Minsan ang bilis ng araw. Minsan nalilito na ako kung anong araw na ba talaga sa sobrang pagod. Pakiramdam ko parating Biyernes na sa pagod. Madalas rin kasi kahit dapat walang pasok, wala pa rin katapusan ang mga kailangan gawin sa trabaho o sa mga bagay bagay sa buhay.
Kung bibilangin ang oras ng tulog mo sa loob ng isang linggo ay hindi ka pa aabot sa isang araw o 24 oras! Tapos tatanungin ka pa ng mga tao kapag bigla ka nagkakasakit o mukhang stress???? Kapagod.
Kaya natawa ako noong nakita ko ito sa Instagram (@kttm_phil):Naka-relate ang pagod ko. Mayroon nga bang advance hotline kapag ganito? Paano kaya kung malalaman mo kailan mauubos ang lahat ng energy na mayroon ka at ma schedule na ang pickup syo ng St. Peter o kaya ni San Pedro?
Nakakapagod lumaban kung parang walang nangyayaring bago. Para bang kahit anong gawin mo ganun pa rin ang lahat. Parang bale wala ang effort mo. Kapagod.
Nakakapagod kapag parang lahat nang nagbibigay ng direksyon sa iyo ay wala na. Kapag lahat ng mga goal mo ay hindi na maaaring maabot. Kapagod.
Nakakapagod ang mga hassle at inconvenience na nararanasan natin sa araw araw. Pati ang mga tao sa paligid na nakakadagdag sa hassle sa araw araw, nakakapagod sila makasalamuha.
Nakakapagod yun parang parati na lang kulang ang oras sa loob ng isang linggo para matapos ang lahat ng kailangan at gusto mong gawin. Ilang oras ba ang kailangan mo sa isang araw para magawa ang lahat?
Paalis ka pa lang nga ng bahay, pero excited ka na umuwi. Namimiss mo na agad magpahinga at matulog sa kama mo. Yun bahay at kama mo kung maaari lang magsalita siguro pagsasabihan ka: "buti naisipan mo pang umuwi" haha. Mas matagal ka pa kasi sa labas ng bahay. Parang hotel kapag nagbiyahe ka. Uuwi ka lang para matulog. Yun kama hindi halos natutulugan. Ilang oras lang halos. Kailangan na ulit bumangon. Ilang beses na nag snooze ang alarm pero naiinis ka pa rin kasi hindi ka pa nakaka 5-oras na tulog.
Nakakapagod yun kulang ang isang ikaw para magawa ang lahat. Nakakapagod ang adulting. Nakakapagod maging ako. Ang daming may kailangan mula sa akin.
Nakakapagod yun kulang ang isang ikaw para magawa ang lahat. Nakakapagod ang adulting. Nakakapagod maging ako. Ang daming may kailangan mula sa akin.
Kung kailan gusto mo sana o kailangan mo magpahinga, doon pa marking may kailangan sa iyo. Naalala ko tuloy noong nagkaroon ako ng COVID19. Kakatapos pa lang na declare na hindi na ito isang pandemic, ay doon naman ako nagkaroon ng nito. Stress, pagod, depression, lahat na nagsabay sabay. Nataon naman na habang may sakit ako ay lalo pang dumami ang mga may kailangan sa akin. Mas dumami pa ang mga kailangan ko gawin. Parating ganun ang mga nangyayari. Mayroon bang nabibiling pause button para sa buhay?
Minsan naiisip ko rin nga: saan ba makakabili ng clone mo? Yun pwedeng activate pag 'di mo na keri ang mga bagay. Yun pwedeng pumalit sayo habang nag rerecharge ka ng energy. Pwede bang maraming clone mo? Huhu.
Nakakapagod gumalaw. Nakakapagod rin mag isip. Nakakapagod lumabas ng bahay lalo na kapag trapik o mahirap sumakay. Nakakapagod rin sa bahay. Sana sa isang pitik lang makakarating ka na sa dapat mong puntahan o magagawa ang mga dapat mong magawa.
Nakakapagod gumalaw. Nakakapagod rin mag isip. Nakakapagod lumabas ng bahay lalo na kapag trapik o mahirap sumakay. Nakakapagod rin sa bahay. Sana sa isang pitik lang makakarating ka na sa dapat mong puntahan o magagawa ang mga dapat mong magawa.
Nakakapagod kumain, kasi magluluto ka pa. Kapag nagluto ka, maghuhugas ka pa at maglilinis. Kapag hindi ka naman kumain, lalo kang walang energy, mas pagod ka. Nakakapagod lahat. Pati sa panaginip nagtatrabaho ka na. Pag gising mo pagod ka pa rin. Hindi na kaya ng katawang lupa mo, pero kailangan ka pa rin gumalaw araw araw.
Nakakapagod. Nakakapagod. Nakakapagod. Nakakapagod. Nakakapagod.....
Kahit ang sabihin ang salitang 'nakakapagod' nakakapagod rin. Kaya "nakakapagod 100x" o " nakakapagod infinity" na lang. Kahit paulit ulitin pa itong banggitin ay hindi naman nakakabawas sa pagod.
Sa Japan (過労死/karōshi) at Korea (gwarosa/과로사) mayroon na mga namamatay dahil sa overwork. Overstressed. Pero dito pagod ka na, pagod lang. Walang katumbas na pag unlad ng buhay. Sana nakakayaman talaga ang pagod. Sana convertible ito sa cash.
Sana nasusuklian ang pagod. Sana, sana, sana. Hay.
Ikaw, pagod ka na rin ba sa araw araw?
Ikaw, pagod ka na rin ba sa araw araw?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento