Sa mga mag-aaral, graduation ang pinakahihintay na araw. Madalas natin naririnig ang ‘congratulations’ bilang pagbati sa mga nagtatapos ng pag-aaral. Pagkatapos ng graduation ay susunod na ang tanong kung ‘saan ka na pagkatapos ng graduation?’ Dahil sa totoo lang ang isa rin sa mga dapat na sinasabi pagkatapos ng congratulations ay ‘welcome to the real world’ na ang kasunod. Simula pa lang ito ng panibagong yugto ng kanilang buhay.
Naalala ko tuloy noong graduation ko sa college. Bago pa dumating ang araw ng graduation ko ay mayroon na akong trabaho. Kung nabasa niyo ang kwento ni Mr. Fire-lirt ay mainit indian niyo ito. Sa totoo lang, sinabi ng isan professor namin na mas maganda raw na magpahinga muna o magbakasyon pagkatapos ng graduation. Sabi niya lalo daw para sa mga lalaki kasi inaasahan na silang tuloy tuloy na magtatrabaho hanggang retirement age. Samantalang ang mga babae naman daw ay maaaring tumigil sa trabaho kung manganganak. Pero ako, hindi pa man tapos ang final exams ay nagsimula na akong maghanap ng gagawin. Natakot kasi ako na manatili sa bahay baka umiyak lang ako ng umiyak. Gusto ko na mawalan ako ng oras para maisip ang mga nangyaring hindi maganda sa amin ni Mr. Fire-lirt. Isa pa, ginaya ko lang din ang mga kaklase ko kasi nagsimula na silang magpasa ng mga resume nila. Nagkataon lang siguro na ang una kong pinasahan ng application ay nandun ang isang senior ko rin at nagustuhan naman ako ng mga nag interview sa akin. Ako pa ang nakiusap na bigyan ako ng panahon hanggang sa matapos ko ang final exams ko. Tanda ko pa na Sabado ang huling exams ko, pagdating ng Lunes ay Office girl na ako sa Makati. Habang ang mga kaklase ko ay nagcelebrate pagkatapos ng final exams, ako ay nasa opisina.
Sana pala hindi ko hinayaan ang pagiging heartbroken ko ang magdikta ng gagawin ko pagtapos ng graduation. Kasi kahit magandang opisina ang napasukan ko ay hindi ko masyadong nagustuhan ang trabaho ko. Samantalang pagkatapos ng graduation ay marami akong nakukuhang imbitasyon para pumasok sa kanila. Mas marami pa pala ng naghihintay na oportunidad para mapagpilian ko maliban sa unang offer sa akin. Magsisi man ako ay huli na. Inabot rin ako ng mahigit apat na taon doon. Marami rin akong mga nakilala at na iluha. Hindi rin nakatulong na makalimutan ko ang pagiging heartbroken ko. Kasi bitter pa rin ako sa nangyari sa amin ng bwisit na lalaking yun noong nag resign ako. Pero siguro yun talaga ang dapat na mangyari. Doon siguro ako dapat mapunta upang matutunan ko ang dapat kong matutunan sa buhay.
Para sa mga bagong tapos at magtatapos, huwag kayong mag madali sa buhay. Pagisipan munang mabuti ang mga bagay bago gumawa ng malaking desisyon tulad ng ´saan ka na nga ba pagkatapos ng graduation?´
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento