Parati na lang itong tinatanong lalo na nitong bago mag February 14. Noong unang beses siya sinabi ng kaibigan ko dati ay hindi ko ito maintindihan. Ano nga ba ang love language ko? Bakit ba ito inaalam? Sabi sa pag-aaral ang bawat tao ay may sariling paraan ng pagpapakita ng pag mamahal o pagtangi sa mga taong mahalaga para sa kanila. Ito rin ang paraan na hinihintay nila mula sa mga taong nagmamahal sa kanila or nagpapahalaga sa kanila.