Paano nga ba natin malalaman na totoo ang nararamdaman mo?
Sa dami ng nagsasabi sa atin tungkol sa pagmamahal ang hirap malaman kung ano ba talaga ang dapat natin paniwalaan para sa sarili natin buhay. Ito ang ilan sa kanila:
“Love is blind and lovers cannot see the pretty follies that themselves commit”― William Shakespeare, The Merchant of Venice
“Love means never having to say you're sorry” – Eric Segal, Love Story
“Love never says I have done enough.” – St. Marie Eugenie of Jesus
“Can you explain away love too?' I asked. 'Oh yes,' he said. 'The desire to possess in some, like avarice: in others the desire to surrender, to lose the sense of responsibility, the wish to be admired. Sometimes just the wish to be able to talk, to unburden yourself to someone who won't be bored. The desire to find again a father or a mother...” ― Graham Greene, The End of the Affair
“Love is patient and kind. Love is not jealous or boastful or proud or rude. It does not demand its own way. It is not irritable, and it keeps no record of being wronged. 6It does not rejoice about injustice but rejoices whenever the truth wins out. Love never gives up, never loses faith, is always hopeful, and endures through every circumstance.” – 1 Corinthians 4-7
“True love is love that causes us pain, that hurts, and yet brings us joy. That is why we must pray to God and ask Him to give us the courage to love.” “I have found the paradox that if I love until it hurts, then there is no hurt, but only more love.” ― Mother Teresa
Hindi natin dapat kalimutan na iba iba ang minamahal natin. Maaaring tao sa buhay natin: pamilya, kaibigan, atbp. Maaari rin naman mga alaga natin ito. Huwag rin natin kalimutan na iba iba ang sitwasyon natin sa buhay. Kaya rin kung ano man ang basehan ng pagmamahal ng ibang tao ay maaaring hindi ito na-aakma sa buhay natin. Mayroon platonic love at romantic love.
Ayon sa mga Griyego, mayroon raw iba't ibang klase ng pag-ibig:
- Eros (sexual passion)
- Philia (deep friendship)
- Ludus (playful love)
- Agape (love for everyone)
- Pragma (longstanding love)
- Philautia (love of the self)
- Storge (family love)
- Mania (obsessive love)
Pero ano ba ang iba’t ibang nagiging basehan ng mga tao upang masabing nagmahal nga talaga sila o marunong nga ba talaga silang magmahal?
Sakripisyo.
Ano ba ang kaya mong gawin para sa minamahal mo?
Kaya mo bang ibigay sa kanya ang bagay na gusto mo dahil hinihingi niya para lang mapasaya siya?
Kaya mo ba siyang makitang masaya kahit na hindi ikaw ang kasama niya? O hindi ikaw ang nagpapasaya sa kanya?
Pagpapasyensiya.
Kaya mo ba siyang hintayin hanggang maging handa na siya?
Gaano katagal ka magpapasensiya sa kanya?
Kaya mo bang magtiis para sa kanya?
Pagbibigay ng walang hinihintay na kapalit.
Ano ba ang mga kaya mong ibigay ng walang hinihintay na kapalit para sa mahal mo?
Mas magiging masaya ka ba kung masaya siya?
Dahil ba sa pagmamahal mo sa kanya ay natutunan mo nang maging mapagbigay at walang pag-iimbot?
Kaya mo pa rin ba siyang mahalin kahit na hindi ka niya mahal?
Pagpapatawad.
Ilang beses mo ba siya kayang patawarin kung magkamali siya o may gawin siyang hindi mo gusto?
Kaya mo bang kalimutan ang mga pagkakamali niya?
Kaya mo ba siyang mahalin kahit paulit-ulit siyang nagkakamali? O Kahit ilang ulit niyang nagagawa ang mga dating pagkakamali?
Pagtanggap.
Kaya mo ba siyang tanggapin ng buo?
Kaya mo bang tanggapin ang lahat ng mga imperfection o flaw niya?
Pagtitiwala at pagiging tapat.
Kaya mo bang maging tapat sa kanya?
Kaya mo bang maging totoo sa kanya?
Kaya mo ba siyang pagkatiwalaan?
Kaya mo rin ba siyang pagkatiwalaan?
Masasabi mo ba na siya lang ang mamahalin mo? Na hindi mo na nakikita ang sarili mo na nagmamahal o magmamahal pa ng iba?
Nagiging mabuti o magaling ka dahil sa kanya.
Dahil ba sa pagmamahal mo sa kanya ay nagiging mas mabuti / mabait ka?
Dahil ba sa pagmamahal mo sa kanya ay mas nahihikayat ka na ipagbuti ang mga ginagawa mo?
Dahil ba sa pagmamahal mo sa kanya ay totoong masaya ka na?
Dahil ba sa pagmamahal mo sa kanya ay napapansin ng mga tao na totoong masaya ka?
Sa lahat ng ito, ikaw lang din makakapagsabi kung totoo ang pagmamahal na nararamdaman mo. Ikaw lang ang makakapagsabi at hindi ibang tao. Iba iba ang uri at paraan ng pagmamahal. Iba iba rin ang ating mga minamahal. Iba iba rin ang tagal nito para sa atin. Kaya rin huwag natin husgahan ang pagmamahal at paraan ng pagmamahal ng iba.
“Do not think that love in order to be genuine has to be extraordinary. What we need is to love without getting tired. Be faithful in small things because it is in them that your strength lies.”
― Mother Teresa
Ikaw, sa tingin mo ‘totoo’ ba ang nararamdaman mo?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento