Noong isang araw ay napunta ako sa restaurant kung saan kinuhanan ang pelikulang “One More Chance”. Sigurado kung halos magkalapit ang edad natin ay kilala mo si Popoy at Basha. Pati na rin ang mga iconic lines sa pelikula. Mga linya na may ‘hugot’. Bakit nga ba ang benta ng mga ‘hugot’ lines sa mga tao?
Minsan itong mga ‘hugot’ lines ay pareho ng gusto natin sabihin pero ginawa itong magandang pakinggan. Parang kapag nakikinig ka ng mga kanta ni Taylor Swift. Ang daming hugot lines. Sbai ng ani Raj sa ‘The Big Bang Bang Theory’, ‘not because she sings my truth…’ Yun mga bagay na hindi mo masabi ay nagagawa nila.
Minsan rin ay dahil mayroon tayong naaalala sa mga ito. Hindi man kapareho-kapareho sa nangyari sa atin, pero malapit na rin. May kurot (pwede naman related diba? Haha). Drama lang?
Minsan rin kaya ito mabenta sa mga tao ay dahil gusto lang nila ang usapin ng ‘heartache’. Naalala ko yun isang anak ng pinsan ko dati. Hindi pa ata siyanag-aaral noon pero dahil lagi niyang naririnig ang kantang ‘Nanghihinayang’ ng Jeremaih ay nakakanta na niya rin ito. Nakakatawa kung makakanta siya ay akala mo nakaranas na rin siya na pagkasawi sa pag-ibig. Nakapikit pa! Sabi nga ng isang pinsan ko, “ate (sa nanay ng batang kumakanta), ano ba itong anak mo. Nasawi na ba ito sa pag-ibig? Nagka-jowa na ba ito?” haha.
Kung baga nakikiramdam ka lang ng sakit. Kaya naman kamusta naman ang totoong buhay pag-ibig mo? Humuhugot ka na lang din ba? Pero sa totoo lang, ang kwento ng pag-ibig ay ‘di naman kailangan ma-drama.
Ikaw, sa tingin mo, bakit gusto ng mga tao ang ‘hugot’ lines?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento