Ano nga ba ang mga nagiging normal para sa atin sa Pilipinas? Bukod sa TRAPIK, BAHA, WALANG PASOK, KORUPSYON, MAHIRAP/WALANG MASAKYAN, MAYROON MGA NAG-RARALLY, at MABAGAL NA SISTEMA, ano pa ba? Hindi mo alam kung hindi lang ba tayo marunong magbasa ng mga nakalagay na bawal. Kasi kahit nakalagay bawal, doon pa lalo ginagawa ng mga tao. Ano ba iyon suggestion lang? Na kung ayaw sundin, ayos lang?