Bakit nga ba ganito sa buhay natin? Minsan yun kinakainisan mo sa iba ay ginagawa mo rin. Minsan yun ayaw mo ang nangyayari o napupunta s’yo.
Bakit minsan hindi mo na papansin na ang kinakainisan mo na ginagawa ng iba ay ginagawa mo rin pala?
Bakit ganito sa buhay natin ang problema mo na napaka laki ay barya lang ng ibang tao? Ang pera na hindi mo kailan man maiipon hanggang sa matanda ka na ay pambayad lang ng mga mayayaman sa maliit na bagay sa buhay nila. Barya nila kayamanan mo na.
Bakit ang ibang mayaman, ayaw tumigil magpayaman? Hindi makontento sa yaman nila, gusto pa lalong yumaman? Ginagawa nila ito minsan ng hindi iniisip ang iba?
Bakit minsan parang obligasyon pa ng mga ordindinaryong mamamayan na maging komportable ang buhay ng mga nasa gobyerno na dapat na naglilingkod sa atin?
Bakit ang hilig mag kumpara ng mga tao at hangarin ang wala sa kanila? Bakit ang iba ay hindi na nahihiyang magnakaw mula sa mga tao?
Bakit sa buhay ay parang hindi nauubos ang pagsubok? Bakit hindi nasasagot ang katanungan?
Bakit kahit anong sabi nila na kaya mo yan, matatapos rin yan, malalagpasan mo yan, ay hindi pa rin nangyayari? Ang dali para sa kanila magsalita dahil wala sila sa kalagayan mo
Bakit kahit anong pagsisikap mo ay parang wala pa rin nangyayari?
Bakit kahit anong iyak mo ay hindi nababawasan ang sakit ng kalooban mo?
Bakit kahit anong gawin mo ay hindi pa rin nagiging maayos ang lahat? Minsan mas lumalala pa?
Paano ba maging masaya? Paano ba makakalagpas sa mga pagsubok na ito? Sabi nila Mas mahal raw ni God ang mga taong Mas pinapa hirapan. Minsan ang tanong ko, totoo ba? Mahal ba ako ni God o sadyang malas lang talaga ako?
Kung nangyayari ang mga paghihirap sa akin dahil mahal ako ni God, bakit ako? Wala na bang iba? Sino ba ako? Lapis ba ako na kailangan pang tasahan para lumabas ang ganda? O isa ba akong bawang na kailangan pang dikdikin at iluto para lumabas ang totoong pakinabang?
Bakit ang mga gumagawa ng mabuti ang inuuna? Gantimpala ba ito sa mga nagawa nilang kabutihan?
Bakit ang mga masasama ang haba ng buhay? Para makapag bagong buhay sila. Pero bakit kahit anong haba ng buhay nila ay hindi pa rin nila pinililing magpakabuti? Minsan akala nila pinag pala sila na mahaba ang buhay nila kahit ang dami nilang taong inaapakan.
Bakit minsan ang mga takot sa kamatayan pa ang mas kinukuha? Samantalang ang mga gusto nang mamatay ay hindi kinukuha?
"Missed chance" pa rin ba ang tawag kung hindi naman talaga itinakda sa simula pa lang? Bakit may panghihinayang? Bakit kailangan ang panghihinayang sa buhay?
Ikaw, ano ba ang mga bakit mo sa buhay?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento