Lumaktaw sa pangunahing content

Ilang beses ba tayo pwedeng magmahal?



Mayroon bang bilang ng pagkakataon sa buhay ng isang tao ang pagkakataon magmahal? 

Para sa iba, dapat daw Unlimited. Parang unli rice, unli wings, unli sabaw. Tignan mo nga ang mga artista sa Hollywood ordinaryo na lang usapin ng divorce at remarrriage. Tulad na lang ni Elizabeth Taylor. Sa sobrang ganda niya ay naka ilang asawa siya. Pero hindi naman dahil lang maganda siya kaya ganoon. Malamang para sa kanya ilang beses kasi siya nagmahal. 

Unlimited. Sabi ng iba, 'habang may buhay' ang peg kasi habang nabubuhay ay maaari pa rin magmahal muli. Habang may asim pa ay hindi pa isasara ang tindahan haha...isa pa pwede naman daw ang try and try until you succeed ang motto sa pag ibig. Trial and error. Hanggang sa makilala mo na ang makakasama mo hanggang sa huling hininga. Kaya ba dapat may divorce para may room for mistakes? 

Kung 'learning from our mistakes' ang magiging basehan naman ay maaaring magmahal muli hanggang sa matutunan ang mga dapat matutunan sa bawat pagkakamali. Paano naman ang mga 'hindi na natuto' ang theme song sa buhay pag-ibig nila? Unlimited rin? 

Yun iba nga gambler ang peg kaya para raw sa isang sugal yan. Kaya kapag raw nasasaktan sila lalong tumatapang. Mas nasasaktan, mas lalo dapat mag-take ng risk kaya dapat raw parang si Rufa Mae Quinto lang ang linya: '"todo na 'to"! Ibinibigay ang lahat hanggang sa wala nang matira. Walang "what if". All or nothing

Yun iba naman sa sobrang daming pagmamahal ng puso ay higit sa isa ang minamahal. Buy 1 Take 1 ang peg parang Angel's Burger lang ano. More than one at a time. 

Para naman sa iba, isang beses lang dapat magmahal. Kaya nga raw may 'one true love'. Sabi nga sa kanta "minsan lang kita iibigin. Minsan lang kita mamahalin...dahil ang minsan ay magpakailanman..." Paano kung ang one true love mo ay hindi pala ikaw ang only love? Or iba pala ang true love niya? Ibig sabihin ba hindi ka na magmamahal ulit????

Pero paano mo ba malalaman kung totoong pag mamahal ang naramdaman mo?Dapat bang pareho kayo? Paano kung ikaw lang? Ibig sabihin ba ay hindi na iyon totoong pagmamahal?
 
Ikaw, sa tingin mo ilang beses ba tayo pwedeng magmahal?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...