Para sa mga Christian, excited sila sa birthday ni Jesus pero sila ang mayroong mga regalo sa sarili nila, hindi naman para sa totoong may birthday. Hindi ko birthday ngayon buwan na ito, pero napaisip ako: bakit excited ang mga tao sa birthday nila? Bakit rin excited ang mga tao sa birthday ng mang may birthday?
Nabibilang sa daliri ko ang birthday ko na pinaghanda ako ng magulang ko. 1 year old, 7 years old, 18 years old. Sa tatlong beses na yan, yun 7 years old lang yun talagang natuwa ako. Yun 1 year old di ko naman talaga tanda. Tska nakita ko yun mga lumang litrato, nakita ko may baha noong araw na iyon. Yun 18 years old naman ako, surprise pa nila ako kasi ayoko nga mag debut. Ok naman.. kahit di ko naman talaga gusto yun.. para sa effort ng nanay ko.
Sa totoo lang di ko lam bakit mas excited pa yun nanay at tatay ko, pati ilang kaibigan na malapit ang kaarawan sa birthday ko kaysa akin. Siguro hindi kasi maganda ang mga alaala ko ng birthday ko. Mas natutuwa pa ako sa birthday ng iba. Sila na lang mag celebrate basta makiki handa na lang ako haha.
Di rin naman maganda ang mga alaala ko ng birthday ko. May isang beses naman na binati pa ako para lang para pag isipan ng masama pagkatapos. Dahil madalain ako, sa tuwing binabati ako nagpapasalamat na lang ako. Pero di na ako nagtitiwala. Para sa akin mas mabuti pa na di maalala ang araw na iyon ng mga taong nakakakilala sa akin. Kaya mas madalas di ko sinasabi ang totoong araw ng birthday ko.
Kahit ngayon. Nitong taon na ito, nadisgrasya pa ako papuntang Maynila umaga ng birthday ko. Ilang linggo na ang nakalipas may bukol pa rin na natira. Alas-10 na rin ng gabi ako nakakain buong araw sa dami kong trabaho at kailangan kausapin na mga estudyante. Inabot ako ng gabi bago makakain ng tanghalian. Para sa akin, ganoon naman ang araw araw ko halos. Maraming trabaho, maraming nakikipag-usap sa akin noong araw na iyon. Katulad ng ibang araw, ganoon ko sila hinarap. Wala silang alam na di pa ako nakakain buong araw ng full meal hanggang sa na trapik pa ako pauwi. Pero naisip ko, ganun din naman sa ibang araw ko. Pareho lang. Ano bang pagkakaiba?
Wala na ang tatay ko na naghahanap ng uwi kapag birthday at na wala ako sa bahay buong araw. Ganoon din ang nanay ko na sa umaga pa lang ay hinahanda na ang kakainin ko pagka-simba ko.
Ilang buwan makalipas ang birthday ko dati ay excited ako sa pasko at bagong taon kasi kasama ang pamilya, may nga regalo at namimigay ng pera. Mga ganitong panahon iyon sa loob ng isang taon. Pero ngayon na wala na ang mga magulang ko, excited na lang akong matulog sa bahay at manood ng mga palabas sa TV kapag bakasyon sa eskwela. Kapag may nagtatanong sa akin kung ano ang plano ko, sinasabi ko na 'wala.' Kasi wala naman talaga akong plano kung hindi matulog. Minsan naman ay kung ano lang maisipan ko. Basta simba, kain, uwi na. Para makatulog na! Yey!
Ayoko rin naman nakikita yun mga pamilya ng iba na masaya. Naaalala ko lang na wala na ang dalawang taong sigurado akong mahal ako. Kaya nga dati talagang iniwasan ko yun mga tao. Di rin ako madalas magbukas ng social media para di ko maalala na iba na ang sitwasyon ko kumpara sa ibang tao. Ganito pala ang ulila sa buhay. Buti na lang 'di naman ako iniwan na di ko kakayanin na wala na sila. Kahit wala na sila inaalagaan pa rin nila ako sa mga naiwan nila para sa akin. Kaya lang wala na sila eh. Para saan pa ang mga iyon? Nakakatawa lang na mayroon mga taong naaawa sa akin kaya kanya kanya silang yaya sa akin sa pasko. Pumipili na lang ako kung sino ang sasamahan ko.
Ayoko rin sa birthday ko yun patuloy na nadadagdagan ang edad ko. Nakakainis. Pwede bang tumigil na ang oras para sa akin? Yun iba excited tumanda. Di ko alam bakit ako, hindi. Di rin naman ako excited manatili dito sa mundo. Parang 'prolonging the agony' lang siya tuwing dumarating ang araw na iyon.
Ngayon kahit sa pasko at bagong taon, ang hirap maging excited. Wala naman akong dahilan para mag saya. Pasko? Di naman iyon para sa akin. Kung hindi sa bakasyon, wala na rin dahilan para magl excite. Gastos, traffic, maraming taong nakakalat. Nakakapagod ang paghahanda sa Pasko, nakakapagod ang Pasko, nakakapagod ang pagsalubong sa bagong taon. Bagong taon? Ayoko nga madagdagan ang edad ko, bagong taon pa? Pinapaalala lang din na buhay pa rin ako???? Ano ba??? Isa pa, maingay lang. Nakakaubo ang usok. Marumi sa paligid. Pagkatapos rin ng bagong taon, ilang araw lang may pasok na ulit. Pag pasok rin ng bagong taon ay uulitin na naman ang mga ginagawa sa loob ng isang taon!!!! Hay, nakakapagod. Paulit ulit na lang. Bakit naman ako matutuwa?
Ikaw, sa tingin mo, bakit kaya excited ang mga tao sa birthday, Pasko, at Bagong Taon?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento