Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit Gusto Nating Matakot?

Bakit ba tayong  mga Pilipino kay hilig makiuso sa mga banyaga?

Isa sa hindi ko maintindihan ay ang pag-gaya natin sa kanila sa Halloween. Bakit ba natin kailangan takutin ang mga sarili natin sa mga nakakatakot na palabas, nakakatakot na kuwento, atbp. Ang benta ng mga horror movies sa atin. Kahit pa mas maraming parte ng palabas ay may takip ang mata natin. Sabay tanong sa katabi "anong nangyari?" Dati rin mahilig akong manood ng nakakatakot kasama ng mga pinsan ko at mga kaibigan ko para lang hindi makatulog ng ilang araw. Shutter, The Ring, The Eye, The Grudge, Pet Cemetery, ilan lang yan sa mga pelikulang gumising sa akin sa madaling araw.

Dati rin usong-uso ang mga dokumentaryo tungkol sa mga haunted house, engkanto, multo, lamang-lupa, atbp. nakakatakot na nilalang. Mabenta dati ang palabas ni Kabayang Noli "Magandang Gabi Bayan" kapag malapit na ang Halloween. Ilang gabi na naman akong hindi nakakatulog pagkatapos kong manood nun.

Bakit ba gusto natin ang natatakot tayo? Dahil ba sa excitement? Para ba mapatunayan na matapang tayo? Maiintindihan ko pa ang mga brokenhearted tuwing Araw ng mga Puso kung bakit sila manonood ng nakakatakot. Pero ano ba ang gusto natin mangyari at naghahanap tayo ng kaba? Tapos kapag hindi tayo natakot sa palabas ay sisisihin pa ang direktor at sasabihing "walang kwenta, hindi naman nakakatakot" ano kaya "ang korny".

Noong uso pa ang mga perya ay mabenta ang mga Horror House. Nagbabayad ang mga tao para matakot. Kumikita ang mga tao sa likod nito upang manakot.

Pero likas ba sa mga tao na takutin ang sarili natin? Kasi parang uso ito hindi lang dito sa Pilipinas.

Ang hindi ko maintindihan ay bakit kailangan sabihing "happy halloween". Bakit kailangan mag trick or treat pa? Dati sa ibang bansa lang ito. Nang lumaon ay nagkaroon na rin sa ilang lugar. Sa ngayon ay dumarami ang mga lugar at bayan na mayroon nito! Para saan ba ito? Bakit kailangan suotan ang mga bata ng mangkukulam, zombie, atbp.? Ano ba ang nakukuha rito? Hindi ba pagsasayang lang ito ng pera at oras?

Iba-iba tayo ng trip o gusto sa buhay, pero sana bago natin gayahin ang mga kaugalian ng mga banyaga ay alalahanin natin na mas mahalaga ang Undas kaysa Halloween Party, trick or treat, o panonood ng horror movies. Mas mahalaga ang paggunita natin sa mga kaluluwa ng mga namayapa nating mahal sa buhay, pati na rin ang mga Santo at Santa. Bago tayo mag-ipon ng tunaw na kandila sa sementeryo o tumambay sa sementeryo upang makita ang mga kaibigan natin o crush natin, ay alalahanin natin ang mas mahalagang dahilan sa likod ng lahat ng ito.

Ikaw, bakit gusto mong natatakot?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...