Paano nga ba magpa turn-off?
Kung ang karamihan ng mga tao ang problema ay kung paano sila mapansin o magustuhan ng crush nila, paano naman kung mayroon may gusto sa iyo na ayaw mo??? O diba, problema ito hindi lang ng mga maganda/gwapo, minsan ma appeal ka lang talaga sa iba kaya lang hindi mo sila gusto...mapili rin eh! Haha. Ito talaga ang problema ng mga taong parating hindi nila gusto ang nagkaka gusto sa kanila.
Pero anu-ano nga ba ang dapat gawin para ma turn off ang may gusto sayo na kahit anong gawin mo ay hindi mo talaga makayang magustuhan? O kung nagustuhan mo naman sa ng sandali ay bigla ka naman nagisting sa katotohanan?
Para sa akin ito ang ginawa ko dati (para sa iba’t iba ito ha. Grabe naman kung sa isang tao ko lang ito ginawa):
1. Sabihin na ayaw mo sa kanya sa simula pa lang.
‘Honesty is the best policy’ ika nga. Kung bet ka pa rin niya kahit sinabi mo naman na hindi mo siya gusto, desisyon na niya iyon. Basta ‘wag lang na nangungulit pa. Sorry, hindi po ako nagpapakipot. Kasi kapag ayaw ko sa simula pa lang, ayoko talaga hanggang sa huli.
Mayroon isang kapatid ng kaibigan ko na bigla akong niyayang kumain sa labas. Minsan lang naman kami nagkita kaya nagtataka ako bakit ako ang niyaya niya. Wala nga akong pinakita man lang sa kanya na kahit anong hint na bet ko siya, tapos dinner agad? Ano iyon? Haha. Tanong pa niya, "ayaw mo ba?", madali kong synagog na, "oo, ayoko." haha. Hindi na pinapatagal yan. Masaya na naman siya ngayon kasi nahanap niya ang para sa kanya.
Mayroon rin naman akong isang kaibigan dati na umamin na ‘happy crush’ raw niya ako. Sabi niya masaya lang daw siya pag nakikita ako pero hanggang doon lang. Kaya sa akin, ok lang naman. Basta hindi siya umaasa na masusuklian ko yun nararamdaman niya. Crush lang naman daw eh. Makalipas ang isang taon, nagbibiro na siya na mag date raw kami. Kami na lang daw. Dalawang beses niya sinabi, dalawang beses ko rin siyang sinabihan na tumigil siya. Sabi ko sa kanya ‘wag niya sirain ang pagkakaibigan namin. Isa pa masyado rin siyang bata para sa akin. Wala naman akong balak maging sugar mommy ano. Kilala rin naman niya kung sino talaga ang gusto ko noon. Ayun, magkaibigan pa rin kami ngayon. Pero hindi na naming pinag-usapan ulit ang tungkol doon. Minsan may nagbibiro sa kanya kung kahit kailan ba nagustuhan niya ako, natatawa ako kasi hindi niya masabi sa mga tao. Hindi ko alam kung nahihiya ba siyang sabihin sa mga tao ang ginawa niya dati. Haha.
2. Deadma lang.
Kahit anong ginagawa, ‘wag mo na lang pansinin. Kunwari hindi siya nag-eexist. Talent ko daw yan eh sabi ng mga pinsan ko. Magaling daw ako magpanggap na hindi naririnig ang mga sinasabi o magpakita ng emosyon. Deadma. Kaya kapag kailangan magpaalam at baka hindi kami payagan lumabas ng mga tita namin, ako ang uutusan nila kasi raw magaling naman akong mandeadma.
Pero sa ibang tao naman minsan nagpapakita lang ako na kabutihan o ano naman kaya ang nagiging friendly lang ako, ayun, nilalagyan na ng malisya ng iba. Nagugulat na lang ako sa mga umaamin. Lalo na kung wala naman talaga sa akin iyon.
Mayroon isang kaklase ko dati, dahil matagal siyang absent sa klase (nagka dengue ata siya), siyempre alam ko na mahirap yun marami siyang na-miss sa klase. Kinausap ko naman siya bilang kaibigan lalo na katabi ko siya. Napapatawa ko siya parati. Para sa akin, gusto ko lang naman maging friendly lalo na araw araw kaming magkasama. Nagkaroon kami ng recollection. Binigyan ko naman lahat ng kaklase ko na tinuturing kong kaibigan ng palanca letter. Bilang isa siya sa mga tinuturing kong kaibigan, binigyan ko rin siya. Nagulat siya. Pero nung tinanong ko siya kung nasaan na ang sa akin, sabi niya sa susunod na raw niya ibibigay.
Ilang araw ang nakalipas, isang umaga bago magsimula ang klase namin ay nilapag ng kabarkada niya sa table ko ang isang sulat naka envelope pa. “Pinabibigay ni ______” Uso pa noon ang mga stationary. Naisip ko samantalang ako, pinutol lang sa isa pang papel ang binigay ko. Kasi lahat naman halos binigyan ko. Hindi ko pa nga binuksan agad. Iniisip ko katulad lang din siguro ng mga nakukuha ko na palanca iyon. Nauna pa ang isang kaibigan ko na basahin ang sulat. Pinabasa sa akin ang sulat na para naman talaga sa akin. Yun pala love letter iyon. Sinabi niya na mahal na raw niya ako. At kung pwede raw ba siya manligaw. Hindi naman daw siya nagmamadaling makakuha ng sagot. Pero bilang bata pa ako noon, imbes na ma-flatter ako na mayroon may gusto sa akin na kaklase ko, nainis lang ako. Ayun mula noon deadma ko na lang siya. Iyon lang ang kaya kong gawin noon eh.
3.-5. Insultuhin siya. Pakitaan siya ng kagaspangan ng ugali. Sungitan siya.
Madalas kasi kapag nagpapakita ako ng kabaitan sa mga tao nabibigyan ako ng ibang interpretasyon. Nagkakamali sila. Haha.
Mayroon akong isang kaklase noon na parating tinutukso sa akin mula first year pa lang kami. Sabi ng ibang mga kaibigan ko kaya raw patay na patay sa akin iyon kasi daw nakita nila ang girlfriend niya. Haha. Kasalanan ko ba? Hindi naman ako nagpapa-cute sa kanya. I was just being myself. Ganoon naman ako parati eh. Hindi ako nagpapa-cute basta. Haha. May disclaimer yan. Haha.
Kapag tinutukso kami, sinasabi ko lahat ng insulto para ma-turn off siya. Sinasabi ko na nognog siya. Hello, sa naranasan kong pangugutya habang lumalaki dahil sa kulay ng balat ko, bakit naman ako magkakagusto sa mas maitim pa sa akin??? Minsan kapag sinusungitan ko sinasabi ng mga kaibigan niya sa klase naming na may ‘LQ’ raw kami. Sabi ko sa kanila, “alam niyo ang LQ para sa same species yun. Ako alam ko homo sapiens sapiens ako, iyan hindi ko alam anong lamang lupa iyan.” Ano naman kaya, “ay naku, kung kaming dalawa na lang ang matitirang tao sa mundo, maghahanap na ako ng ahas na tutuklaw sa akin para mamatay na ako kaysa mapunta diyan.” Hindi ko madalas ginagawa yan pero naku, desperate moves na rin eh. Minsan na nagalit ako sa klase namin, aba lumapit sa akin, sabi naman “ang sexy mo pala kapag nagagalit”. Yuck diba? Siyempre sinungitan ko. "Tigilan mo ako!" Tama ba naman iyon ang nakuha niya sa galit ko? Ang tanong, effective ba ang mga ginawa ko sa kanya? Ayun, kahit nagtatrabaho na ako ay bumibisita sa opisina.
Mayroon rin isang kasama ko sa trabaho na hindi ko rin talaga ma-atim na magustuhan dati. Naikwento ko na ibang ginawa ko dati noong nagkaroon kami ng Kris Kringle. Noong una pinapakitaan ko pa siya ng kabutihan. Bilang bago siyang empleyado, siyempre ayoko naman na hindi niya magustuhan sa opisina. Nagulat na lang ako na niyaya akong kumain kasabay nila tapos pinagtabi pa kami sa lunch. Sabi pa sa akin siya magbabayad ng order ko, naku siyempre binayaran ko ang kinain ko. Hello, ika nga ng Destiny’s Child,
“Pay my own fun, oh and I pay my own bills…The shoes on my feet (I bought it). The clothes I'm wearing (I bought it)….'Cause I depend on me if I want it….I’m an independent woman..."
Kaya ako naman “I can pay for my own food” (‘cause I depend on me and my parents) ang peg haha. Kapag hapon naman nagbibigay siya ng merienda. Yun jumbo puto na tinda ng jolly jeep sa baba ng building namin, bananaque, Goya na chocolate, donut na mayroon Belgian chocolate galing sa Mister Donut. Siguro yun Belgian chocolate na donut yun nakakatempt sa lahat, pero I had to be strong.
Yun kasama ko na buntis noon hiningi niya ang donut, sabi ko sa kanya, “ayokong kainin kasi baka pagkagat ko sasabihin ko na ‘mahal ko na siya’. Pero ate, ‘wag mo ako sisisihin kapag kinain mo iyan at nakamukha niya ang anak mo ha.” Haha. Pero naku kapag papunta yun sa may office ko, ginagawa ko tinatawagan ko mga kasama ko, sabi ko para lang hindi ko siya kailangan kausapin. Hindi ko nga pinapansin kapag pumupunta iyon! Para-paraan din dapat diba?
6. Layuan o iwasan siya.
Isa pang talent ko iyan. Naku maraming beses ko na ginawa iyan. Lahat ng paraan para hindi makalapit sa akin ginawa ko. Kapag alam kong baka magkita kami noong iniiwasan ko doon sa lugar na iyon, umiiwas talaga ako. Iyon isa naman kahit sinabi na sa akin ng isang kaibigan na dadalaw sa trabaho ang taong kinakalimutan ko, hindi talaga ako nagpakita.
7. & 8. Huwag sagutin ang mga tawag text o message. Ano kaya ay magalit ng number.
Dati nagulat ako na mayroon nagmemessage sa akin. Hindi ko siya kilala kaya hindi ako sumasagot. Feeling close pa sa mga message niya sa akin. Naiinis ako na napaka demanding niya sa akin na sagutin ang mga message niya. Gusto kong sabihin, “bakit, pa-load mo ba ako?” haha. Asar. Nalaman ko kaibigan pala ng bestfriend ko. Hindi ko bet, at hindi rin ako handa na magkagusto kahit kanino. Hindi ko nga kinausap yun bestfriend ko ng panahon na iyon. Sabi ko sa kanya nainis ako kasi binigay niya yun number ko kung kanino lang hindi man lang nagpaalam sa akin. Lalo akong nainis noong sabihin ba naman na mayroon raw kaming pagkakapareho, pareho raw kaming matagal sumagot. Hindi ko naman pansin kasi hindi ko naman hinihintay ang message niya. Haha. Sa loob loob ko, “ah matagal pala mag reply ha, maghintay ka hanggang mamuti ang mata mo.” Hindi ko na sinagot kahit kailan. Sinubukan pa ako add sa social media at sa messenger, siyempre hindi ko tinanggap pareho. Hello, umayos siya!
Iyong isang beses mayroon na madalas na nagmemessage sa akin. Sa loob ng isang araw ay mahina ang 5 beses siya nagpapadala ng message. Consistent naman siya. Kaya noong niyaya niya ako lumabas (at naiinis ako doon sa taong totoong gusto ko), pumayag naman ako. Pinagbigyan ko lang. Kaya lang hindi ko talaga magustuhan. Nainis pa ako na na-late siya dumating at nagsisigarilyo habang magkasama kami. Sa loob loob ko, “ito na ang una at huling beses na makakasama mo ako.” Nag-offer pa siya na ihatid ako sa bahay, sabi ko susunduin ako ng tatay ko. Ayoko nga na malaman pa niya ang bahay naming ano! Pagkalipas ng 2 araw ay nagyayaya na naman. Hindi ako sumasagot sa text kaya tumawag na. Ayun, sabi ko hindi ako pwede. Ilang beses pa rin tumawag iyon, pero hindi ko sinasagot ang tawag.
Siyempre yun kwento nung taong minahal ko ng sobra, nakailang beses ako nagpalit ng number para matakasan siya. Kaya lang minsan may natanggap ako na tawag na nakikinig lang.
9. Block/unfriend/ignore sa social media.
Hindi pa uso ang block, permanently invisible na ang status ko sa bwisit na taong iyon. Matakasan lang siya. Kaya lang noong binura ko na sa siya sa messenger ko, bigla rin akong naging online sa kanya. Ayun, nag message. Ilang araw na lang pala magporpopose na siya. Hindi ko na mapalitan ang status ko sa kanya para hindi ako makita dahil wala na nga siya sa messenger ko, kaya isang taon ang nakalipas nag message ulit. Ikakasal na pala noon. Haha.
Mayroon isa naman tinanggal ko sa followers ko para hindi niya makita ang updates tungkol sa akin…Hindi ko rin pinapansin sa social media. Pero ito hindi naman para ma-turn off siya, ginawa ko kasi ako naman ang na turn-off sa kanya. Ginawa ko para maka move on. Medyo nasa pandidiri stage na ako. Bakit ko ba siya nagustuhan? Yuck!!!! Haha.
10. & 11. Ipakita na may kasama ka na iba (kunwari bf mo) o sabihin mo na may iba kang gusto
Para madismaya siya kung makita niya na mayroon ka nang ka-relasyon. Dati kasi mayroon isang Russian na nagyaya sa akin mag-hang out lang sa may dorm namin. Binili niya ako ng aloe juice, tapos nagkwentuhan lang kami. Nagyayaya siya na kumain raw kami sa labas, sabi ko mayrooon akong dinner kasama ang mga kaibigan ko. Hindi ko siya niyayang sumama. Haha. Baka tanungin pa nila ako kung sino siya at bakit ko siya kasama. Niyaya niya ako na lumabas raw kami minsan, kasi yun raw mga asawa ng mga diplomat sa embassy nila ay kadalasan Pilipina. Hindi naman ako kumibo lalo na noong niloloko siya ng roommate niya kung girlfriend raw ba niya ako. Pinagbigyan ko lang siya mag hang out kasi naiinis ako doon sa taong gusto ko. Kaya naman matapos ang araw na iyon ay iniwasan ko na siya. Isang hapon habang naglalakad kami dalawa nang isang tao na gusto ko ay hinila ko yun braso nung kasama ko. Sabay tinignan ko ng nakangiti. Binulong ko sa kanya na gusto kong makita iyon nung Russian na nakasalubong namin. Effective ba? Ayun, nagmessage siya sa akin pagkatapos noon, pero ano ginawa ko? Block hehe.
12. Wag mag ayos kapag siya lang naman makakakita sa iyo.
Kaya lang paano kung gusto pala niya yun ‘natural beauty’ haha. Hindi ko pa ata ito nagawa para ma turn-off sa akin, pero nakapag pakita naman ako sa iba na kahit nakita anong itsura ko nang hindi maayos, ay nagparamdam pa rin. Haha.
Ito mga 'extreme' o desperate moves na pero 'di ko pa nasubukan gawin:
Maari mo rin subukan na alamin ano ang pinaka ayaw niya sa tao. Eh ‘di iyon ang gawin mo. Tignan natin kung gusto ka talaga niya. Baka naman doon niya ma-realize na gusto ka talaga, lalong hindi lumayo. Haha.
Subukan mo rin alamin ano nagustuhan niya sayo at ipakita na mali ang alam niya sa iyo. Haha.
Sabi nga kung gusto may paraan. Pero kung ayaw rin talaga, mayroon rin paraan. Kaya kung ayaw mo talaga sa kanya, gawin mo lahat ng paraan. Huwag magpa-pilit. Hindi uso ang ‘develop ng feelings’ dito! Ano ka, makalumang camera???? Isipin mo na lang na para rin ito sa ikabubuti niyong dalawa. Hindi na dapat pinapatagal ang mga bagay. Sabi nga diba, “prolonging the agony” lang iyan para sa inyong dalawa.
Mayroon iba, expertise na nga ata magpa turn-off eh. Ang galing magtaboy ng tao. Ang galing magpa-expire ng feelings. Paano ng aba gawin iyan? Need ko ata rin magpaturo haha.
Ikaw, paano ka ba magpa turn-off?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento