Nagpaka-tanga ka na ba? Sino ba sa atin ang gustong matawag na 'tanga'? Kahit sino ata ay hindi gustong matawag na ganito kahit na nagsusumigaw pa ang katotohanan na sa pagkakataong iyon ay 'tanga' siya. Inisiip kasi natin hindi ito magandang pakinggan. Lahat tayo gusto natin maganda ang dating natin. Mahalaga para sa atin ang ating 'image' aminin man natin o hindi.
Hindi ka talaga 'tanga', nagkaroon lang ng pagkakataong hindi tama ayan sa standard ng lipunan o mundo ang napili mo. Hindi ka naman 24/7 na 'tanga' eh, kaya hindi ka talaga 'tanga'. Sabi nga sa "He's Just Not That Into You", tayong mga babae, mula nang bata tayo ay pinaniwala tayong ang mga lalaki kapag inaasar tayo ay ibig sabihin ay may gusto sila sa atin. Minsan totoo, ngunit mas madalas ay kaya lang tayo inaasar ay ka-asar-asar tayo para sa kanila. In short, trip lang walang special/hidden meaning. Mahilig kasi tayong gumawa ng kuwento kaya ayan nagiging tanga tayo sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon.
Tanga ka kung kahit nagsusumigaw na ang katotohanan na hindi ka gusto ng taong gusto mo ay pinipilit mo pa rin ang sarili mo na gusto ka niya at gumagawa ka ng 'excuse' 'alibi' o 'dahilan' para sa kanya. Ito ang ilan sa mga iyon:
1. "Torpe kasi eh" o "Mahiyain siya eh" - Hindi siya nagmemessage sa iyo kasi nahihiya siya sa iyo. Sabi nga "if there's a will, there's a way". Huwag ka mag-ilusyon na, you're too good for him kaya nahihiya siyang lumapit sa iyo. Kung gusto ka talaga ng taong iyon ay maglalakas ng loob iyon.
2. "Busy lang siya" - Hindi siya nagmemessage sa iyo kasi marami siyang ginagawa. Busy? Yeah, right. Katulad kanina uulitin ko lang sa Tagalog, "'pag gusto may paraan, 'pag ayaw laging may dahilan." Iyan ang tandaan mo.
3. "Hindi pa siya sure" - Hindi siya nag 'da moves' para makausap ka at ligawan ka kasi hindi siya sigurado sa nararamdaman niya sa NGAYON. Ika nga nila, wala naman talagang kasiguraduhan sa mundong ito. Minsan akala mo lalaki, bakla pala. Akala mo mahinhin, biglang buntis! Ganoon din sa nararamdaman. Huwag mong sabihin hindi pa lang siya 'sure' sa nararamdaman niya sa iyo kaya wala siyang ginagawa.
4. "Walang load" o "Low-batt" - Hindi siya nagrereply sa iyo dahil wala siyang load o low batt? Naku, lumang dahilan na iyan. Remember: items 1 and 2.
5. "Lalaki lang siya" o "Mabait (nice) lang siya talaga" - Nakikita mong may ka-flirt siya sa FB. Bongga kung maka-like sa bawat post ng ibang babae, todo pa maka-comment, samantalang sa post mo bihira siya mag like, deadma kadalasan sa post mo. Huwag mong sabihing lalaki lang siya o ano kaya ay mabait lang siya kaya siya ganun sa ibang babae. FLIRT siya yun lang yun at hindi siya interesado sa iyo.
Kung pagkatapos ng mga ito ay patuloy mo pa rin tinitignan ang account niya, tinitignan mo pa rin ang activity niya sa posts ng babaeng kalandian niya sa FB, chine-check mo pa rin ang messenger kung 'Active' siya o hindi, tanggapin mo na lang na tanga ka lang sa pag-ibig. Martir ka kung gusto mo pa rin siya kahit ang sakit sakit na. Ano bang mayroon siya na hindi mo kayang mag-let go sa pagka-gusto mo sa kanya? O sadyang nagpapaka-'tanga' ka lang talaga?
Ikaw, nagpaka-tanga ka na ba?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento