Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2021

Ano bang Mayroon sa Oras?

          Marami na tayong narinig tungkol sa oras o time. Ano nga ba ang mayroon dito? Narinig na natin na “time is gold”. Ginawang literal na kayamanan and turing sa oras sa pelikulang "In Time”.  Mahalaga raw ang oras. Hindi raw dapat ito sinasayang dahil kapag lumipas na ito ay hindi na ito maibabalik. Ayon nga sa kanta ni Joey Albert, “ang nakalipas, di maaaring balikan…” Hindi pa rin naman na imbento hanggang ngayon ang flux capacitor   para makapag time travel katulad sa “Back to the Future."   Nabanggit rin sa “More than Friends” ( 친구에서 연인이 되는 경우의 수 ), ano naman silbi ng “time” kung wala ka naman ginawa sa panahon na iyon. Para saan ang paglipas ng panahon kung lumipas lang ito ng 'wala lang’.  First Time (1)  Parati na lang sinasabi na mahalaga ang mga first sa buhay. Ano ba ang mga unang pagkakataon sa buhay ng tao? First haircut, first step, first words, first birthday kapag baby pa. Lalo na kapag unang baby ka ng pamilya. Lahat ng atensyon na