Lumaktaw sa pangunahing content

Bakit ba masyadong binibigyan ng halaga ang ‘Bagong Taon’?

Bagong taon na naman, may bago ba ngayon bagong taon? 

Naaalala ko dati noong wala pang Facebook at Twitter, ay uso ang mga unlitext lalo kapag Pasko at Bagong taon. Para hindi sayang ang unlitext ay send to all ang ginagawa ng mga tao. Pare parehong pagbati para sa pasko at bagong taon. 

 

Sa ngayon ay halos sa social media na lang bumabati ang mga tao. Konti na lang ang nagpapadala ng mga mensahe para bumati. Madalas pa sa kanila ay generic ang pagbati. Nakakatawa yun mga bumabati sa akin ng may kasunod na ‘to you and your family’ kasi wala na naman akong pamilya. (parang yun mga nambabati ng happy mother’s day or father’s day kahit wala na ang mga magulang ko)

 

Tuwing bagong taon ay nagdiriwang ang mga tao. Mayroon pang countdown bago mag alos-12 ng hating gabi. Minsan wala pang alas-12 ay may mga atribido nang nagpapa-putok. MInsan nga hindi pa ika-31 ng Disyembre nagpapa putok na! Hindi mo alam kung marami lang ba silang paputok, marami ba silang pera pambili o sadyang iba lang ang sinusunod nilang kalendaryo o relo para mauna sila. 

 

Marami ang natutuwang nakakakita sa mga paputok at fireworks. Yun iba nga sumasama pa sa mga nagpapaputok at nag-iingay. Hindi ko alam kung nasa edad ba o sadyang nasa punto lang ako ng buhay ko na hindi na ako natutuwa sa mga paputok at fireworks. Para sa akin para lang nagsusunog ng libo-libong pera para sa sandaling pagkakataon. Habang nagkakalat pa hindi lang sa paligid, ngunit pati na rin sa hangin (bilang air at noise pollution). Naalala ko ang isang guro ko sa Music noong elementarya ako. Hindi ko maintindihan kung bakit siya hindi masaya sa paputok at fireworks. Kwento niya naglalagay raw siya ng bulak sa taenga niya kapag bisperas ng bagong taon. Nagsasara din siya ng bintana upang hndi makapasok ang ingay at alikabok. Bilang bata, pakiramdam ko ay O.A. lang siya. Pero wala pa naman ako sa edad niya noong narinig ko ang kuwento niya sa klase para maramdaman ko ang naramdaman niya! 

 

Ngunit pagkatapos ng ingay ng putukan ay tumatahimik ang paligid. Natitira ang duming naiwan. Ang laki ng ginagastos sa celebration. Sa pagkain, sa paputok, sa dekorasyon, atıp. Paano na ang kinabukasan? Paano na ang pagkain na hindi naubos? Ang mga dekorasyon?Isang panandaliang kasiyahan. Bakit masyado tayong naka-focus sa celebration at party? Hindi na natin iniisip ang pangmatagalan. Minsan lang ba magpalit ng panahon? E taon-taon naman iyon. Paano naman ang mga ayaw naman na magpalit ang taon o ayaw na umabot pa ng isa pang pagpapalit ng taon? 

 

Bakit may mababago ba pagdating ng alas-12? Agad agad? 

Kung mayroon man, dapat ba maghintay pa ng pagpalit ng taon? Ang dami naming pagkakataon sa loob ng isang taon upang gumawa ng bago o pagbabago bakit kailangan maghintay pa?  

 

Sabi nila hindi ka makakapag umpisa sa bagong pahina kung binabalik balikan mo ang nakalipas na pahina. Bagong taon daw Kaya kailangan lahat bago, Pati sa buhay natin dapat may pagbabago. Bakit pa ba ako nag kukwento rito kung di na dapat binabalik an ang nakalipas?

 

Bakit natin inaaalala ang mga death anniversary? Bakit nag re-reunion pa? Bakit tinitignan ang mga lumang litrato? Bakit tayo nagpupunta sa museum? Hindi naman kapareho ng pag gunita ang pananatili ng isip sa nakalipas. Pero masama bang balikan ang nakalipas? Walang rewind sa buhay.. Malungkot raw sa nakalipas kasi kapag manatili ka doon ay mag-isa ka na lang doon. Nasa kasalukuyan na silang lahat o ano kaya ay sa kabilang buhay. Sa kasalukuyan na lang tayo maaari ng gumawa ng pagbabago. Kung paano ang mga susunod na pangyayari minsan nagsasawa ako marinig ang mga nakalipas lalo na mga hindi maganda. Kasi bumabalik ang galit at inis na naramdaman ko. 


Ang mga bagay na hindi maayos na natapos ay parang virus sa buhay natin. Kahit anong delete ay kusang na ba back up ng utak natin ang mga bagay..Parang mga New Year’s resolution na ilang araw lang ang nakalipas ay nakakalimutan na kaya kailangan ulit-ulitin taun-taon. Naisip ko nga bakit ba may mga naghihintay pa ng New Year para mangako sa sarili para lang hindi ito tuparin? 

 

Minsan magandang balikan nag nakalipas lalo na kung mayroon lang hindi naintindihan mula sa mga nangyari. Kapag tinignan ito base sa kasalukuyan ay mas naintindihan at natatanggap natin ang mga nangyari. Yun masasabi mo rin na "Kaya pala".  Parang lyrics sa kanta lang ng Juice “…and you'll look back and see what happened in between. And you'll appreciate each and every single day…”

 

Pagkatapos mangyari ang “kaya pala” moment mo ay magkakaroon pa ulit ng mga pangyayaring hindi mo gusto, mga pagkakamali, mag pagkakataong nakakainis, mga bagay na hindi mo maintindihan dahil buhay ka pa. Darating ulit ang mga pagkakataon na magtatanong ka kung bakit nangyayari ang mga nangyari s aiyo. Bakit parang poborito ka ata ni “Direk” at ikaw ang parating mayroong twists sa kuwento ng buhay. Hanggang hindi pa dumarating ang totoong ending ng kuwento mo ay tuloy ang kuwento ng buhay. Baka naman hindi pa dumadating ang kasalukyang magpapa in tindi sa atin sa nakalipas na pilit natin binabalikan. Baka naman wala pa sa climax at plot twist, gusto mo na agad malaman ang resolution. Sana mayroon katulad sa mga palabas na fast forward. Ano kaya ay maaaring mag skip sa mga detalye para “after 10 years…” na agad ang peg. Pero hindi. Ilang bagong taon pa kaya ang kailangan harapin? Ilang plot twists pa kaya bago ang ending ko? 

 

Ikaw, bakit sa tingin mo binibigyan ng halaga ang bagong taon?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...