Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Bakit mahirap mag 'move on' kapag namatayan ng minamahal?

Habang ang mga tao ay abala sa pag-celebrate ng Valentine's Day, ang mga nawalan ng mahal sa buhay ay aalalahanin rin ang pagmamahal sa mga nauna na.  Naalala ko noong namatay ang tatay ko. Pumunta ang mga kaibigan ko sa lamay. Doon ako kinausap ng isang kaibigan ko mula high school. Sa kanya naman kasi, namatay dahil sa cancer ang nanay niya bago siya kinasal. Sabi niya sa akin, kapag namatayan ka ng mahal sa buhay hindi siya parang pakikipag-break sa nobyo/nobya. Kahit matagal na, babalik at babalik pa rin sa iyo ang sakit. Hindi kasi siya parang nakipag away ka lang sa mga tao, na alam mo darating ang panahon na puwede kayong magkita ulit o makapag-usap. Yun bang pwedeng magkaroon ng 'closure'. Kaya lang kapag namatay na ang tao, kahit anong gawin mo, ay hindi na kayo magkikita o mag-uusap ulit. Wag niyo sabihin sa akin na mayroon naman mga multo dahil hindi iyon ang pakikipag usap na gusto natin.

Anong New Year’s Resolution mo?

2024 na. Balik na sa normal ang mga tao. Ano naman ang “new year’s resolution” mo? Nakakatawa na hindi lang pala sa ating mga Pilipino uso na ang nangunungunang “new year’s resolution” ay ang pagpapapayat. Sabi sa BBC, ito pala talaga ang pangunahing resolution ng mga tao. Pagkatapos lumapang ng bongga nitong holiday season, balak ng mga tao na magbalik-alindog program bago naman daw dumating ang Valentine’s o summer season para ‘beach bod’ na. Pero kaya ba talagang mabawas ang timbang na dinagdag mo sa loob lang ng ilang linggo?

Anong Ginawa Ko sa Loob ng Taong 2023?

Ngayon malapit na naman matapos ang isang taon at dumating ang bago, panahon rin upang muling balikan ang mga nangyari nitong isang taon. Paano mo ginamit ang oras na binigay sa iyo nitong 2023? Masasabi mo bang naging makabuluhan ang 2023 mo? Dahil blog ko ito, siyempre ako muna ang mag-iisa isa ng mga nangyari sa akin. Kaya ang tanong ko sa sarili ko: anong ginawa ko sa loob ng taong 2023?  

Ilang beses ba tayo pwedeng magmahal?

Mayroon bang bilang ng pagkakataon sa buhay ng isang tao ang pagkakataon magmahal?   Para sa iba, dapat daw Unlimited . Parang unli rice , unli wings , unli sabaw . Tignan mo nga ang mga artista sa Hollywood ordinaryo na lang usapin ng divorce at remarrriage. Tulad na lang ni Elizabeth Taylor. Sa sobrang ganda niya ay naka ilang asawa siya. Pero hindi naman dahil lang maganda siya kaya ganoon. Malamang para sa kanya ilang beses kasi siya nagmahal. 

Bakit gusto ng mga tao ang ‘hugot’ lines?

Noong isang araw ay napunta ako sa restaurant kung saan kinuhanan ang pelikulang “One More Chance”. Sigurado kung halos magkalapit ang edad natin ay kilala mo si Popoy at Basha. Pati na rin ang mga iconic lines sa pelikula. Mga linya na may ‘hugot’. Bakit nga ba ang benta ng mga ‘hugot’ lines sa mga tao? Minsan itong mga ‘hugot’ lines ay pareho ng gusto natin sabihin pero ginawa itong magandang pakinggan. Parang kapag nakikinig ka ng mga kanta ni Taylor Swift. Ang daming hugot lines. Sbai ng ani Raj sa ‘The Big Bang Bang Theory’, ‘not because she sings my truth…’ Yun mga bagay na hindi mo masabi ay nagagawa nila.    Minsan rin ay dahil mayroon tayong naaalala sa mga ito. Hindi man kapareho-kapareho sa nangyari sa atin, pero malapit na rin. May kurot (pwede naman related diba? Haha). Drama lang?   Minsan rin kaya ito mabenta sa mga tao ay dahil gusto lang nila ang usapin ng ‘heartache’. Naalala ko yun isang anak ng pinsan ko dati. Hindi pa ata siyanag-aaral noon pero dahil...

Naniniwala ka ba sa ‘fate’?

Kasalanan siguro ng mga nobela at mga palabas, tulad ng pelikula kaya marami ang naniniwala sa konsepto ng kapalaran o ‘fate’. Masyado siyang na-romanticize para sa mga tao.  Isa ka ba sa naniniwala dito?    Marami kung hindi man lahat ng hopeless romantic ay naniniwala sa ‘fate’. Kahit nga si Taylor Swift sinulat sa kanta niya na ‘Invisible String’:

Paano ba mag-‘unlike’ ng taong gusto mo?

Mayroon akong isang kaibigan na matindi ang pinagdadaanan dahil sa kanyang pagka-gusto sa isang taong sa tingin niya ay malabo siyang magustuhan. Kaya naisip ko, paano ba mag-‘unlike’ ng gusto mo? Paano makakalimutan ang taong gusto mo ng mabilis?   Paano nga ba ito gagawin kung gustong gusto mo pa siya? Paano mo malalaman kung kailan mo dapat simulan kalimutan ang taong iyon? Mahirap itong gawin lalo na kung matagal mo na siyang gusto.    Paano nga biglang ma-‘unlike’ ang gusto mo?

Saan ka nga ba pagkatapos ng graduation?

Sa mga mag-aaral, graduation ang pinakahihintay na araw. Madalas natin naririnig ang ‘congratulations’ bilang pagbati sa mga nagtatapos ng pag-aaral. Pagkatapos ng graduation ay susunod na ang tanong kung ‘saan ka na pagkatapos ng graduation?’ Dahil sa totoo lang ang isa rin sa mga dapat na sinasabi pagkatapos ng congratulations ay ‘welcome to the real  world’ na ang kasunod. Simula pa lang ito ng panibagong yugto ng kanilang buhay.   

Ano ang Kuwento ng Tatay ko?

Si Daddy.  Paano ko ba sisimulan ang kwento tungkol sa tatay ko? Siguro kung sino muna siya?   Si Daddy ay ikalawa sa sampung magkakapatid mula sa isang simpleng pamilya sa Ilocos. Magsasaka ang Lolo Francisco ng kanilang lupa kaya hindi nila problema ang pagkain. Kaya lang kulang sila sa pera upang mapag-aral sila Daddy lahat. Kaya naman noong papasok na siya ng kolehiyo ay tumira siya sa kapatid ni lolo sa Laguna na nagpa-aral sa kanya. Nagloko raw kasi sa pag-aaral ang kuya ni Daddy kaya siya muna ang pinag-aral. Kaya lang pagkatapos ng second year ng college ay kinausap na ng kuya niya ang tiyo nila na gusto na raw nitong mag-aral ulit. Kaya lang isa lang pwedeng pag-aralin ng tiyo nila. Bilang ang tatay ko ay mapagbigay sa pamilya ay nagbigay siya ng daan. Tumigil na lang siya sa pag-aaral at nagtrabaho sa talyer. Natutunan niyang magdrive at magkumpuni ng mga sasakyan.