Sandali lang matapos natin gumawa ng New Year's Resolution, heto na naman ang isang okasyon sa taon. Marami na ang hindi na naituloy ang kanilang pangako sa sarili na magpapayat o magbawas ng timbang ngayong bagong taon bago pa dumating ang tinatawag na Araw ng mga Puso.
Maraming gimik ang nauuso tuwing dumarating ang panahon na ito. Nandyan ang mga discount at promo sa mga biglang liko. Nandyan ang libreng proteksyon na tinutulan ng maraming naniniwalang hindi dapat ito pinopromote.
Marami ang na iistress sa pagdating ng araw na ito. Sa totoo lang, sa dinami-raming nagdiriwang ng araw na ito, sa bigat ng trapik, sa punong mga restaurant, concert, atbp., iilan na lang talaga ang tunay na nakakaintindi ng dahilan kung bakit may araw ng mga puso o Valentine's Day. Hindi ito naiiba sa pag gunita ng mga national holiday. Ang mahalaga na lang sa karamihan ay ang bakasyon. Walang pasok. Ano kaya ay panahon ito para lumabas kasama ng mga minamahal, mga kaibigan, pamilya, atbp. Salamat sa sakripisyo ng isang Katolikong Santo ay mayroon tayong pinagdiriwang na araw na ito.
Sa mga may nobyo/nobya, hindi ito tungkol sa inyo ng jowa mo. Hindi natatapos ang pagmamahalan sa araw na ito. Hindi ang date, bulaklak, tsokolate o regalo ang basehan ng araw na ito. Gimik na lang ng mga nagnenegosyo ang pagbibigay ng halaga sa mga tinda o serbisyo nila para kumita ng mas malaki sa araw na ito. Kinagat niyo naman. Naging parte na lang talaga ang mga ito ng araw ng mga puso, pero hindi ang mga ito ang araw ng mga puso. Kahit wala ang mga ito ay lilipas ang araw ng mga puso. Kaya huwag rin maging mapusok at ayaw natin magbunga ng wala sa tamang panahon ang isang araw na ito.
Sa mga walang minamahal, hindi mo kailangan maging bitter sa mga may kasama. Hindi mo kailangan ma stress sa araw na ito. Hindi mo rin kailangan magalit sa araw na ito. Hindi ito tungkol sa iyo. Mas malalim ang dahilan ng pagdiriwang kaysa iniisip ng karamihan.
Pero sa mga hindi makaintindi, isang araw lang iyon. Hindi ito katapusan ng mundo. Relaks lang. May bukas pa para mabuhay. Isang normal na araw na itinalaga lamang para sa pagmamahal. Hindi naman ito tungkol lang sa romantic love. Maraming klase ng pagmamahal, hello?!
Bawas gastos din para sa mga single kapag araw ng mga puso kasi hindi naman nila kailangan gumastos sa araw na ito.
Marami ka pwedeng problemahin kaysa isipin bakit wala kang date ng Feb. 14. Katulad ng February 29. Tuwing 4 taon lang dumarating pero hindi ikinamamatay ng mga pinanganak ng Feb. 29 ito. Kahit pa may nanunukso sa kanila na kulang kulang sila pati na rin ang mga pinanganak daw ng Pebrero, wala naman nangyayari sa kanila kung hindi sila nagpapaapekto.
Masaya mabuhay. Mabuhay ng maligaya kahit pa anong nangyari sa araw ng mga puso mo!
Lumipas na nga ang araw ng mga puso, pero heto ka nagbabasa ngayon ng sinulat ko. :)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento