Kahit saan atang parte ng mundo ay nangyayari ang scam.
Napaka-creative ng mga scammer. Siguro nga ang motto nila “if there’s a will, there’s a way”. Iba iba ang mga pakulo nila makapanloko lang sa mga tao. Sumasabay rin sa pagbabago ng mundo ang mga manloloko. Hindi nahuhuli ang strategy ng mga scammer sa latest. Sila ang magpapatotoo na “nothing is impossible”.
Nakatanggap ka na ba ng text, e-mail, tawag mula sa scammers?
Mas masipag pa silang magpadala text, e-mail at tawag kasya mga mahal natin sa buhay. Madalas yun mga kakilala natin ang damin dahilan: walang load, sira ang cellphone, busy, atbp. Habang ang mga scammer, lahat ng dahilan para ma-contact ka gagawin. At in fairness sa kanila, walang pinipiling oras! Parati kang naaalala (at least may nakakaalala s'yo). haha.
May trabahong naghihintay sa iyo na malaki ang sweldo. Totoo?
Nanalo ka ng pera kahit wala ka naman sinalihan na raffle. Kaya lang maglalabas ka raw ng konting pera para makuha ito.
May kapamilyang nanghihingi ng load. Hello, mali po ang hiningan niyo ng load! Magbiro na sa lasing, ‘wag lang sa walang load.
Mayroon kang kaibigan na nangangailangan ng pera habang nasa isang bansa na wala siyang mahingan ng tulong. Paano kung katabi ko siya ngayon?
May maintenance na gagawin o may pagbabago sa iyong account kaya kailangan mo click ang link. Ayun, phising ang galing talaga. Makikita mo transfer na sa kanila ang pera mo. Paano kung walang laman ang account?
Kailangan mo ng pera, dito pwedeng mangutang. Pwede rin bang walang bayad? Ano kaya gagawin ng scammer kung sila ang ma-scam ng binibiktima nila?
Pyramiding
“Sabay sabay tayong yayaman!” Sabi sa pelikula. Sino bang ayaw yumaman? Pero kapag mabilisan nakamit ang yaman, mabilis rin mawawala. Pero marami ang kumakapit sa patalim mabilis lang yumaman.
Nakailang pyramiding na ba ang nabalitang hindi naging maayos ang kinalabasan? Ngunit marami pa rin ang nabibiktima. Lalo ang mga OFW na nais lang naman mapalago ang ipon nila. Habang ang iba ay sinasamantala ito.
A Picture says a million things
Lakas maka scam ng mga litrato.
Ang mga pagkain naman nakikita natin sa commercial o picture ay parang ang sarap. Nakakagutom. Kaya lang kapag bumili ka na sa mga nagtitinda, iba na ang itsura, konti ang servings, pati hindi na kasing sarap katulad ng sa inakala mo.
Ang gaganda at gwapo ng mga model, akala mo magiging ganoon ka rin. Ang sarap tumingin ng damit na nasa mga model. Iniisip mo ganoon din ang itsura kapag ikaw ang nagsuot. Kaya lang nakakalungkot lang. Pinapaalala sa iyo na hindi pang model ang figure mo. Ano naman kaya ang malayo talaga ang nabili mo sa picture!
Sa dami rin ng mga application ngayon, huwag maniniwala sa mga litrato o video na nakikita online. Uso na raw ang filters pati na rin ang Photoshop. Mas mabuti raw na makita mo ng personal. Kaya lang minsan kahit kaharap mo na maaari pa ring makabudol. Paano kung retokada na?
Isang talent at skill ang pagbebenta.
Mayroon iba kahit sira naibebenta. Yun iba naman kapag nag dedemo sila parang ang ganda ganda ng produkto. Pero kapag uwi mo sa bahay parang iba na. Ikaw ba ang may mali dahil hindi ka marunong gumamit o sadyang iba lang ang nakuha mo?
Mayroon sa isang online shopping nag order ng TV, pero box lang dumating. Ang galing.
"Marupok yern?" Na-love scam ka na ba?
Marami na ang nabibiktima ng love scam. Kung napanood niyo ang 'Tinder Swindler' sa Netflix, mayroon rin palang nakikiuso sa kanya dito sa Asya. Paano? Gamit rin ang mga dating sites, ang mga love scammer ay nagpapanggap na manliligaw. Nag-imbestiga ang Channel News Asia tungkol dito at nalaman nila na pati pala mga 20s, 30s na babae at lalaki ay nabibiktima. Alam nila kung paano magpa-ibig ng mga biktima. Kaya naman pala ay mahigit sa isang tao ang kausap mo kapag ikaw ang target.
Wala na sa antas ng pinag-aralan o estado sa buhay, basta pwede nilang makuhanan ng pera. Nag gagawa sila ng fake social media account para ipakita na totoo silang tao at marangya ang buhay. Kung ikaw naman ang titingin ng social media account nila ay maniniwala ka na mag-invest sa sinasabi nilang investment opportunity. Kaya 'wag basta maniwala sa social media. Kadalasan ng pinapakita sa social media ay malayo sa katotohanan (o isang bahagi lang).
Mabuti pa nga kung pera lang ang mawawala sa iyo, maaari pang mapagtrabahuhan kung manakaw nila. Paano kung buhay mo na? Kasi ang ibang nabibiktima ay hindi na nakakabalik sa pamilya nila. Mayroon mga napabalita na nakipagkita lang sa mga nobya nila ang mga Chinese mula sa Singapore at Malaysia sa Thailand ay hindi na sila nakauwi. Ginawa na pala silang mga forced laborers sa Cambodia at Myanmar. Yun isang kaso, sa ospital na siya namatay.
Marami ang nabibiktima gamit ang konsepto ng pag-ibig. Ganoon ata karami ang mga taong nangungulila sa pag-ibig. O kaya ba sinabi nila na "love makes the world go 'round"? Tamang tama ito sa mga scammer para makapag-operate.
May katapusan pa kaya ang scamming?
Siguro hindi. Hangga't mayroon paghahangad ng hindi sa atin, pagkukumpara sa ibang tao, pagka-inngit, pagka-ganid sa kayamanan, paghahangad ng mabilisang pag-unlad, atbp., ay hindi ito matatapos. Kahit anong ingat mo ay maaari ka pa rin ma-scam maliit or malaking bagay.
Hindi na rin sa itusra nalalaman kung sino ang scammer at hindi. Hindi naman sila parating hindi mo kilala, kasi minsan ang unang nakaka-scam sa iyo any ang mga malapit sa iyo. Walang isang salita. Paasa.
Iba iba rin ang sinasabi nilang dahilan kung bakit sila nanloloko, pero sa mga ito, pare-pareho silang gustong magkapera ng mabilisan. Kapag nahuli na akala mo nakakaawa talaga sila. Paano naman ang mga taong naloko nila?
Kahit anong ingat natin ay maaari pa rin tayong ma scam. Kaya hindi na tamang sabihin na "walang manloloko kung walang nagpapaloko". Maraming nangangako na hindi natutupad ang pinangako. Kasabay ng bilis ng pagpapalit ng uso ang pagbabago ng mga uri at paraan ng pag-scam. Minsan kailangan may mabiktima muna para malaman ang mga bagong scam at paraan nila. Doon pa lang mag-iisip ang mga autoridad paano sila malalabanan. Sabi nga, "they are always one step ahead". Parati tayong maghihintay na mayroon munang mabiktima bago sila mapigilan.
Kaya lang mayroon mga biktima na hindi na nag-rereklamo lalo kung alam nilang hindi naman sila matutulungan ng mga autoridad. Minsan kasi yun mga inaasahan mong magtanggol sa iyo, sila pa ang gagawa ng hindi maganda sa iyo. Mayroon iba na biktima na nga, pagsasamantalahan pa rin ng mga nasa pwesto.
Kailan kaya mauuso ang pakinggan ang konsenya? Hindi kasi nabibili ang mabuting konsensya sa tindahan.
Ikaw, na-scam ka na ba?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento