Naghintay ka na ba sa taong gusto mo?
Gaano ba katagal dapat maghintay? Buwan, taon?Sa panahon na sanay ang mga tao sa instant, uso pa ba ang paghihintay sa taong mahal mo?
Sabi ng iba, ang panahon ng paghihintay ay makakatulong upang malaman kung totoo ba ang nararamdaman mo, kung mahal mo ba talaga siya, o kung mahal ka nga ba talaga ng taong hinihintay mo.
Para sa iba, dapat hindi naghihintay. Kung mahal ka, mahal ka. Kapag hindi siya handa ngayon, ibig sabihin hindi siya ang para sa iyo. Hindi na pinapatagal iyon. Para bang pumara ka ng taxi o pag nagbook ka ng Grab, Angkas o JoyRide na kapag dumating dapat lumabas ka na agad. Maiksi lang daw ang buhay para sayangin sa paghihintay.
Para naman sa iba, dapat sandali lang. Tama na raw ang ilang buwan. Kapag hindi pa rin nagbalik / naging handa para sa iyo ang taong hinihintay mo, ibis sabihin panahon na ito upang kalimutan siya. Kapag tumagal pa raw kasi, sign na ito na ibig sabihin ay hindi siya talaga para sa iyo.
Para naman sa iba, kapag mas mahal mo ay mas handa kang maghintay. Kasi raw doon malalalaman kung handa kang magsakripisyo para sa pagmamahal mo. Ang motto kasi nila ay "kapag may tiyaga, may nilaga". Dito raw napapatunayan na mahal mo talaga siya. Kaya lang paano kung marking taon na ang lumipas? Habang ikaw ay naghihintay pa rin? Paano kung naghihintay ka lang pala sa wala? Sinabi ba niya na maghintay ka sa kanya? Sabi nga #walangforever, ganoon din dapat sa paghihintay. Hindi pwedeng forever maghintay.
Habang naghihintay, hindi rin naman dapat na walang ginagawa diba? Sinubukan mo rin bang bulsan ang sarili sa iba? Kapag dumating ang panahon na may makilala ka na mas handang magmahal sa iyo habang naghihintay ka sa kanya, hindi ba ito ang matibay na senyales na hindi talaga kayo ang para sa isa't isa ng taong minimahal mo?
Ikaw, ano sa tingin mo, uso pa ba ang paghihintay?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento