Para sa iba parang multo ang sweldo. Alam nilang dumarating pero hindi na nila nahahawakan. Dumadaan ang araw ng sweldo na hindi nila nararamdaman ang sweldo. May sweldo pala? Ano ba ang ibig sabihin ng sweldo? Para sa iba naman ubos na hindi pa dumarating. Kaka cash advance yan. Tumagal naman, kaya lang hindi sa kasalukuyan. Para sa iba ay parang Cinderella. Hanggang alas-12 lang ng gabi ang sweldo. Kinabukasan ay balik na ulit sa pagka-alipin ang peg. Hindi muling sinisikatan ng araw ang sweldo.