Paano nga ba ito gagawin kung gustong gusto mo pa siya? Paano mo malalaman kung kailan mo dapat simulan kalimutan ang taong iyon? Mahirap itong gawin lalo na kung matagal mo na siyang gusto.
Paano nga biglang ma-‘unlike’ ang gusto mo?
1. Make up your mind.
Tanongin ang sarili kung handa ka na bang ma-‘unlike’ siya? Sa aspetong iyan, ikaw lang ang makakasagot. Kung ‘oo’ ang sagot mo, maari ka nang pumunta sa mga susunod na numero. Kumbinsihin ang sarili kung ito na talaga ang gusto. Kailangan rin na sigurado ka na sa sarili mo na ito ang gusto mo, lalo na dahil hindi ka naman niya gusto. Paalala mo yan sa sarili mo ng paulit-ulit.
2. Be strict
Dapat maging mahigpit ka sa sarili mo tungkol sa mga bagay na ito. Hindi pwedeng gusto mo ngayon na makalimutan siya, pero bukas nagbabago na naman ang isip mo. Tibayan mo ang loob mo. Hindi madaling i-‘unlike’ ang taong matagal mo nang na-like. It takes time and effort. Kaya dapat ikaw ang pinaka-strict sa sarili mo tungkol dito.
3. Surround yourself with a circle of support
Dapat ang mga nakapaligid sa iyo ay suportado ang iyong desisyon na mag-‘unlike’. Hindi pwedeng effort na effort ka, tapos sila ay ipapaalala syo ang tungkol sa taong sinusubukan mong ‘unlike’. Minsan kasi kailangan makumbinsi mo rin ang mga nakapaligid sa iyo na desisido ka nang makalimutan ang taong alam nilang gusto mo.
4. Erase and throw all memories away
Kung mayroon tinatawag na selective amnesia, dito mo kailangan iyon. Kailangan kalimutan ang mga dahilan kung bakit mo siya nagustuhan sa simula pa lang. Forget, forget, forget. Kahit maliliit na pagkakataon na maaalala mo na naging dahilan kung bakit mo siya nagustuhan ay dapat mong kalimutan.
5. Be critical.
Isipin ang lahat ng mga nakaka ‘turn off’ tungkol sa kanya. Kung dati ay napapalagpas mo iyon dahil gusto mo siya, ito na ang tamang panahon upang alalahanin ulit ang mga ito. Sa ugali niya, sa mannerisms/habits, sa istura, atbp. Pwede rin sa kanyang mga kakulangan. Ano ang wala siya? Ano ang mga bagay na hindi niya magagawa? Dito mo magagamit ang nitpicking skills mo.
6. Take a social media break mula sa kanya
Burahin siya sa social media accounts mo, block mo siya, off ang notification/update, atbp. Hindi mo siya makakalimutan kung updated ka pa rin sa kanya. Burahin mo na rin ang mga message na naging dahilan kung bakit ka umasa. Kung mayroon ka naitagong picture sa phone mo, burahin mo na rin. Dapat wala nang matitira. Ako nga, sinubukan ko ang social media break talaga para hindi rin ako ma-tukso na tignan ang profile ng taong nais ko i-‘unlike’ dati. Kaya mahalaga rin na kahit ang mga kaibigan mo ay hindi magsabi sa iyo ng update tungkol sa kanya habang nagsisimula ka pa lang.
7. Avoid any interaction (physical)
Siyempre kung nag social media break ka na sa kanya, dapat, iwasan na rin ang kahit ano pang interaction niyo lalo physical. Kung alam mo na doon sa lugar na iyon pumupunta ang taong iyon ay huwag ka na munang pumunta doon. Gumawa ng paraan upang hindi mo na siya makikita. Kung hindi maiwasan na magkasabay sa isang lugar ay deadma na lang. Tandaan mo ang dahilan kung bakit ayaw mo na sa kanya.
8. One day at a time
Ika nga nila, ‘baby steps’. Katulad ng hindi dapat pinipilit mahinog ang mangga dahil kapag ito ay pinilit ay hindi magiging masarap, madalas maasim pa, ganoon din ang pag-‘unlike’. Be patient with yourself. Darating din ang panahon na tuluyan mo na siyang ma-‘unlike’. Araw araw, paunti-unti makakayanan mo rin. Masasanay ka rin na hindi ka na naghahanap ng update. Hindi mo na siya hinahanap. Hindi mo na siya mamimiss. Hindi mo na siya maaalala. Pero habang wala pa ang araw na iyon, one day at a time. Libangin ang sarili. Kailangan mawala sa kanya ang isip mo. Gumawa ng mga bagay na mag-aalis ng isipan mo mula sa kanya. Improve yourself. Dapat mahalin mo ang sarili mo. Hindi dahil hindi ka niya like ay hindi mo na rin like ang sarili mo. Gamitin ang pagkakataon na ito upang maiayos ang sarili.
Ikaw, paano ka ba mag-‘unlike’ ng gusto mo?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento