Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. D-reamboy (ulit 2)


Brokenhearted pa rin ako sa nangyari at sa hindi nangyari sa pagitan namin ni Mr. Frie-lirt. Masakit ang lahat sa akin. Hindi ako makapaniwalang sa sobrang ingat ko sa mga ganyang bagay nanatili akong miyembro ng samahang malalamig ang pasko ay mangyayari sa akin ang ganito. HIndi ko akalaing masasaktan ako ng ganito. Mapagbiro talaga ang tadahana. Kung ano pa ang pinakaiiwasan mo ay ganoon pa ang mangyayari sa iyo. Ganoon ang naisip ko. Ayokong masaktan sa pag-ibig, pero ang sakit sakit ng nararamdaman ko dahil sa pag-ibig. 

Hindi ko pinapahalata sa mga tao sa paligid ko kung gaano kasakit ang nararamdaman ko maliban sa mga kaibigan ko at mga pinsan ko na nasasabihan ko ng problema ko. Para daw isang telenovelang hindi maganda ang ending ang nangyari sa akin. Kasi naman pala hindi ako ang bida. Feeling leading actress ang peg eh ayan tuloy sakit sa puso ang dulot sa akin. 

Hindi ako nagtatagal ng walang kausap o ginagawa. Mas gusto ko sa labas ng bahay buong araw. Gusto ko matutulog na lang ako sa gabi. Ayokong nasa bahay lang kaya naman kahit gabi pa ang pasok ko ay umaga pa lang ay pumapasok ako. Tambay ako sa library. Doon ako nagbabasa at nagriresearch. Marami nga lang moments na biglang napapabuntong hininga ako at minsan ay tumutulo ang luha ko. Ako na nag drama queen! Parang MTV lang ang drama. Buti na lang ay hindi nakikita ng mga tao. Baka isipin pa nila naloloka ako. Kaya niyayaya ko rin madalas mga kaibigan ko na pumasok na rin ng maaga para may kasama ako. 

Kapag wala akong pasok ay sa opisina ng nanay ko ako tumatambay. Doon ginagawa ko ang mga report at project ko. Ayokong nag-iisa sa bahay nagmumukmok lang ako habang siguro ay masayang masaya ang lokong yun kasama ang babaeng yun! 

Habang nagdadrama ako ay sinubukan kong pansinin si Mr. D-reamboy. Sumikat na sila ng ka team niya ng husto matapos nilang mapanalunan ang Championship sa UAAP. Isang gabi pagkatapos ng klase namin ay lumapit sa kanya ang isang kaklase kong lalaki. 

"Pare, pwede bang magpapicture?" Tanong nito sa kanya. 
"Oo naman." Sagot niya.
"O ayan, pakuha naman ng picture namin sa camera mo." Sabi ng kaklase ko sa akin. 
"Sige na nga." Sabi ko. Biglang nagpuntahan sa kanilang dalawa ang iba pa naming kaklase habang kinukuha ko ang camera ko. Narinig lang na magpapapicture ay nagdagsaan na. Ayaw magpahuli kaya lahat sila ay pumuwesto na agad. Kanya kanyang pagsiksik ng mukha upang kumasya sa frame.

Bago ko sila kuhanan napansin ko na parang buong klase na ata ang nakapuwesto para magpakuha ng picture. Kaya naman sabi ko sa kanila, "Paano ako? Photographer?"
Biglang tumayo si Mr. D-reamboy. Nanliit ako lalo na ng lumapit sa akin sabay sabing, "Ako na ang kukuha." Hinihingi niya ang camera sa akin.
"Haha. Hindi na. Ikaw nga ang gusto nilang makasama sa picture tapos ikaw ang kukuha? Sige na, ako na. Umupo ka na doon." Sabi ko sa kanya. 
Umupo siya. Pagkatapos ay sinabihan ko ang kaklase kong lalaki na nagpapakuha ng picture na una na sasama ako sa picture at siya naman ang kumuha ng picture. Nakasama ako sa picture pero nasa may likod na ako pumuwesto. 

Pagkatapos ng ilang kuha ay unti-unti nang umalis sa puwesto ang mga kaklase ko at lumabas ng kuwarto. May mga nagpakuha kay Mr. D-reamboy na sila lang. Bigla akong hinila ng isang kaklase kong babae at pinatabi kay Mr. D-reamboy.

"O kayo naman." Sabi niya sa amin. Tumayo ako sa tabi ni Mr. D-reamboy at lumapit rin siya.
"Lapit pa." Sabi ng kaklase ko. Umurong kami ng kaunti palapit pero hindi pa rin niya kami kinukuhanan ng litrato. 
"Lapit pa. Tsaka akbayan mo naman siya. Yikee." Sabi ng kaklase ko sa kanya. 
"Ayoko, baka kasi may magalit eh…" Sabi ni Mr. D-reamboy pero medyo napapangiti. Natatawa ako sa kanya.  
"Hindi yan. Basta akbayan mo na." Sabi ng kaklase ko. Naramdaman ko ang malamig niyang kamay na ilang niyang pinatong sa balikat ko. Nanlalamig talaga ang kamay niya. 
Pagkatapos namin makuhanan ng litrato ay sinabi niya sa amin na nagbebenta siya ng ticket para sa fund-raising project ata nilang mga basketball player kinabukasan ng gabi. 
"Magkano ba yan? Wala ba kaming libre? Hehe" Niloko ko siya. Baka sakaling magbigay nga eh sayang din yun.
"Wala eh. Discount na lang. Pero para sa fund namin naman yun eh." Sagot niya.
"Ay huwag na. Discount lang pala eh. Tsaka may lakad nga pala ako bukas. hehe" Sabi ko. Nakasagot na kasi ako sa isang kabigan ko ng high school na magpapakain dahil sa kaarawan niya. Minsan ko lang sila makita kaya sabi ko pupunta ako kahit pa may klase ako hanggang hapon.

"Uy, hindi pa ba kayo uuwi gabi na." Sabi niya sa amin. Kaya pumunta ako sa lugar ko para ayusin ang gamit ko. Gabi na nga naman at maaga pa ang klase namin kinabukasan. Habang inaayos ko ang gamit ko ay nagpunta pala siya sa kaibigan ko na presidente ng klase namin. Bigla kong narinig ang kaibigan ko sinasabi sa kanya, "kaninong number, kay (pangalan ko)?" Pagtingin ko sa kanila ay sabay silang nakatingin sa akin. Nakangiti ang kaibigan ko habang si Mr. D-reamboy naman ay nagulat sa ginawa ng kaibigan ko. 

"Bakit ko narinig ang pangalan ko? Anong meron?" Tanong ko sa kanila. Nakatingin lang ako siya sa akin. Sabay sinabi sa kaibigan ko, "'wag na lang siguro. Sige uuwi na ako." Bigla na lang siyang lumabas ng klasrum namin. Bumalik ako sa pag-aayos ng gamit ko. Sinabi ng isa pang kaibigan namin sa kaibigan kong presidente ng klase namin pagkalabas ni Mr. D-reamboy, "nakita ko paglabas niya ng pinto ay tinuturo niya sa iyo si (pangalan ko). Hindi mo napansin." Kaya hindi na niya nakuha ang number ko. Tsk. Akala ata niya 'may bumabakuran' nga sa akin. 

Makalipas ang ilang araw ay hinihintay ko ang isa kong propesor sa labas ng faculty room na katabi ng elevator. Habang nakatayo kami doon ay nakita kong pumasok siya ng lobby kasama ang isa pang ka teammate niya. Nakita kong may sinasabi siya sa kasama niya habang nakatingin silang dalawa sa akin. 

"Ayan ba?" Tanong ng kasama niya sa kanya habang nakatingin sa akin. Malapit na sila sa akin noon. Hindi na makatingin sa akin si Mr. D-reamboy. Nakangiti na lang siya at agad hinila ang kasama niyang player papasok ng elevator. 
"Ano yun?" Tanong ko sa mga kaibigan ko na kasama kong nakatayo doon.
"Ewan. haha" Sabi ng isa kong kaibigan na nakakita sa nangyari.

Noong panahon na iyon, alam kong masakit pa rin ang nangyari sa akin kay Mr. Frie-lirt pero ang alaala ni Mr. D-reamboy ang nagpapasaya sa akin kahit papaano. Kung iisipin, ay hindi ako buo noong panahong iyon. Hindi ko rin maibibigay ang buong puso ko sa kanya dahil malalim ang sakit na inabot ko kay Mr. Frie-lirt. Magiging rebound lang siya if ever. Unfair naman para sa kanya iyon. Feelingera lang ulit. hehe... itutuloy.

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noong buhay siya?

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ng kendi

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko sa isang t