Sabi nila imposible raw na ang isang babae at lalaki ay maging magkaibigan ng hindi nagkakamalisya ang isa o pareho sa kanila. Kapag pareho silang may malisya, ibang usapan na iyon. Mutual understanding.
Pero kung isa lang ang may malisya. Malas niya. Dahil malamang mafe-friend-zoned lang siya. Masakit lang isipin na kahit gaano pa niya kagusto o kahit tunay pa ang nararamdaman niya para sa kaibigan niya ay mananatiling "Friend of Mine" ni Odette Quesada (mas gusto ko ang version ni Lea Salonga) ang kanyang theme song. Pwede rin ang "Why Can't It Be?" ni Rannie Raymundo (version ni Nina).

Nagpadala ka ng mensahe sa taong gusto mo pero wala siyang reply kahit na nakalagay "seen" matapos mo lang ipadala ang mensahe mo? Ang tawag daw diyan ay "seen-zone". Nakita niya ang mensahe mo pero hindi niya nais pansinin. Sakit sa damdamin at pride na deadma ang pinadalhan mo ng mensahe.
Hindi katapusan ng mundo kapag na friend-zoned at seen-zoned ka. Kaya move on! Masaya mabuhay. Hindi kasalanan ang magkagusto sa taong hindi mo gusto. Mag-ingat lang na kaibigan mo ang bibigyan mo ng malisya. Siyempre, kapag nalaman ng kaibigan mo na may malisya ka na sa kanya ay maaring magbago ang pakikitungo niya sa iyo upang maintindihan mo na kaibigan lang talaga ang tingin niya sa iyo.
Hindi ka mamatay kung hindi mutual ang nararamdaman niyo ng gusto mo. Kahit ma-seen-zone ka pa, ayos lang yan. Mabuti nang siya mismo ang nakaalam ng nais mong sabihin sa kanya kaysa sa ibang tao mo sabihin…
Ikaw, na-friend-zoned/seen-zoned ka na ba?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento