Lumaktaw sa pangunahing content

Anong Theme Song ng Buhay Mo?

Tayong mga Pilipino sobrang hilig sa musika. Sa una nagkakahiyaan pa kumanta sa videoke pero kapag may nauna na ay sunod sunod na. Halos hindi na mapigilan ang mga Pinoy. Paborito ng karamihan ng mga Pinoy ay yun mga kantang kailangang bumirit sa taas. Tawanan ang katumbas pag hindi naabot ang mataas na nota. 

Balitang balita ang mga lasing na nahihilig sa "My Way". Mga ilan din sa kanila ang namatay dahil dito. Kaya nabansagan dati ang "My Way" na "deadly song". Mabuti na lang natigil rin ito. Pero patok na patok pa rin ang mga kanta ng Aegis, sikat rin ang mga pambirit na kanta nila Ate Regine Velasquez, Mariah Carey, Celine Dion, Whitney Houston, at marami pa. Pagka nag-iinuman ang mga sawi sa pag-ibig ay mga kanta ng mga banda ang sinisigaw, este kinakanta pala. 

Sa bawat yugto ng buhay natin ay mayroon tayong kanta na tila inaangkin natin bilang "theme song" natin. 

Sa bawat nangyayari sa buhay natin ay may kantang nasasabi nating bagay dito.

Naalala ko pa noon high school ako mayroon along nagustuhan. Hindi ko nasabi ang nararamdaman ko sa kanya. Sa tuwing naririnig ko ang kantang "Muntik na Kitang Minahal" ng The Company ay parang naiiyak ako dati. Feeling ko kasi bagay. Pero hindi. haha. Na recycle ko pa ang kantang iyan sa dalawa pang lalaking nagustuhan ko. haha. Sayang eh! haha. 

Para sa mga kabataan noon, tuwing naaalala nila ang kanilang unang pag-ibig or first love ay naaalala rin nila ang kantang "Tamis ng Unang Halik" ni Tina Paner. 

Sa mga umibig sa mga kaibigan, "Friend of Mine" ni Lea Salonga o "Why Can't it Be?" ni Ranny Raymundo ang theme song. 

Sa mga napaibig at iniwan ng minahal sa loob ng isang linggo tama na ang "Isang Linggong Pag-Ibig" bilang national anthem nila. 

Ang hilig natin sa mga kantang tungkol sa pag-ibig lalo na ang mga pangsawing mga puso. 

Sa mga may unrequited/one-sided love, maraming kanta ang marring pagpilian bilang theme song. 

Sa mga takot umibig ng buo, "Before I Fall in Love" ni Coco Lee mula sa pelikulang "Runaway Bride" ang bagay sa inyo. Pwede rin ang "Afraid for Love to Fade" ni Jose Mari Chan kung OPM ang trip niyo. 

Sa mga naghihintay pa dumating ang kanilang "the one" at certified member pa ng NBSB (No Boyfriend Since Birth) society ang, "When Will It Be Me?" ni Yasmeen. 

Pero sa mga naririnig kong nararanasan ng mga kabataan sa kasalukuyan ay tila hindi na uso ang mga ganyang theme song sa kanila. Nakakalungkot na nilagpasan na nila ang parteng ito ng buhay. 

Marami rin ang natatanga o nagtatanga-tangahan sa pag-ibig. Kahit alam nilang mali na patuloy na umasa sa kanilang minamahal ay tuloy pa rin. Kahit na sumisigaw na ang katotohanan ay ayaw pa rin mag move on. Ang theme song nila, "Hindi na Natuto".

Sa mga gusto daw ng "challenge" at makiuso sa mga ala The Legal Wife, The Mistress, atop. ang drama, "Save the Best for Last" habang sila naman ay kinakantahan ng mga lalaki ng "Sana Dalawa ang Puso Ko" o "Bakit Ngayon Ka Lang Dumating?"


Ikaw anong theme song ng buhay mo?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...