Kasalanan siguro ng mga nobela at mga palabas, tulad ng pelikula kaya marami ang naniniwala sa konsepto ng kapalaran o ‘fate’. Masyado siyang na-romanticize para sa mga tao.
Isa ka ba sa naniniwala dito?
Marami kung hindi man lahat ng hopeless romantic ay naniniwala sa ‘fate’. Kahit nga si Taylor Swift sinulat sa kanta niya na ‘Invisible String’:
“Time, curious timeGave me no compasses, gave me no signsWere there clues I didn't see?And isn't it just so pretty to thinkAll along there was someInvisible stringTying you to me?”
Totoo nga kaya ang ‘fate’? Pero ano ba ang ibig sabihin nito? Ayon sa Dictionary.com, fate is “the development of events beyond a person's control, regarded as determined by a supernatural power.” Katulad rin ito ng ‘destiny’ na itinuturing bilang “the events that will necessarily happen to a particular person or thing in the future.”
Ito ang isang bagay na tinalakay sa pelikulang ‘Only You’ (1994), kung saan sa sobrang paniniwala ng bidang babae (Faith) ay bigla niyang sinundan sa Europe ang lalaking akala niyang destiny niya dahil ito ang sinabi ng ouija board at manghuhula sa perya noong bata pa siya. Hindi niya alam na gawa gawa lang ng kuya niya ang lahat.
Pero dapat nga ba tayong maniwala na mayroon ‘fate’ at ‘destiny’ na sadyang kahit anong gawin mo ay hindi mo ito mababago? Kung baga kahit anong gawin mo ay kung kayo talaga, kahit anong mangyari ay kayo. Kung hindi naman ay kahit ilang beses ka mag dasal, mag nobena, at mag tirik ng kandila para magkatuluyan kayo ay hindi pa rin kayo sa huli.
Paano kung ayaw mo ang kapalaran mo? Tatanggapin mo na lang ba kahit hindi ka masaya dito? Kung nakatakda na ang kapalaran mo at hindi mo ito mababago, ibig sabihin ba dapat maghintay ka na lang sa mangyayari? Bakit sabi ng iba hanapin mo ito? Anong gagawin mo habang naghihintay? Parang noong nabunot ko ang pangalan ng officemate ko na hindi ko naman gusto para sa exchange gift dati. Sabi ko talaga "Lord, kung siya po ang kapalaran ko, salamat na lang po." haha (https://mgakuwentonian.blogspot.com/2013/12/paano-nga-ba-ang-paskong-pinoy.html)
Wala naman masama sa paniniwala sa ‘fate’ at ‘destiny’ pero wag lang dito paikutin ang mundo. Hindi rin kailangan magtanong pa sa mga manghuhula at kung ano ano pang paraan para malaman ang kapalaran. Subukan mabuhay habang naghihintay sa sopresa. Gusto mo ba na nalalaman na ang katapusan ng kwento sa pelikula na pinapanood mo nang hindi mo pa napapanood ang kwento bago makarating sa huli? “Spoiler alert” ba?
Kung acceptance ang isang sikreto ng mga masasaya sa buhay sa kabila ng mga pinagdadaanan nilang pagsubok, dapat ganoon din sa paniniwala sa ‘fate’ at ‘destiny’. Acceptance. Kung ano man ang darating sa hinaharap.
Ikaw, naniniwala ka bas a ‘fate’?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento