Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Face Mask: To Wear or Not To Wear? Dapat bang hindi na magsuot ng face mask?

Ayon sa balita, ay papayagan na ang opsyonal na pagsusuot ng face mask basta hindi sa mga pampublikong sasakyan at medical facilities, tulad ng ospital.  Mayroon mga natuwa, ngunit mayroon din mga hindi sumasang-ayon dito. Kaya ang tanong: dapat bang mag-suot pa ng face mask o dapat na itong itigil na? Face Mask: To Wear or Not To Wear?

Na-scam ka na ba?

Kahit saan atang parte ng mundo ay nangyayari ang scam.     Napaka-creative ng mga scammer. Siguro nga ang motto nila “if there’s a will, there’s a way”. Iba iba ang mga pakulo nila makapanloko lang sa mga tao. Sumasabay rin sa pagbabago ng mundo ang mga manloloko. Hindi nahuhuli ang strategy ng mga scammer sa latest. Sila ang magpapatotoo na “nothing is impossible”. 

Bakit ang Mahal Maging Malusog?

Bakit nga ba mahal maging malusog?   Buwan raw ng nutrisyon ang Hulyo kaya parati tayong nakakarinig ng mga nagsasalita tungkol sa kahalagahan ng kalusugan at nutrisyon. Kaya lang sa panahon ngayon, mahal ang maging malusog. Totoo nga ang sabi nila na “health is wealth”. Dahil kailangan mo ng “wealth” upang maging malusog. Kung dati ay mura lang ang mga pagkain na masustansiya, mahal na ngayon. Kung dati ay mura lang ang mga gulay, ay mahal ito ngayon lalo na pagkatapos ng mga bagyo. Hindi raw masyadong masustansya ng dory sabi nila kaya kung bibili ng isda dapat raw yun salmon. Kaya lang ang mahal naman ng sariwang salmon.   

Paano ang Mayo Ngayon 2022?

Maraming alaalang kadikit ang buwan ng Mayo. Maraming mga festival at pagdiriwang tuwing Mayo sa iba’t ibang bansa. Unang una na ang Labor Day kapag May 1. Maririnig mo rin sa mga kapwa ko Star Wars fan ang pagbati ng “May the Fourth be with you” tuwing May 4. Kilala naman ang Cinco de Mayo sa Mexico pati na rin sa US dahil maraming Mexicans ang nandoon na nakatira. Sa mga Buddhist na bansa ay ginugunita rin ang kaarawan ni Buddha (Vesak) kadalasan tuwing Mayo.  Ngunit paano ba ang Mayo 2022 dito sa Pilipinas?   Pagkakaroon ng Eleksyon.   Maraming kuwento ang eleksyon. Pero ngayon taon ang unang beses na nagkaroon ng eleksyon habang mayroong pandemic. Natakot ang sa pila dahil limitado lang ang maaaring pumasok sa bawat presinto. Dati kasi hindi ko problema ang pagpila dahil inaalalayan ko ang nanay kong senior citizen. Ngayon na wala na siya ay kailangan ko nang pumila tulad ng ibang tao. Buti na lang ay konti na lang ang mga pumila sa oras na dumating ako para bumoto. N...

Paano Lumandi sa Panahon ng Pandemya?

Paano nga ba lumandi sa panahon ng pandemya? Lalo na Pebrero na naman at ilang tulog na lang ay Valentine’s Day na naman.   Siyempre para sa mga may love life, ito ang araw na mag celebrate sila. Makikiisa sa mga kapwa nila may kapareha. Panahon din ito para kumita ng pera ng mga may negosyo tulad ng mga nagtitinda ng cakes, chocolates, flowers, jewelry stores, restaurants, at hotels (pati motels). Kumikita rin ang mga nag dedeliver sa panahon na ito. Lalo pa ngayong pandemya na ang iba ay pinipiling magpa deliver.    Pero paano naman ang mga walang love life? Sigurado mula December pa lang parati nang nakabukas ang online dating apps ng mga gusting humabol sa Pasko, hindi umabot, New Year sana, kaya pang Valentine’s na lang. Pero kung hindi pa rin umabot, may next year pa naman.    Sa totoo lang, maraming naging epekto ang pandemya sa buhay natin. Bukod sa takot na baka mahawa ka ng Covid ay kailangan ng physical distance. Kailangan mag-ingat sa pakikisalamuha ...