Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Bakit excited ang mga tao sa birthday nila, Pasko, at Bagong Taon?

Para sa mga Christian, excited sila sa birthday ni Jesus pero sila ang mayroong mga regalo sa sarili nila, hindi naman para sa totoong may birthday. Hindi ko birthday ngayon buwan na ito, pero napaisip ako: bakit excited ang mga tao sa birthday nila? Bakit rin excited ang mga tao sa birthday ng mang may birthday?

Napapagod ka ba sa araw araw mo?

Minsan ang bilis ng araw. Minsan nalilito na ako kung anong araw na ba talaga sa sobrang pagod. Pakiramdam ko parating Biyernes na sa pagod. Madalas rin kasi kahit dapat walang pasok, wala pa rin katapusan ang mga kailangan gawin sa trabaho o sa mga bagay bagay sa buhay.  Kung bibilangin ang oras ng tulog mo sa loob ng isang linggo ay hindi ka pa aabot sa isang araw o 24 oras! Tapos tatanungin ka pa ng mga tao kapag bigla ka nagkakasakit o mukhang stress???? Kapagod.

Sanay ka ba sa karayom, check-up, o mga sugat?

Yun ibang tao, sanay na magpa check up sa doktor. Yun ibang katulad ko naman ay hindi. Sa totoo lang, naiilang pa rin ako kapag kailangan na hawakan ako o kung kailangan ko mag hubad sa harap ng ibang tao para magpa check up. Ilang beses ko lang siya ginawa.  Pero ang mas kinakatakot ko ay ang matusok ng karayom. Kaya dati noong bata pa ako tuwing pinapa vaccine ako ng nanay ko ay binibigyan ako ng kendi ng doktor. Hindi ko rin tinitignan ang pagtusok niya sa akin. Pagkatapos naman ako maturukan ng vaccine ay binibigay sa akin ng doktor ang pang-injection. Tinatanggal lang niya ang karayom. Pinaglalaruan ko naman ang injection. Doon ata nagsimulang umasa ang nanay ko na sana paglaki ko ay maisipan kong mag doktor. 

Paano ba magpa turn-off?

Paano nga ba magpa turn-off? Kung ang karamihan ng mga tao ang problema ay kung paano sila mapansin o magustuhan ng crush nila, paano naman kung mayroon may gusto sa iyo na ayaw mo??? O diba, problema ito hindi lang ng mga maganda/gwapo, minsan ma appeal ka lang talaga sa iba kaya lang hindi mo sila gusto...mapili rin eh! Haha. Ito talaga ang problema ng mga taong parating hindi nila gusto ang nagkaka gusto sa kanila. Pero anu-ano nga ba ang dapat gawin para ma turn off ang may gusto sayo na kahit anong gawin mo ay hindi mo talaga makayang magustuhan? O kung nagustuhan mo naman sa ng sandali ay bigla ka naman nagisting sa katotohanan?  Para sa akin ito ang ginawa ko dati (para sa iba’t iba ito ha. Grabe naman kung sa isang tao ko lang ito ginawa):

'Onli in da Pilipins': Ano ang mga naituturing na 'normal' sa Pilipinas?

Ano nga ba ang mga nagiging normal para sa atin sa Pilipinas? Bukod sa TRAPIK, BAHA, WALANG PASOK, KORUPSYON, MAHIRAP/WALANG MASAKYAN, MAYROON MGA NAG-RARALLY, at MABAGAL NA SISTEMA, ano pa ba? Hindi mo alam kung hindi lang ba tayo marunong magbasa ng mga nakalagay na bawal. Kasi kahit nakalagay bawal, doon pa lalo ginagawa ng mga tao. Ano ba iyon suggestion lang? Na kung ayaw sundin, ayos lang?

Paki Sabi Na Lang Kaya?

Posible ba na isang araw magising ka na lang sa katotohanan na wala na ang pagnanais na makasama pa ang taong pinahalagahan mo ng sobra? Posible ba na ang closure ay hindi na kinakailangan pang umabot sa pagkakakataon na masabi ang mga dapat sabihin? Hindi na kailangan makapag-usap pa upang maging malinaw ang lahat. Posible ba na ikaw na lang sa sarili mo ang nagsara ng isang kabanata sa kwento mo?

Paano ba magkaroon ng bagong simula sa buhay?

Pagkatapos ng COVID19, marami ang nabago sa mga bagay bagay. Mas tumaas na ang presyo ng mga bilihin. May mga taong nawala, may mga taong umalis, at mayroon rin mga bagong nakilala. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay, pati na rin ang mga tao ay mayroong mga pinagbago.  

Uso pa ba ang paghihintay?

Naghintay ka na ba sa taong gusto mo? Gaano ba katagal dapat maghintay? Buwan, taon? Sa panahon na sanay ang mga tao sa instant, uso pa ba ang paghihintay sa taong mahal mo? Sabi ng iba, ang panahon ng paghihintay ay makakatulong upang malaman kung totoo ba ang nararamdaman mo, kung mahal mo ba talaga siya, o kung mahal ka nga ba talaga ng taong hinihintay mo. 

Paano ba ang tamang pagdadasal?

Paano nga ba dapat magdasal?   Sabi nila dapat raw sincere ka. Kasi hindi mo pa nga sinasabi alam na ni Lord. Sabi rin nila sabihin mo kay Lord kung ano ang totoong gusto mo. Dapat raw specific para malinaw ang gusto mo.  Parang bang kapag humihiling sa  Genie  or sa fastfood restaurant lang? Ito po ang order ko…???? Naaalala ko kasi yun sa “Bedazzled”. Kahit anong hiling niya sa Devil may ginagawa ang Devil para patuloy siyang humiling (kasi hindi siya nagiging masaya sa mga binibigay sa kanya o kung paano binibigay sa kanya ang hiling niya). At kapag naubos na niya ang mga hiling niya o ang ‘credit line’ niya sa Devil ay makukuha na ng Devil ang kaluluwa niya.