Lumaktaw sa pangunahing content

Nanaginip ka ba?

Sa tuwing natutulog tayo ng mahimbing ay nananaginip tayo. Kadalasan daw sabi ng mga Siyentipiko ay ang huling panaginip bago tayo magising lang ang naalala talaga natin. Minsan pa nga nagigising tayo na para bang pagod na pagod tayo dahil parang totoong nangyari ang sa panaginip natin. Dati sa sobrang stress ko sa trabaho ko ay napapanaginipan ko na nasa trabaho ako at nagtatrabaho. Kaya pag gising ko ay parang pagod ako sa panaginip ko. Para bang hindi ako talaga natulog. 

Pero minsan rin naman ay nakakalimutan natin ang panaginip natin. Magigising tayo na may tanong na, "ano nga bang napaniginipan ko?" 

Weird daw ang panaginip natin kadalasan kasi halo halo ang mga detalye sa memorya natin--para lang hinalong kalamay. Minsan mga kakilala natin ang naroon. Minsan rin mga hindi natin talaga kilala. Minsan pati mga kilalang tao ang kasama sa panaginip natin. Minsan ginagawa nila ang mga bagay na iniisip mong gagawin nila, minsan din ginagawa nila ang mga bagay na hindi nila gagawin sa totoong buhay. 

Weird. yan ang parati nating sinasabi tungkol sa panaginip natin. 

Minsan sa panaginip natin ay nagiging kung tayo ang mga bagay na hindi tayo sa totoong buhay. Minsan ay nanaginip ako na may humahabol raw sa akin na masasamang tao, bigla na lang akong parang si Darna na lumilipad at may super strength kaya nilabanan ko ang masasamang taong iyon. 

Minsan akala natin ay wala tayong magagawa sa panaginip natin. Kung baga iniisip natin na kusa siyang nangyayari. Ngunit ang hindi natin alam ay mayroon tayong kapangyarihan sa ating panaginip. Malaki ang ating kontribusyon sa ating panaginip. Dahil sa panaginip ko ang iniisip ay nangyari ang gusto kong dapat mangyari sa panaginip ko habang nanaginip rin ako. 

Pagkagising natin ay iniisip natin ang panaginip natin. Iniisip natin kung magkakatotoo ito na parang isang "premonition" o "sign". Ang iba naman ay iniisip na hindi raw mangyayari ang napanaginipan natin. Ang iba naman tinatandaan ang mga detalye sa panaginip na may interpretasyon daw, tulad ng tubig. Sabi nila masama raw managinip ng tubig dahil raw problema raw ang ibig sabihin nito. Sabi nila masama raw lalo na kung nakalubog ka sa tubig dahil malaking problema sa buhay ang haharapin mo. Sabi ng nanay ko dati raw ay napanaginipan niya ang asawa ng isang tita ko na namamangka sa ilog. Makalipas ang sandaling panahon ay namatay ito. 

Masama rin daw ang managinip na natatanggal ang ngipin mo. Ibig raw sabihin nito ay may mamatay kang kamag-anak o kapamilya. Ilang beses rin akong nakapanaginip na may natanggal akong ngipin na pagkalipas at hindi nagtagal ay may namatay akong kamag-anak. Dapat raw kasi ikagat sa buhay na kahoy. San naman ako kakagat ng puno? Dyahe diba? Pero ayokong isipin ang panaginip ko at ang hindi ko pagkagat sa buhay na kahoy ang dahilan ng kanilang kamatayan. Hindi ito ang pelikulang "Final Destination". Totoong buhay ito. Mangyayari ang dapat mangyari, kumagat man ako ng buhay na kahoy o hindi. 

Iba iba ang interpretasyon ng panaginip. Iba iba rin paniniwala ng bawat kultura tungkol dito. Pero kung ano man talaga ang ibig sabihin o ang silbi ng panaginip ay hindi dapat natin malimutan na ang panaginip ay panaganip lang. Hindi tayo dapat mabuhay doon. Huwag natin patakbuhin ang buhay natin base dito. Sapagkat nasa atin pa rin ang kapangyarihan mamili kung paano tayo sa totoong buhay natin. Mas magandang mabuhay sa totoong buhay kaysa manatili sa panaginip natin

Ikaw, nanaginip ka na ba?

Mga Komento

  1. Palagi ako nanaginip ng mga tao na hindi ko naman kilala...tapos nanaginip din ako na palagi malapit na daw ako sa tuktuk ng langit pero di ako makapasok

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...