Ano nga ba ang mga nagiging normal para sa atin sa Pilipinas? Bukod sa TRAPIK, BAHA, WALANG PASOK, KORUPSYON, MAHIRAP/WALANG MASAKYAN, MAYROON MGA NAG-RARALLY, at MABAGAL NA SISTEMA, ano pa ba?
Hindi mo alam kung hindi lang ba tayo marunong magbasa ng mga nakalagay na bawal. Kasi kahit nakalagay bawal, doon pa lalo ginagawa ng mga tao. Ano ba iyon suggestion lang? Na kung ayaw sundin, ayos lang?
Katulad ng nakasulat na “NO LOADING UNLOADING.”
Nakalagay na bawal magbaba at magsakay pero doon pa naghihintay ang mga tao ng sasakyan. Ano naman kaya ay doon papara upang bumaba. Minsan naman kasi ang layo ng sakayan at babaan kaya yun mga tao tinatamad na sa tamang sakayan at babaan maghintay/sumakay/bumaba. Minsan naman malapit na lang ang lalakarin, hindi pa sasabay sa pagbaba ang mga tao. Kaya ang mga sasakyan tigil ng tigil. Nakakasayang ng oras ng mga sakay, nakakadagdag pa sa trapik. Onli in da Pilipins?
Ang mga waiting shed nga dito hindi maaring upuan. Hindi maaaring paghintayan ng sasakyan kasi madalas hindi naman doon tumitigil ang mga pampublikong sasakyan. Baka dapat kasi doon sa kung saan nakalagay na no loading unloading maghintay o bumababa. Waiting shed pero mayroon natutulog. Ano kaya yun dapat na upuan, masakit upuan o marumi. Minsan rin mabaho.
Kamusta naman ang mga PEDESTRIAN LANE?
Palagay lagay pa ng linya hindi naman doon nakakatawid ng mapayapa ang mga tao. Saan ka nakakita ng pedestrian na hindi pwede ng tawiran kasi bawal tumigil ang mga sasakyan. Yun lalo pang binibilisan ng mga driver ang sasakyan nila kapag malapit na ang pedestrian lane. Akala ata nila nasa isang online game sila at ang mga tumatawid ang mga target nila. Habang ang mga tao naman ay hindi na ginagamit ang pedestrian kaya kung saan saan na lang tumatawid. Kahit lagyan pa ng “NO JAYWALKING” o “Bawal Tumawid Nakamamatay” tawid pa rin. Yun iba tinatamad na maglakad papunta sa pedestrian lane. Minsan naman kasi kakaiba ang mga overpass. Mayroon iba na tulugan ng mga tao. Matatakot ka gamitin kasi madilim, minsan mapanghi, minsan rin mayroon mga masasamang loob na hindi ka makakalagpas ng kumpleto ang gamit mo. Mayroon rin iba na masyadong malayo sa babaan/sakayan. Yun iba parang hiking challenge talaga. Onli in da Pilipins?
Ano ba ang ibig sabihin ng SIDEWALK?
Dito sa Pilipinas, mali ang tawagin na sidewalk ang sidewalk.
“Bangketa”: minsan masikip daanan, minsan daanan ng bisikleta o motor, minsan lugar, minsan tulugan ng mga tao, minsan upuan, minsan rin tambayan ng mga tao, madalas tindahan. Pero madalas wala. Onli in da Pilipins?
Ano naman ang ibig sabihin ng KALSADA?
“Kalsada”: daanan ng sasakyan, daanan ng tao, minsan playground ng mga Kabataan, madalas na basurahan (tapon ka lang ng basura hanggang gusto mo), minsan duraan rin ng mga tao. Minsan rin lalagyan ng tindahan ng mga tao. Onli in da Pilipins?
Mayroon bang PERSONAL SPACE?
Hindi lang naman sa physical space ang konsepto ng personal space. Iyon bang mga taong walang pakialam sa mga tao sa paligid. Kung mag-usap akala mo walang mga tao sa paligid. Kasama lahat sa usapan nila. Ano naman kaya ay gusto pala manood o makinig ng music sa cellphone pero walang earphones kaya lahat kailangan makinig rin. Buti pa sa ibang bansa mayroon mga nakalagay sa mga pampublikong sasakyan na bawal ang maingay kahit sa pagsagot lang cellphone. Dito lahat pwede. Onli in da Pilipins?
Ikaw, ano sa palagay mo ang mga bagay na naituturing nang normal dito sa Pilipinas (lang)?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento