Lumaktaw sa pangunahing content

Paano Lumandi sa Panahon ng Pandemya?

Paano nga ba lumandi sa panahon ng pandemya? Lalo na Pebrero na naman at ilang tulog na lang ay Valentine’s Day na naman. 

Siyempre para sa mga may love life, ito ang araw na mag celebrate sila. Makikiisa sa mga kapwa nila may kapareha. Panahon din ito para kumita ng pera ng mga may negosyo tulad ng mga nagtitinda ng cakes, chocolates, flowers, jewelry stores, restaurants, at hotels (pati motels). Kumikita rin ang mga nag dedeliver sa panahon na ito. Lalo pa ngayong pandemya na ang iba ay pinipiling magpa deliver. 

 

Pero paano naman ang mga walang love life? Sigurado mula December pa lang parati nang nakabukas ang online dating apps ng mga gusting humabol sa Pasko, hindi umabot, New Year sana, kaya pang Valentine’s na lang. Pero kung hindi pa rin umabot, may next year pa naman. 

 

Sa totoo lang, maraming naging epekto ang pandemya sa buhay natin. Bukod sa takot na baka mahawa ka ng Covid ay kailangan ng physical distance. Kailangan mag-ingat sa pakikisalamuha sa mga tao sa labas. May mga couple na hindi naka survive sa pandemya. Kasabay ng lockdown ay na lockout na ang pag-ibig nila sa isa’t isa. 

 

Paano nga ba lumandi sa panahon ng pandemya? Sabi ng iba, huwag mag-alala may social media naman at online dating apps kaya maaari pa rin lumandi. Kaya lang huwag umasa na makakapag date kayo ng personal o magawa ang karaniwang ginagawa ng mga bago pa lang nagkakamabutihang couple. Kung susundin niyo naman ang mga kasabihan na “if there’s a will, there’s a way”, “love knows no boundaries” at kung handa kayo sa mga magiging consequence ng decision niyo dahil “true love means you’re willing to sacrifice” ay maaari naman kayo magpa swab pareho bago kayo mag kiss kung natatakot kayo. Isa pa, kung kayo ay maghahawahan ng Covid, ay huwag na mandamay ng kapwa. Siguraduhin na kayo lang. Ginusto niyo 'yan diba? Pero hindi gusto 'yan ng mga tao sa paligid niyo kaya, kaya dapat sa inyo lang din ang virus na iyan. 

 

Ano bang mayroon sa pananatili ng matagal sa bahay ang nakaka-apekto sa utak ng mga tao para maisip ang paglandi habang may kumakalat ng virus? Maraming binibigay na explanation ang mga psychologists. 

 

Gusto ko malaman mula sa mga nagpumilit makahanap ng kalandian ngayon mga panahon na ito kung naging mas matibay ba ang resisitensya niyo mula sa covid dahil sa love life? Yan ba ang kailangan para maging mas immune sa virus? Baka naman yan happy hormones na dala ng love life ang kailangan ng mga tao para hindi magkasakit? 

 

Sa mga masaya sa love life nila ngayon Valentine’s, eh di kayo na masaya! Kayo na rin ang may pang celebrate. Haha. 

 

Sa mga wala naman, huwag mag-alala, isang araw lang naman ‘yan. Matatapos rin ito. Isa pa, isipin niyo na kabawasan rin yan sa gastos niyo. Kaya kung wala kayong nalandi ngayon panahon na ito, huwag maging desperado. Tandaan: ang daming naging gwapo at maganda dahil sa facemask, kaya maghintay na tanggalin ang facemask bago kayo magkagusto sa mga taong nakikita niyo sa labas. 

 

Ikaw, paano ba lumandi ngayon panahon ng pandemya?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...