Lumaktaw sa pangunahing content

Umiyak ka na ba Dahil sa Pelikula?

Drama, ang hilig nating mga Pilipino. Mas madrama ang pelikula, mas award-winning. Kapag napaiyak ka ng pelikula, lalo ng pag-arte ng mga artista. Mabenta ang mga kwento kung saan ang bida ay inaapi ng lahat. 

Pero napaiyak ka na ba sa mga pelikula? Kung oo, ano-anong mga pelikula ang nagpaiyak sa iyo?
Nagtanong-tanong din ako sa mga nakapaligid sa akin at ito ang ilan sa mga pelikulang nagpaluha sa kanila ng bonga:

Ako, sa totoo lang mas napapaiyak tuwing may asong namamatay. Kaya noong bata ako ang isa sa mga unang pelikula na natatandaan ko na napaiyak ako ay ang "All Dogs Go to Heaven". Kung gusto mo akong mapaiyak sa pelikula, panoorin mo ako ng tungkol sa asong namatay at siguradong magtatagumpay ka sa pagpapaiyak sa akin. Kahit cartoons pa ito effective sa akin. Naiyak rin ako dati sa "Land Before Time" nang namatay ang nanay ni Little Foot. 

Isang pelikulang nagpaiyak sa akin ng todo noong Grade School ako ay ang "An Affair to Remember". Naiyak ako noong namatay ang lola ng bidang lalaki na gustong gusto ang bidang babae. Naiyak ako noong nalaman ng bidang lalaki na kaya pala hindi nakarating sa Empire State Building ang bidang babae ay dahil nabundol siya ng sasakyan habang naglalakad siya papuntang Empire State Building noong araw na pinagkasunduan nila. Nakatingin kasi siya sa taas ng building iniisip niyang nandoon ang lalaking minamahal niya kaya lang biglang may mabilis na dumating na sasakyan, hindi siya naiwasan ayun nabundol siya. Hindi niya nais makita ng minamahal niya na pilay na siya at baka maawa lang sa kanya kaya mas pinili niyang hindi na magpakita rito. Kahit na nagkita silang muli sa isang palabas ay ayaw niyang malaman nito na napilay na siya kaya hinintay niyang mauna na itong umalis bago siya nagpalabas. Naiyak ako lalo na tuwing pinapatugtog ang theme song ng pelikula. Makalipas ang maraming taon ay naiiyak pa rin ako tuwing maririnig ko ang theme song ng pelikula. Ni-remake ang pelikula ngunit mas naiiyak pa rin ako sa orihinal. 

Noong lumalaki na ako, naalala ko na ang sumunod na pelikulang nagpaiyak sa akin ng bongga ay ang "Titanic" ni Leonardo Di Caprio. Grade School pa rin ako noon. Naiyak talaga ako kahit sa loob ng sinehan pa. Hindi lang naman ako ang naiiyak sa pelikulang iyon ah! Nakakaiyak rin kaya yun pelikula nila Maricel Soriano kung saan pinapili nila si Patrick Garcia kung kanino sasama. 

Kahit pelikulang Pilipino ay napapaiyak rin ako. Naalala ko pa noong high school ako mayroon akong nagustuhan na lalaki. Isang taon ang tanda niya sa akin. Pero "It's Complicated" kaya nang mapanood ko ang pelikula ni Ate Regine at Tito Aga na "Pangako Ikaw Lang" ay napaiyak ako noong namatay ay tatay ni Ate Regine habang brokenhearted siya. Naisip ko rin na kahit kailan ay hindi namin magiging kanta ang theme song nila at kahit kailan ay hindi magiging happy ending ang kwento namin. At tama ako, hindi nga. haha

Hindi pa malay ako ipanganak ay marami na ang pinaiyak ng "Love Story." Luma na ang pelikulang ito pero nakakaiyak talaga. Isang whirlwind-Cinderella story. Mayaman na  bidang lalaki nakilala ang bidang babae na mula sa mahirap na 'working class'. Nagkagustuhan at naisipan magpakasal pagkatapos nila maka-graduate ng kolehiyo. Makalipas ang ilang taon ay naging abogado si Oliver at naging guro si Jenny. Hindi nagtagal ang kaligayahan na ito dahil pagkatapos kang pakiligin sa istorya nila ay bigla matatapos sa lungkot. Namatay si Jenny sa ospital katabi si Oliver. Sikat sa pelikulang ito ang mga katagang, "love means never having to say you're sorry."

One More Chance. Pagmahahal kahit na "ang sakit sakit na" ang peg ng dalawang ito. Mag nobyo mula kolehiyo sila Bea (Basha) at John Lloyd (Popoy) pero nasakal si Bea kay John Lloyd. Nakahanap ng iba si John Lloyd pero gusto pa rin pala siya ni Bea. Nakakaiyak talaga ang acting nila noong nag break sila. Sinaoli pa ni Bea ang mga bigay ni John Lloyd. Halata man ang wig ni Bea noong trying to move on na siya, pero nakakaiyak yung paghahabol ni John Lloyd sa kanya. Nakakaiyak rin ang usapan nila noong mayroon nang iba si John Llyod. Sabi ni Bea, "Sana ako pa rin. Sana ako na lang. Sana ako na lang ulit" Sagot naman ni John Lloyd, "She loved me at my worst, you had me at my best pero binalewala mo lang ang lahat ng yun…and you chose to break my heart."

Anak. Nakakaiyak ang nangyari sa pamilya nila. Isang halimbawa ng maaring mangyari sa isang pamilyang nangingibang bayan ang ina upang kumita ng malaking pera. Hindi naman napalaki ng maayos ng ama ang mga anak kaya napariwara ang mga buhay. Nakakaiyak ang pagtatalo ni Claudine at Vilma dito. Lalo na noong sinumbatan si Vilma ni Claudine dahil hindi nakauwi noong namatayan sila. Hindi niya alam ang hirap ng ina sa ibang bansa. 

P.S. I Love You. Sino ba naman ang hindi maiiyak sa kwento na ito. Naghanda ng sobra ang lalaking minahal niya upang tulungan siyang mag move on. Maraming sulat siyang iniwan. Binili pa siya ng ticket pabalik kung saan sila unang nagkakilala. 

The Odd Life of Timothy Green. Nakakaiyak nga yun nawala bigla si Timothy dahil tapos na pala ang oras niya at nagawa na niya ang kailangan niya. At noong nakita ng mag-asawa ang batang inaampon nila.

Beaches. Nakakaiyak kaya yun namatay yun kaibigan ni Bette Middler doon. Nakakaiyak lalo na sabay kinanta yun theme song na "Wind Beneath My Wings".

My Girl. Hindi ko mapigilan maluha noong namatay si Thomas J. (Maculay Culkin) dahil dinumog siya ng sangkatutak na bee. Tumulo pati uhog ko noong bumaba si Vada at nilapitan ang ataol ni Thomas J. bago ilibing.

A League of their Own. Naiyak ako noong umalis si Dottie at tinigilan na ang paglalaro. Pinili niyang makasama ang asawa niya kahit na malaki ang potensiyal niyang makilala sa baseball. Nag-away sila ng kapatid niya dahil akala ni Kit ay mas pinapaboran ang ate niya dahil maganda. Lumipat siya ng team. Mula ng huling laban nila ay hindi na sila nagkita ng kapatid niya at ng mga kasamahan niya sa team. Malipas ang maraming taon ay matatanda na sila. Ang iba sa kanila ay patay na. Noon lang niya ulit nakita ang kapatid niyang si Kit. 

A Walk to Remember. Mabenta talaga mga kwento ni Nicholas Sparks lalo na ito. Parang isang Cinderella Story katulad ng Love Story. Popular boy meets ordinary girl. Fell in love. Got married. At sandaling panahon ang lumipas ay tapos na a gad ang maliligaya nilang draw. 

Memoirs of a Geisha. Nakakaiyak ang buhay ni Zhang Ziyi (Chiyo) sa pelikula. Pinili niyang mapalapit kay Ken Watanabe (Chairman) sa kanyang sobrang paghanga na naging pag-ibig. Marami siyang pinagdaanan makasama lang ang Chairman. Sa huli ay nalaman nilang may nararamdaman rin pala para sa kanya ang Chairman. Ngunit hanggang doon na lamang iyon. 

Tanging Yaman. Nakakaiyak ang kwento ng pamilya nila Gloria Romero dito. Sa huli ay namatay siya ngunit nagkasundo-sundo rin ang mga anak niya. 

The Kite Runner. Isang kwento ng sitwasyon sa Afghanistan. Tungkol ito sa dalawang magkaibigan mula noong bata pa sila na isang mahirap at isang mayaman. Lahat ginawa ni Hassan para kay Amir ngunit hindi naintindihan ni Amir ang mga nangyari kay Hassan. Napaalis si Hassan at ang kanyang ama sa bahay nila Amir dahil kay Amir. Huli na nang magsisi si Amir makalipas ng maraming taon. Sa huli ay namatay si Hassan at ang kanyang asawa. Naiwan ang kanilang anak. Kinuha ni Amir ang anak ni Hassan at tinrato itong sarili niyang anak. 


My Sister's Keeper. Nakakaiyak ang buhay nila. Pinanganak si Anna para may magiging donor si Kate na may leukemia mula noong bata pa ng mga kakailanganing organ, dugo at tissue. Sa sobrang pagmamahal ng mga magulang nila kay Kate ay hindi nila natatanong si Anna kung pumapayag ba siya sa pagkuha ng mga kailangan ni Kate sa katawan niya. Dinemanda niya ang mga magulang niya dahil sinabi rin pala ni Kate sa kanya. Ayaw na pala niyang mabuhay  dahil nahihirapan lang siya. Hindi nakikinig ang ina nila kay Kate ay napilitan silang gawin ito. Namatay si Kate sa huli kaya talagang nakakaiyak. Makikita ang pagmamahalan ng magkakapatid. 

Ikaw, anong mga pelikula ang nagpaiyak sa iyo?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...