ang draft na kailangan namin maipasa kaya hindi kami halos natulog. Natatandaan ko na mga alas'4 na ako ng umaga nakatulog ay hindi ko pa rin natapos ang paper ko. Halos lahat ng kaklase ko na kasama ko sa PE ay hindi pumasok para tapusin ang paper. Pero ako, hindi ko man natapos ang paper ko at wala pa akong tulog ay pumasok pa rin ako ng PE para makita si Mr. Hair Gel. Pinili ko na lang mag-absent sa dalawang subject ko pagkatapos ng tanghalian para matapos ang draft ko na hindi man lang kinuha ng professor kasi raw marami sa amin ang late pumasok.
Nalaman ng isang kaibigan ko mula high school na kunsintindora sa akin ang tungkol dito kaya tinignan niya sa friendster. Nalaman niyang kaibigan pala noong high school ng kaklase niya ang sinasabi ko kaya inadd niya sa friendster. Ginawa pa niyang textmate. Minsan nagset siya na makipagkita kay Mr. Hair Gel na kasama ako, kaso hindi siya nakapunta sa school kaya ako na lang ang pinameet niya. Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na kami ulit ngusap ni Mr. Hair Gel. Tapos na rin naman ang klase namin.
Magkaiba na kami ng PE nung sumunod na semester. Nalaman ko rin na nagkaroon na siya ng girlfriend sa klase niya. Nalungkot ako ng bongga pero hindi nagtagal ay may iba akong nakilala na nakatulong na malibang ako. Katulad ng standing ng team namin sa basketball noong semester na iyon ay ganoon din ang naging resulta ng pagkagusto ko sa kanya: 0 (zero, kulelat). Pero ang isang bagay na natutunan ko rito ay mayroong panahon para sa lahat. Minsan talo ka. hehe.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento