Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Paano ba magkaroon ng bagong simula sa buhay?

Pagkatapos ng COVID19, marami ang nabago sa mga bagay bagay. Mas tumaas na ang presyo ng mga bilihin. May mga taong nawala, may mga taong umalis, at mayroon rin mga bagong nakilala. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay, pati na rin ang mga tao ay mayroong mga pinagbago.  

Uso pa ba ang paghihintay?

Naghintay ka na ba sa taong gusto mo? Gaano ba katagal dapat maghintay? Buwan, taon? Sa panahon na sanay ang mga tao sa instant, uso pa ba ang paghihintay sa taong mahal mo? Sabi ng iba, ang panahon ng paghihintay ay makakatulong upang malaman kung totoo ba ang nararamdaman mo, kung mahal mo ba talaga siya, o kung mahal ka nga ba talaga ng taong hinihintay mo. 

Paano ba ang tamang pagdadasal?

Paano nga ba dapat magdasal?   Sabi nila dapat raw sincere ka. Kasi hindi mo pa nga sinasabi alam na ni Lord. Sabi rin nila sabihin mo kay Lord kung ano ang totoong gusto mo. Dapat raw specific para malinaw ang gusto mo.  Parang bang kapag humihiling sa  Genie  or sa fastfood restaurant lang? Ito po ang order ko…???? Naaalala ko kasi yun sa “Bedazzled”. Kahit anong hiling niya sa Devil may ginagawa ang Devil para patuloy siyang humiling (kasi hindi siya nagiging masaya sa mga binibigay sa kanya o kung paano binibigay sa kanya ang hiling niya). At kapag naubos na niya ang mga hiling niya o ang ‘credit line’ niya sa Devil ay makukuha na ng Devil ang kaluluwa niya. 

Bakit mahirap mag 'move on' kapag namatayan ng minamahal?

Habang ang mga tao ay abala sa pag-celebrate ng Valentine's Day, ang mga nawalan ng mahal sa buhay ay aalalahanin rin ang pagmamahal sa mga nauna na.  Naalala ko noong namatay ang tatay ko. Pumunta ang mga kaibigan ko sa lamay. Doon ako kinausap ng isang kaibigan ko mula high school. Sa kanya naman kasi, namatay dahil sa cancer ang nanay niya bago siya kinasal. Sabi niya sa akin, kapag namatayan ka ng mahal sa buhay hindi siya parang pakikipag-break sa nobyo/nobya. Kahit matagal na, babalik at babalik pa rin sa iyo ang sakit. Hindi kasi siya parang nakipag away ka lang sa mga tao, na alam mo darating ang panahon na puwede kayong magkita ulit o makapag-usap. Yun bang pwedeng magkaroon ng 'closure'. Kaya lang kapag namatay na ang tao, kahit anong gawin mo, ay hindi na kayo magkikita o mag-uusap ulit. Wag niyo sabihin sa akin na mayroon naman mga multo dahil hindi iyon ang pakikipag usap na gusto natin.

Anong New Year’s Resolution mo?

2024 na. Balik na sa normal ang mga tao. Ano naman ang “new year’s resolution” mo? Nakakatawa na hindi lang pala sa ating mga Pilipino uso na ang nangunungunang “new year’s resolution” ay ang pagpapapayat. Sabi sa BBC, ito pala talaga ang pangunahing resolution ng mga tao. Pagkatapos lumapang ng bongga nitong holiday season, balak ng mga tao na magbalik-alindog program bago naman daw dumating ang Valentine’s o summer season para ‘beach bod’ na. Pero kaya ba talagang mabawas ang timbang na dinagdag mo sa loob lang ng ilang linggo?

Anong Ginawa Ko sa Loob ng Taong 2023?

Ngayon malapit na naman matapos ang isang taon at dumating ang bago, panahon rin upang muling balikan ang mga nangyari nitong isang taon. Paano mo ginamit ang oras na binigay sa iyo nitong 2023? Masasabi mo bang naging makabuluhan ang 2023 mo? Dahil blog ko ito, siyempre ako muna ang mag-iisa isa ng mga nangyari sa akin. Kaya ang tanong ko sa sarili ko: anong ginawa ko sa loob ng taong 2023?  

Ilang beses ba tayo pwedeng magmahal?

Mayroon bang bilang ng pagkakataon sa buhay ng isang tao ang pagkakataon magmahal?   Para sa iba, dapat daw Unlimited . Parang unli rice , unli wings , unli sabaw . Tignan mo nga ang mga artista sa Hollywood ordinaryo na lang usapin ng divorce at remarrriage. Tulad na lang ni Elizabeth Taylor. Sa sobrang ganda niya ay naka ilang asawa siya. Pero hindi naman dahil lang maganda siya kaya ganoon. Malamang para sa kanya ilang beses kasi siya nagmahal. 

Bakit gusto ng mga tao ang ‘hugot’ lines?

Noong isang araw ay napunta ako sa restaurant kung saan kinuhanan ang pelikulang “One More Chance”. Sigurado kung halos magkalapit ang edad natin ay kilala mo si Popoy at Basha. Pati na rin ang mga iconic lines sa pelikula. Mga linya na may ‘hugot’. Bakit nga ba ang benta ng mga ‘hugot’ lines sa mga tao? Minsan itong mga ‘hugot’ lines ay pareho ng gusto natin sabihin pero ginawa itong magandang pakinggan. Parang kapag nakikinig ka ng mga kanta ni Taylor Swift. Ang daming hugot lines. Sbai ng ani Raj sa ‘The Big Bang Bang Theory’, ‘not because she sings my truth…’ Yun mga bagay na hindi mo masabi ay nagagawa nila.    Minsan rin ay dahil mayroon tayong naaalala sa mga ito. Hindi man kapareho-kapareho sa nangyari sa atin, pero malapit na rin. May kurot (pwede naman related diba? Haha). Drama lang?   Minsan rin kaya ito mabenta sa mga tao ay dahil gusto lang nila ang usapin ng ‘heartache’. Naalala ko yun isang anak ng pinsan ko dati. Hindi pa ata siyanag-aaral noon pero dahil...

Naniniwala ka ba sa ‘fate’?

Kasalanan siguro ng mga nobela at mga palabas, tulad ng pelikula kaya marami ang naniniwala sa konsepto ng kapalaran o ‘fate’. Masyado siyang na-romanticize para sa mga tao.  Isa ka ba sa naniniwala dito?    Marami kung hindi man lahat ng hopeless romantic ay naniniwala sa ‘fate’. Kahit nga si Taylor Swift sinulat sa kanta niya na ‘Invisible String’: