Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2014

Nagpaka-tanga Ka Na Ba?

Nagpaka-tanga ka na ba? Sino ba sa atin ang gustong matawag na 'tanga'? Kahit sino ata ay hindi gustong matawag na ganito kahit na nagsusumigaw pa ang katotohanan na sa pagkakataong iyon ay 'tanga' siya. Inisiip kasi natin hindi ito magandang pakinggan. Lahat tayo gusto natin maganda ang dating natin. Mahalaga para sa atin ang ating 'image' aminin man natin o hindi.  Hindi ka talaga 'tanga', nagkaroon lang ng pagkakataong hindi tama ayan sa standard ng lipunan o mundo ang napili mo. Hindi ka naman 24/7 na 'tanga' eh, kaya hindi ka talaga 'tanga'. Sabi nga sa "He's Just Not That Into You", tayong mga babae, mula nang bata tayo ay pinaniwala tayong ang mga lalaki kapag inaasar tayo ay ibig sabihin ay may gusto sila sa atin. Minsan totoo, ngunit mas madalas ay kaya lang tayo inaasar ay ka-asar-asar tayo para sa kanila. In short, trip lang walang special/hidden meaning. Mahilig kasi tayong gumawa ng kuwento kaya ayan n...

Na Friend-Zoned at Seen-Zoned ka na Ba?

Sabi nila imposible raw na ang isang babae at lalaki ay maging magkaibigan ng hindi nagkakamalisya ang isa o pareho sa kanila. Kapag pareho silang may malisya, ibang usapan na iyon. Mutual understanding. Pero kung isa lang ang may malisya. Malas niya. Dahil malamang mafe-friend-zoned lang siya. Masakit lang isipin na kahit gaano pa niya kagusto o kahit tunay pa ang nararamdaman niya para sa kaibigan niya ay mananatiling "Friend of Mine" ni Odette Quesada (mas gusto ko ang version ni Lea Salonga) ang kanyang theme song. Pwede rin ang "Why Can't It Be?" ni Rannie Raymundo (version ni Nina).  Nagpadala ka ng mensahe sa taong gusto mo pero wala siyang reply kahit na nakalagay "seen" matapos mo lang ipadala ang mensahe mo? Ang tawag daw diyan ay "seen-zone". Nakita niya ang mensahe mo pero hindi niya nais pansinin. Sakit sa damdamin at pride na deadma ang pinadalhan mo ng mensahe.  Hindi katapusan ng mundo kapag na friend-zoned...

Bakit Gusto Nating Matakot?

Bakit ba tayong  mga Pilipino kay hilig makiuso sa mga banyaga? Isa sa hindi ko maintindihan ay ang pag-gaya natin sa kanila sa Halloween. Bakit ba natin kailangan takutin ang mga sarili natin sa mga nakakatakot na palabas, nakakatakot na kuwento, atbp. Ang benta ng mga horror movies sa atin. Kahit pa mas maraming parte ng palabas ay may takip ang mata natin. Sabay tanong sa katabi "anong nangyari?" Dati rin mahilig akong manood ng nakakatakot kasama ng mga pinsan ko at mga kaibigan ko para lang hindi makatulog ng ilang araw. Shutter, The Ring, The Eye, The Grudge, Pet Cemetery, ilan lang yan sa mga pelikulang gumising sa akin sa madaling araw. Dati rin usong-uso ang mga dokumentaryo tungkol sa mga haunted house, engkanto, multo, lamang-lupa, atbp. nakakatakot na nilalang. Mabenta dati ang palabas ni Kabayang Noli "Magandang Gabi Bayan" kapag malapit na ang Halloween. Ilang gabi na naman akong hindi nakakatulog pagkatapos kong manood nun. Bakit ba gusto natin ...

Anong Kailangan Mo Na Ayaw Mo?

Sa buhay natin ay mayroon mga bagay na kailangan natin pero ayaw natin.  Anu-ano ba ang sa akin? 1. Masustansyang Pagkain Isa na dito ang pagkain. Noong bata ako hindi ako mahilig kumain ng gulay. Mas masarap pa rin ang mga porkchop, fried chicken, crispy pata, atbp. Kapag ganyan ang ulam ay tuwang tuwa ako. Ngunit kapag nakita ko na ang ulam ay gulay ay nawawala bigla ang gana kong kumain. Habang lumalaki ako ay unti-unti kong pinag-aralan kung paano kumain ng gulay para may sustansya naman akong makuha.   2. Gamot Katulad rin ng gamot. Ayaw na ayaw ko noong bata pa ako na uminom ng gamot kasi mapait. Kung anu-ano ang ginawa ng mga magulang ko pati mga tiyahin ko para lang mapainom ako ng gamot kapag may sakit ako. Noong una dinudurog nila ang biogesic sa kutsara sabay nilalagyan ng tubig at asukal. Nilulunod ko ng tubig ang sarili ko sa pag-inom upang mahugasan ang pait. Sinusumpa ko ang pag-inom ng gamot sa sobrang pait nito. Kung puwede lang talaga na hindi na ako...

Na-Indyan ka na Ba?

Indyan, yan ang mga tawag natin kapag hindi tayo sinisipot ng kausap natin. Drawing naman kapag nagbibigay ng salita ngunit hindi naman tinutupad ang sinabi. Masuwerte ka kung hindi mo pa nararanasan ito sa buong buhay mo, pero karamihan sa mga Pinoy ay naranasan na ito.  Sabi nila kasama na sa kultura natin ang Filipino Time. Ano ba ang Filipino Time? Sabi nila isang oras na late ito sa pinag-usapang oras. Minsan ay higit pa. Magkakasundo kayo sa oras na magkikita kayo. Pagdating sa oras na pinag-usapan ay mas madalas ang pagkakataon na maghihintay ka ng isang oras pa. Hindi naman lahat sumusunod sa Filipino Time.  Sa totoo lang, sino ba nag-imbento ng Filipino Time? Hindi naman komo sinabi lang na parte na ito ng ating kaugalian ay dapat sundin na ito. Dapat nga ay mas patunayan natin na hindi ito totoo sa lahat ng pagkakataon--na mas madalas na natutupad naman ang pinag-usapan. Ito nga kaya ang dahilan kung bakit hindi tayo umuunlad? Sapagkat kulang tayo sa isang s...

Anong Kapalaran mo Ayon sa mga Bituin?

Mabentang mabenta sa ating mga Pilipino ang horoscope.  Naalala ko pa noong nasa kolehiyo pa ako. Nakikita ko mga kaklase ko na nagbabasa ng dyaryo sa library. Akala ko ay nagbabasa ng balita. Hindi pala balita kung hindi horoscope ang binabasa nila! Hindi sila nag-iisa sa ganyang gawain. May iba na mas madalas pang tinitignan ang horoscope kaysa balita.  Bakit nga ba ang hilig natin sa mga ganoon? Parang mas mahalaga pang malaman ang horoscope kaysa mga nangyayari sa bansa at sa mundo. Sabagay, nakaka-depress nga naman daw ang balita parati. Biruin mo umagang umaga ang bubungad sa iyo: kurapsyon, krimen, gera, atbp. Umagang umaga bad vibes agad! Showbiz section na lang tumitingin ang iba. Mas challenging daw kasi manghula kung sino ang nasa blind item.  Ilan ba sa atin inaalam ang birthday ng crush natin. Mula doon ay nalalaman natin ang zodiac sign niya. Mula naman sa zodiac sign ay inaalam natin kung ano ang pagkatao niya. Inaalam rin natin kung 'compatibl...

Mahilig ka bang Mag-Selfie?

Tayong mga Pinoy nga naman sobrang hilig sa litrato. At hindi lang basta litrato, kung hindi sariling litrato. Madalas mong maririnig kapag grupo ng mga Pinoy ang nagtu-tour ang "picture, picture." Nandyan din ang "ako, ako naman ang kuhanan niyo ng solo." Ano kaya ay "kuhanan mo naman ako pang-profile pic." Kung hindi naman ay makikita mo na lang na tahimik nang nakangiti sabay tapat ng camera, cellphone, etc. at nagse-selfie na.  Naaalala ko pa nung high school ako. Booth namin ang pinakamalakas sa lahat ng booth tuning school fair. Bakit? Kasi nag tayo kami ng parang studio para sa mga gustong magpakuha ng litrato. Piniprint namin at ginugupit na wallet size ang mga litrato nila. Patok na patok kami sa mga kapwa namin mag-aaral dahil doon.  Kahit tuwing pumupunta sa mall ang mga magkakaibigan, magkapatid, pamilya, etc. ay hindi pwedeng hindi magpapakuha ng litrato. Lalo na yun naka-wallet size. Napupuno ang mga wallet namin ng mga studio pictur...

Nanaginip ka ba?

Sa tuwing natutulog tayo ng mahimbing ay nananaginip tayo. Kadalasan daw sabi ng mga Siyentipiko ay ang huling panaginip bago tayo magising lang ang naalala talaga natin. Minsan pa nga nagigising tayo na para bang pagod na pagod tayo dahil parang totoong nangyari ang sa panaginip natin. Dati sa sobrang stress ko sa trabaho ko ay napapanaginipan ko na nasa trabaho ako at nagtatrabaho. Kaya pag gising ko ay parang pagod ako sa panaginip ko. Para bang hindi ako talaga natulog.  Pero minsan rin naman ay nakakalimutan natin ang panaginip natin. Magigising tayo na may tanong na, "ano nga bang napaniginipan ko?"  Weird daw ang panaginip natin kadalasan kasi halo halo ang mga detalye sa memorya natin--para lang hinalong kalamay. Minsan mga kakilala natin ang naroon. Minsan rin mga hindi natin talaga kilala. Minsan pati mga kilalang tao ang kasama sa panaginip natin. Minsan ginagawa nila ang mga bagay na iniisip mong gagawin nila, minsan din ginagawa nila ang mga bagay na hin...

Umiyak ka na ba Dahil sa Pelikula?

Drama, ang hilig nating mga Pilipino. Mas madrama ang pelikula, mas award-winning. Kapag napaiyak ka ng pelikula, lalo ng pag-arte ng mga artista. Mabenta ang mga kwento kung saan ang bida ay inaapi ng lahat.  Pero napaiyak ka na ba sa mga pelikula? Kung oo, ano-anong mga pelikula ang nagpaiyak sa iyo? Nagtanong-tanong din ako sa mga nakapaligid sa akin at ito ang ilan sa mga pelikulang nagpaluha sa kanila ng bonga: Ako, sa totoo lang mas napapaiyak tuwing may asong namamatay. Kaya noong bata ako ang isa sa mga unang pelikula na natatandaan ko na napaiyak ako ay ang "All Dogs Go to Heaven". Kung gusto mo akong mapaiyak sa pelikula, panoorin mo ako ng tungkol sa asong namatay at siguradong magtatagumpay ka sa pagpapaiyak sa akin. Kahit cartoons pa ito effective sa akin. Naiyak rin ako dati sa "Land Before Time" nang namatay ang nanay ni Little Foot.  Isang pelikulang nagpaiyak sa akin ng todo noong Grade School ako ay ang "An Affair to Remember...

Anong Theme Song ng Buhay Mo?

Tayong mga Pilipino sobrang hilig sa musika. Sa una nagkakahiyaan pa kumanta sa videoke pero kapag may nauna na ay sunod sunod na. Halos hindi na mapigilan ang mga Pinoy. Paborito ng karamihan ng mga Pinoy ay yun mga kantang kailangang bumirit sa taas. Tawanan ang katumbas pag hindi naabot ang mataas na nota.  Balitang balita ang mga lasing na nahihilig sa "My Way". Mga ilan din sa kanila ang namatay dahil dito. Kaya nabansagan dati ang "My Way" na "deadly song". Mabuti na lang natigil rin ito. Pero patok na patok pa rin ang mga kanta ng Aegis, sikat rin ang mga pambirit na kanta nila Ate Regine Velasquez, Mariah Carey, Celine Dion, Whitney Houston, at marami pa. Pagka nag-iinuman ang mga sawi sa pag-ibig ay mga kanta ng mga banda ang sinisigaw, este kinakanta pala.  Sa bawat yugto ng buhay natin ay mayroon tayong kanta na tila inaangkin natin bilang "theme song" natin.  Sa bawat nangyayari sa buhay natin ay may kantang nasasabi nati...

Kamusta ang Araw ng mga Puso Mo?

Sandali lang matapos natin gumawa ng New Year's Resolution, heto na naman ang isang okasyon sa taon. Marami na ang hindi na naituloy ang kanilang pangako sa sarili na magpapayat o magbawas ng timbang ngayong bagong taon bago pa dumating ang tinatawag na Araw ng mga Puso.  Maraming gimik ang nauuso tuwing dumarating ang panahon na ito. Nandyan ang mga discount at promo sa mga biglang liko. Nandyan ang libreng proteksyon na tinutulan ng maraming naniniwalang hindi dapat ito pinopromote.  Marami ang na iistress sa pagdating ng araw na ito. Sa totoo lang, sa dinami-raming nagdiriwang ng araw na ito, sa bigat ng trapik, sa punong mga restaurant, concert, atbp., iilan na lang talaga ang tunay na nakakaintindi ng dahilan kung bakit may araw ng mga puso o Valentine's Day. Hindi ito naiiba sa pag gunita ng mga national holiday. Ang mahalaga na lang sa karamihan ay ang bakasyon. Walang pasok. Ano kaya ay panahon ito para lumabas kasama ng mga minamahal, mga kaibigan, pamilya, atbp. Sala...

Anong Bago Sa'yo Ngayong Bagong Taon?

Hindi natatapos ang kasiyahan sa panahon ng kapaskuhan dahil isang lingo ang makalipas ay hinaharap na natin ang Bagong Taon. Pagkatapos pa lang ng Pasko ay panibagong pagdiriwang na naman ito.  Paano nga ba nating ginugunita ang Bagong Taon dito sa Pilipinas? Dito sa Pilipinas ay parang hinalong kalamay ang ating mga tradisyon lalo na tuwing Pasko at Bagong Taon, ang iba ay galing sa mga Chinese, mayroon na rin Western. Magsuot ng damit na may bilog bilog/polkadots para daw dumami ang pera natin ngayon bagong taon na darating. Dahil wala na raw masyadong halaga ang barya kaya dapat daw parisukat/rectangle na ang design ng damit mo para papel ang pera na dumating sa iyo ngayong bagong taon. Pwede rin naman cheque o 1/2 sheet of pad paper. haha. Pero bakit kapag nagsuot ka naman ng polkadots nang hindi Bagong Taon ay aasarin kang Bagong Taon ba daw. Sagutin mo kaya nang, "oo Bagong Taon ngayon at araw araw sa buhay ko" tignan natin kung anong isasagot nila. Maglag...