Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2021

Para sa Iyo, Mula sa Akin

Para sa iyo ito, mula sa akin…   Pagkatapos ng mga naisulat ko dito sa blog, siguro naman ay may karapatan na akong hilingin na sana hindi na ako magkagusto kahit kanino para hindi na rin ako muling magkamali. Napapagod na ako. Paulit-ulit na lang maling tao ang nagugustuhan ko. Masaya naman ako sa buhay ko. Akala ko nga hindi na ako makakaramdam pa ulit ng magkahalong saya at kilig.   SALAMAT   Sa una pa lang naman naisip kong hindi ako ang babaeng magugustuhan mo. Dahil parang malayo ako sa mga nakapaligid at lumalapit sa iyo. Pero isang araw bigla na lang kitang napansin. Ok ka naman pala. Kaya lang parang ayaw mo basta mapalapit kung kanino lang. Hindi ko man agad naintindihan ang nararamdaman ko para sa iyo. Natutuwa ako kapag nakikita kita at kapag nakakausap kita. Salamat sa iyo, marunong pa pala akong makaramdam ng kilig. Kahit pa halata naman na naiilang ka sa akin. Sigurado ako na gusto kita. Ayos lang sa akin dahil iniisip ko nga, natutuwa lang ako. Ako lang iyon. Ako lang a