Pagkatapos ng COVID19, marami ang nabago sa mga bagay bagay. Mas tumaas na ang presyo ng mga bilihin. May mga taong nawala, may mga taong umalis, at mayroon rin mga bagong nakilala. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay, pati na rin ang mga tao ay mayroong mga pinagbago.
Sa daming nangyari sa akin noong panahon na iyon, isa bagay na talagang iniiisip ko ngayon ay paano ba ako magkakaroon ng bagong simula sa buhay? Paano ba ako magpapatuloy mabuhay ng wala na ang mga mahal ko sa buhay? Paano ba ako magsisimula ulit sa buhay, ngayon na mag-isa na lang ako?
Sabi nila upang bigyan ka ni Lord ng bago, dapat bitawan mo ang mga luma. Marami na akong binitawan. Yun isa, ilang beses ko nang binitawan. Lalo na kapag napapagod na ako sa mga bagay na walang linaw. Pero naisip ko rin na baka hindi pa ito ang tamang panahon para kalimutan siya?
Sa proseso ng pagbitaw sa mga bagay na luma ay binalikan ko ang mga bagay mula sa nakalipas. Bumalik ako sa kung saan nangyari ang lahat ng nagbago sa buhay ko at sa akin. Binalikan ko ang mga lugar na iyon. Dati kasama ko ang taong una kong minahal at una rin nagbigay ng sobrang sakit sa akin.
Binalikan ko na ang mga bagay na dati iniwasan kong balikan. Binalikan ko yun parati naming yun upuan sa labas ng dati kong dorm kung saan kami parating umuupo hanggang madaling araw. Dinaanan ko yun daan kung saan kami parating naglalakad ng magkasama. Minsan inabutan kami ng ulan habang hinahatid niya ako pabalik ng dorm, ayoko na ilabas ang payong ko kaya yun hawak niya na dyaryo ang ginamit niyang para hindi kami masyado mabasa. Dinaanan ko yun inupuan namin kung saan una niya akong niyaya mag-date pagkatapos niyang sabihin na papakasalan niya ako.
Nandoon pa rin ang mga building at lugar na puno ng alaala ng nakalipas. Pero hindi na ito katulad ng dati. Ang dating mga dorm namin ay naluma na. Mukhang iba na ang gamit sa mga ito.
Umupo ako saglit sa parati naming inuupan. Saglit akong tumingin sa paligid habang sinusuri ko ang sarili ko. Wala na akong natitirang galit sa kanya. Wala na talaga ang sakit. At lalong wala nang kahit konting kilig na natitira sa mga alaala namin. Ganoon pala talaga. Sinasarado ko na ang bahaging iyon ng buhay ko.
Katulad ng mga lugar na puno ng alaala, nandoon pa rin ang mga lugar, ngunit marami na ang nagbago. Iba na rin ako. Ang lahat ng nangyari ay mananatili na lang sa nakalipas. Isang panahon na hindi na mababago at hindi na rin maibabalik. Wala rin naman akong nais ibalik pa. Nangyari na ang nangyari. Nagawa na ang nagawa. At lahat ng nangyari maganda, masaya, malungkot, at masakit ay nararapat lang na mangyari upang maging kung ano man ako ngayon. Kung nasaan man siya ngayon alam ko masaya naman siya sa mga pinili niya. Napanaginipan ko pa ang tatay niya. Hindi ko alam kung nanghihingi lang ba siya ng dasal o dahil lang naalala ko ang dati kong buhay.
Sa lahat ng sakit na naidulot niya, salamat pa rin sa mga alaala. Salamat sa mga aral na natutunan ko. Sa pagsakay ko sa bus na parati naming sinasakyan palabas ng university galing at pabalik sa dorm, isang pagpapaalam ito. Iba naman ang dahilan ng heartache ko ngayon, sana maisarado ko rin ng maayos ang bahaging ito ng buhay ko. Mabitawan ko na rin lahat para makapagsimula na ako ng bagong buhay.
Sabi ko sa sarili ko, kaya ko ito. Mas matinding sakit pa nga ang nangyari dati, ito pa kaya? Sa tamang panahon, magagawa ko rin iyon. Hindi naman para buksan ang sarili ko sa iba, pero para sa mga bagong alaala, mga bagong makikilalang kaibigan, at mga bagong aral sa buhay.
Ikaw, sa tingin mo, paano nga ba magsimulang muli sa buhay?
P.S. para magka ideya ka naman sa sinasabi ko, ito pala ang video ng lugar kung saan nangyari ang mga kuwento kasama siya dati nitong binalikan ko.
P.S. (ulit) Maaari rin basahin ang mga sumusunod:
Si Mr. Frie-lirt
https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/minsan-sa-buhay-natin-dumarating-ang.html
Si Mr. Frie-lirt (ulit)
https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-flie.html
Si Mr. Frie-lirt at Si Mr. Pianist
https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/hindi-namin-sinasabi-sa-mga-kasama.html
Si Mr. Frie-lirt (muna ulit)
https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/haba-ng-buhok-ko.html
Si Mr. Frie-lirt (pa rin)
https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/lunes-ng-gabi-bago-ang-araw-ng-karawan.html
Si Mr. Frie-lirt (Part VI)
https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-frie-lirt-part-vi.html
Si Mr. Frie-lirt (FINAL with EPILOGUE)
https://mgakuwentonian.blogspot.com/p/si-mr-frie-lirt-final-with-epilogue.html
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento