Lumaktaw sa pangunahing content

Na-Indyan ka na Ba?

Indyan, yan ang mga tawag natin kapag hindi tayo sinisipot ng kausap natin. Drawing naman kapag nagbibigay ng salita ngunit hindi naman tinutupad ang sinabi. Masuwerte ka kung hindi mo pa nararanasan ito sa buong buhay mo, pero karamihan sa mga Pinoy ay naranasan na ito. 

Sabi nila kasama na sa kultura natin ang Filipino Time. Ano ba ang Filipino Time? Sabi nila isang oras na late ito sa pinag-usapang oras. Minsan ay higit pa. Magkakasundo kayo sa oras na magkikita kayo. Pagdating sa oras na pinag-usapan ay mas madalas ang pagkakataon na maghihintay ka ng isang oras pa. Hindi naman lahat sumusunod sa Filipino Time. 

Sa totoo lang, sino ba nag-imbento ng Filipino Time? Hindi naman komo sinabi lang na parte na ito ng ating kaugalian ay dapat sundin na ito. Dapat nga ay mas patunayan natin na hindi ito totoo sa lahat ng pagkakataon--na mas madalas na natutupad naman ang pinag-usapan. Ito nga kaya ang dahilan kung bakit hindi tayo umuunlad? Sapagkat kulang tayo sa isang salita kahit sa pagitan na lang ng mga kamag-anak at kaibigan natin. Parati na lang bang "it's better late than never"?

Nakakabanas ma-Indyan. Biruin mo itinakda mo ang oras mo para sa taong kausap mo pero hindi ka sisiputin kahit man lang nahuli sa oras. Nakakainit ng ulo talaga na nasayang ang oras mo. Time is Gold raw. Siguro hindi nila alam iyon. Nakakairitang isipin na parang hindi naisip ng taong nang-Indyan sa iyo ang nararamdaman mo. Ang makukuha mong kapalit ng pagkabanas mo: linya sa noo mo, sakit sa dibdib, at ang salitang "pasensya" mula sa nagkasala. Minsan nga ang hindi pa makuhang humingi ng paumanhin mula sa mga ito. Hindi bale, tinuturuan ka naman daw na magpasensya kasi raw "good things come to those who wait" at "patience is a virtue". Mukha niyo! nang-Indyan pa rin kayo!

Pero ilan ba sa atin ang hindi guilty? Kahit isang beses lang sa buhay natin na mang-Indyan? Yun tipong, mag-tetext na lang na hindi makakapunta sa araw mismo na dapat makikipagkita ka. Nagawa na rin siguro dahil lang hindi ko "feel" pumunta. Mas pinili ko ang sarili ko sa pagkakataong iyon. Bakit ba minsan ang hirap sabihin ang totoo: na sarili ang mas pinapahalagahan natin sa tuwing hindi tayo nakakatupad sa pangako nating oras na pinag-usapan?

Kung isang sakit ang pag-Indyan at pag-Drawing, masasabi natin na mas kalat ang Drawing sa dami ng gumagawa nito. Mas marami ang sasang-ayon sa una pero habang lumalaon ang usapan ay hindi mo na maririnig na sagot nila. Sa una lang nag-rereply sa thread o sa message. Hindi mo na malaman kung nakarating ba sa kanila ang mensahe mo. Kapag ganoon ang nangyari ay huwag mo nang asahan na tutupad pa yan sa plano. Hindi katulad ng Indyan na hanggang sa huling usapan bago ang oras na magkikita na kayo ay kausap mo pa, ang Drawing ay hindi nagpaparamdam bago pa ang araw na pinag-usapan. Kaya hindi raw masyadong masakit. 

Drawing rin masasabi ang mga taong late. Sasabihing 10 ng umaga magkikita, kapag tinawagan mo ng mga 10:15 para tanongin kung nasaan ang kausap mo ay sasabihin sa iyo na "malapit na" o "papunta na", ngunit ang totoo ay nasa bahay pa o kagigising pa lang. Mahuhuli mo ang mga guilty kapag tinanong mo ulit at sinabing "trapik pero malapit na" o hindi mo alam kung paanong doble ng haba ng biyahe nila ang biniyahe nila mula ng una mong tanongin ng kanilang kinaroroonan. Iyan ang Drawing sa oras. Better late than never daw. 

Sabi nila hindi raw nababawi ng salitang paumanhin o pasensya ang hindi pagtupad sa sa salita. Dahil sa tuwing tayo ay may na-indyan o na-drawing ay nagkakaroon ng lamat ang samahan natin sa kung sino man ang nagawan natin nito. Sa tuwing nangyayari ito ay unti-unti rin nawawala ang tiwala nila sa atin. Darating ang panahon na madadala o mawawalan na sila ng ganang yayain pa tayo o makipagkita pa sa atin. 

Kaya ikaw, kung may na-Indyan ka o nakapag-drawing ka, sikapin patunayan sa mga tao na nagbagong buhay ka na. Mabuti nang ikaw ang ma-Indyan o ma-drawing-an kaysa ikaw ang gumawa ng dahilan upang sila ay mawalan ng gana sa iyo. Hindi naman ito parang "pay it forward" o gantihan. 


Ikaw, na-Indyan ka na ba? 

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...