Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili?

Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin. 

Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw.

Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ng kendi at iba pang basura ay itatapon na lang sa kalsada. Pero bakit sa ibang bansa ay kaya naman natin sumunod? 

Kahit na ilang beses na tinuturo ang pag recycle ay hindi naman ginagawa ng karamihan. May naghihiwalay ba talaga ng mga basurang maaring gamitin muli o ipagbili sa junkshop ay hindi pa rin ito ginagawa ng karamihan. Nakakatamad. Hayaan mo na lang ang gobyerno ayusin ang problema sa mga imbornal. Kahit nga may nakalagay na simbolo kung maari itong i-recycle ay hindi naman ito tinatanggap ng junkshop. Kung ano lang ang gusto nilang bilhin yun lang ang binibili nila. Yun ibang pwede naman i-recycle ay bahal na ang may basura. 

Sabi rin nila dahil sa mga ginagawa natin, tulad ng pagpuputol ng puno na nagiging sanhi ng baha, pagguho ng lupa, polusyon mula sa mga pabrika, usok mula sa mga sasakyan, atbp. ay nakakaranas tayo ng global warming. Kanya kanya kasi tayong abuso sa kalikasan. Iaasa na lang lahat sa gobyerno. Sino ba naapektuhan sa mga ito? Tayo.

Korupsyon. Bakit ba may korupsyon dito sa Pilipinas? Makasarili kasi mga tao. Puro sarili ang inuuna kaysa kapakanan ng karamihan. Ang masama kasi marami rin mga Pilipino ang inuuna ang sariling interes kaysa isipin ang epekto ng kanilang mga desisyon. Kaya napapa-puwesto ang mga buwaya sa gobyerno kasi marami rin mga tao ang ibinoboto lang ang mga kandidato na nagbibigay sa kanila ng pera o regalo. Sabi nga nila "if the price is right." Mas mahalaga ang panandaliang benepisyo nila kaysa gawin ang tama. Makasarili. 

Krimen. Halos lahat ng krimen ay nag-uugat rin sa mga sariling dahilan. Sarili na naman. Hindi man lahat pero karamihan ay pagiging makasarili ang pinagsisimulan. 

Trapik. Sabi nila may forever daw dito sa Pilipinas. Trapik. Oo, forever ang trapik. Bakit may trapik? Kasi lahat nagmamadali. Lahat gustong mauna. Ayaw magbigayan sa daan. Walang pakialam kahit na sila ang nasa mali. Habang ang mga nagbebenta ng mga sasakyan ay inuuna ang interes nila na makabenta ng marami. At ang gobyerno ay hindi inaayos ang mga kalsada. Kaya magtiis tayo sa trapik dahil habang may mga Pilipino na makasarili at lalong nagiging makasarili ang lahat ay habang buhay na ang trapik. 

Bakit marami ang nag-aaway? Pakinggan niyo ang mga katwiran nila. Kadalasan tungkol ito sa sarili ng bawat isa. Isa, pareho o lahat sa kanila sarili nila ang iniisip. Minsan hindi na mahalaga kung sino pa ang kaaway, basta sarili ang mahalaga. 

Paano naman ang pananahimik dahil ayaw na ng usapan, gulo o madamay sa mga isyu? Hindi ba pagiging makasarili iyon? Sabihin na natin ito ay para sa "self-preservation" o "survival of the fittest,"  ngunit sarili pa rin ang nangunguna dito, hindi ba?

Paano ang mga nagsisigarilyo sa mga pampublikong lugar? Masaya silang humihithit ng yosi sabay buga sa paligid na nalalanghap ng iba na hindi naman nagsisigarilyo. Bakit hindi na lang maibento na may helmet ang mga ito at ang lahat ng binubuga nilang usok ay sila rin ang lalanghap? 

Paano ang mga naglalampungan sa labas? Masaya silang nagpapakita ng damdamin sa isa't isa, e paano naman ang iisipin ng mga bata na dahil mayroon mga gumagawa ay ayos lang? Hindi masamang magmahal at ipakita ito sa minamahal mo, ngunit mayroon itong hangganan. Hindi ko naman sinasabing dahil maghihiwalay rin sila katulad ng paghihiwalay ng mga lupa kaya bakit pa sila naglalampungan sa kalye? Pero ang mga ganoong pagpapakita ng damdamin ay hindi na kailangan pang makita ng iba bukod sa kanila. Naaalala ko tuloy ang sinabi ng isang propesor ko noong nasa kolehiyo pa ako, "kung kakain kayo sa klase ko, dapat hahatian niyo ang ibang kaklase niyo." Nakakahiya naman sa nakakakita kung hindi mo ibabahagi ang ipinapakita mo. Ibig sabihin kung handa kang ipakita ang pagmamahal mo sa labas, ay dapat handa ka rin makihati sa'yo ang iba. Sa madaling salita, dapat papayag ka sa libreng hipo at halik rin mula sa mga manyak na dadaan. Nainggit eh. 

Sino kaya ang totoong hindi naging makasarili kahit isang saglit lang sa buhay nila? Mahirap sabihin kahit masakit man isipin o aminin ang katotohanan na tayo ay may kakayahan maging makasarili o isipin ang sarili bago ang iba. Hindi naman masama mahalin ang sarili dahil sino pa ba ang magmamahal sa ating sarili kung hindi tayo? Ilagay lang ito sa tama. Matutong timabangin ang mga bagay-bagay. 

Hindi masamang magbigay lalo na kung bukas sa kalooban natin. Hindi masamang mabawasan ang kakainin natin tutal naman ikatataba natin ang sobrang pagkain, maari rin tayong ma-empacho o bangungutin dahil sa sobrang pagkain lalo na sa gabi. 

Tandaan: ang pagmamahal sa sarili ay nakamamatay. Di ba sa kuwento ni Narcissus ang sobrang pagmamahal niya sa sarili niya tumapos ng kaniyang buhay. Dapat siguro mayroon tayong karatula na ang nakalagay "BABALA: HUWAG MAGING MAKASARILI, NAKAMAMATAY" sa lahat ng puwedeng lagyan ng mga ito upang maging paalala sa atin tuwing nakakalimutan natin na masyado na tayong nagiging makasarili. 


Ikaw, bakit ka masarili?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...