Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Paano ba Masusukat ang Sakses ng Tao?

Tanong sa Inquirer, paano ba malalaman kung sumakses ang isang tao? Ano ba raw ang mga sign na sumakses niya? Career/Karir. Iniisip kasi natin na susi sa pag-unlad ang magandang trabaho, kasi malaki rin ang sweldo. Pero hindi lahat ng magandang pakinggan na trabaho ay maganda rin ang kondisyon. Kadalasan mukha lang maganda ang trabaho pero hindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan ng isang tao para kumita lang ng pera. Mas malaking sweldo, mas malaki ang tax. Mas malaki ang tax, malaki ang mapupunta sa korupsyon. Mayroon iba na akala mo sila ang may-ari o boss kung makapag post tungkol sa trabaho. Sakses diba? Kumakain sa mga mamahalin resto . Ito ang pinaka madalas na post ng mga tao. Iyon bang kumakain sila sa mga mamahalin restaurant. Minsan wala naman sa mahal ng restaurant ang dapat na hinahabol ng mga tao, iyon totoong masarap. Akalain niyo ba na mayroon mga kainan na higit sampung beses ata ang halaga kung ihahambing sa ibang kainan. Pero, dahil sakses naman sila, wala lang ku...

Gaano katagal tumatagal ang sweldo mo?

Para sa iba parang multo ang sweldo. Alam nilang dumarating pero hindi na nila nahahawakan. Dumadaan ang araw ng sweldo na hindi nila nararamdaman ang sweldo. May sweldo pala? Ano ba ang ibig sabihin ng sweldo? Para sa iba naman ubos na hindi pa dumarating. Kaka cash advance yan. Tumagal naman, kaya lang hindi sa kasalukuyan. Para sa iba ay parang Cinderella. Hanggang alas-12 lang ng gabi ang sweldo. Kinabukasan ay balik na ulit sa pagka-alipin ang peg. Hindi muling sinisikatan ng araw ang sweldo.

Para saan ka bumabangon?

Para saan ka ba gumigising sa araw araw? Tanong nga ng Nescafe, "para kanino ka bumabangon?" (hindi ito sponsored, promise!) Para sa pangarap? Para sa pamilya? Para sa mga bayarin? Para saan? Paano kung wala ka nang nakikitang dahilan upang gumising sa araw araw-araw?  Paano kung wala ka nang dahilan para bumangon? 

Kumusta ang panlasa ko?

Ang dami kong napapanood na mga vlog tungkol sa pagtikim ng mga tao ng pagkain. Kung noong pandemic mukbang ang uso kasi nasa bahay lang, ngayon kadalasan street food ang nakikita ko. Yun iba mga Pilipino, yun iba mga dayuhan.. Naalala ko nung bata ako, hindi ko sensitibo sa mga pagkain.. bumibili.ako ng mga street food. Lalo na pag bakasyon. Inaabangan namin sa umaga ang nagtitinda ng taho. Kahit nasa tabi ng kalsada siya nagbubukas ng taho, masarap kaya yun! Pati yun binatog sa hapon sa tabing kalsada rin nagbubukas ng lalagyan. Kamusta naman ang nagtitinda ng fishball? Diba yun kawali hindi naman tinatakpan habang naglalakad siya tulak tulak ang kariton sa tabing kalsada. Tapos ang sawsawan kung sino sino na ang nagsawsaw. Pero masarap diba? haha. Hindi ko man lang naisip na marumi pala haha. Yun kapitbahay nga namin pagkasawsaw ng fishball sa sauce, biglang may dumaan na jeep, medyo maalikabok pa naman noon sa kalsada. Tinakpan niya ang ilong niya, hindi ang kakainin na fishball. M...

Bakit hindi ko maintindihan ang mga ito?

Yun estudyanteng umaasa na malamig raw sa classroom kasi sayang naman daw ang pagsuot niya ng panlamig. Pagtingin ko nga sa kanya amg suot niya yun ginantyilyo na sweater! So dapat yun classroom ang mag adjust sa outfit niya? Ano naman kaya ang mga sa second floor lang pala pupunta, pero mas pipiliin maghintay sa elevator mula first floor. Mas matagal pa ang tinayo nila kaysa kung aakyat ng hagdan. Iniisip ko, imbalido ba sila? Disabled? May pilay? Wala naman mga dala kung hindi cellphone. Minsan mayroon maliit na bag. Pero hindi naman masyadong makakadagdag sa sakit ng tuhod nila iyon. 

Ano ang Language of Love mo?

Parati na lang itong tinatanong lalo na nitong bago mag February 14. Noong unang beses siya sinabi ng kaibigan ko dati ay hindi ko ito maintindihan. Ano nga ba ang love language ko? Bakit ba ito inaalam? Sabi sa pag-aaral ang bawat tao ay may sariling paraan ng pagpapakita ng pag mamahal o pagtangi sa mga taong mahalaga para sa kanila. Ito rin ang paraan na hinihintay nila mula sa mga taong nagmamahal sa kanila or nagpapahalaga sa kanila.

Ano ang halaga ng buhay mo?

Minsan nakakarinig tayo ng reward para lang mahanap ang isang tao. Minsan makakarinig rin tayo na mayroon mga nagbayad para lang mapatay ang isang tao. Tinapatan ng halaga sa pera ang buhay ng isang tao. Pati nga ang mga alagang hayop may katapat rin na halagang perang pabuya para sa mga makakapagbalik sa mga amo nila. P ero sa ating mga ordinaryong tao, naitanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ka ba ipinanganak at nabubuhay pa rin ngayon? Ano ba ang halaga ng buhay mo? Magkano kapag nilagyan ng halaga sa pera ang importansya mo rito sa mundo? Noong nasa kolehiyo pa ako parati ko nang tinatanong iyan. Bakit ba buhay pa rin ako? Noong panahon na iyon ay naisip ko ayoko na sana lumagpas sa 18 years old. Tapos dumating ang ika-18 kong kaaarawan. Hay . Sumunod naman ay naisip ko, ok sige umabot na ako ng 18, puwede ba ayoko na umabot pa sa edad na wala na sa kalendaryo. Ayun, ilang taon na akong wala sa kalendaryo ngayon. Buhay pa rin at araw araw pa rin nagtatanong, ano nga ba ang h...

Bakit excited ang mga tao sa birthday nila, Pasko, at Bagong Taon?

Para sa mga Christian, excited sila sa birthday ni Jesus pero sila ang mayroong mga regalo sa sarili nila, hindi naman para sa totoong may birthday. Hindi ko birthday ngayon buwan na ito, pero napaisip ako: bakit excited ang mga tao sa birthday nila? Bakit rin excited ang mga tao sa birthday ng mang may birthday?

Napapagod ka ba sa araw araw mo?

Minsan ang bilis ng araw. Minsan nalilito na ako kung anong araw na ba talaga sa sobrang pagod. Pakiramdam ko parating Biyernes na sa pagod. Madalas rin kasi kahit dapat walang pasok, wala pa rin katapusan ang mga kailangan gawin sa trabaho o sa mga bagay bagay sa buhay.  Kung bibilangin ang oras ng tulog mo sa loob ng isang linggo ay hindi ka pa aabot sa isang araw o 24 oras! Tapos tatanungin ka pa ng mga tao kapag bigla ka nagkakasakit o mukhang stress???? Kapagod.