Lumaktaw sa pangunahing content

Face Mask: To Wear or Not To Wear? Dapat bang hindi na magsuot ng face mask?

Ayon sa balita, ay papayagan na ang opsyonal na pagsusuot ng face mask basta hindi sa mga pampublikong sasakyan at medical facilities, tulad ng ospital. Mayroon mga natuwa, ngunit mayroon din mga hindi sumasang-ayon dito. Kaya ang tanong: dapat bang mag-suot pa ng face mask o dapat na itong itigil na? Face Mask: To Wear or Not To Wear?
Mabuti pa ay suriin natin ang mabuting naidulot pati na rin ang hindi mabuting naidulot ng pag-susuot ng face mask kaya ito dapat tanggalin. 
 
Bakit ba dapat itigil na ang pag-susuot ng face mask?
 
Una, dagdag gastos ang face mask. Sa dami ng gastos ngayon, patuloy na pagmamahal ng bilihin ay sana hinid na dumagdag pa sa gastos ng mga ordinaryong Pilipino ang pagbili ng face mask. Pwede naman daw magsuot ng washable face mask, kaya lang kulang ang proteksyon na maibibigay nito mula sa mga virus lalo ang COVID. Ang matitipid mula sa gastos sa face mask ay dagdag na sa pambili ng pagkain. Naisip ko nga noong katindihan ng pandemic lalo na itong malaking bagay para sa mga Pilipino na nawalan ng trabaho o walang kabuhayan. Noong katindihan ng lockdowns ay napaka-mahal ng face mask kasama pa ang face shield. 
 
Ikalawa, ang mga disposable na face mask ay dagdag sa kalat o basura. Hindi ito pwedeng i-reuse kaya basura lang ito. Sa panahon na malaking usapin kung paano mapipigilan ang epekto ng climate change ay dapat na mabawasan ang basurang itinatapon natin. 
 
Ikatlo, mahirap huminga kapag may suot na face mask (lalo na noong may face shield pa). Sumasakit ang ulo ko minsan sa kawalan ng hangin na lumulusot sa face mask ko. 
 
Ikaapat, bukod sa mahirap huminga ay mahirap rin magsalita kapag naka suot ng face mask. Kailangan malakas ang boses mo kahit na nahihirapan ka nan ga huminga. Effort talaga ang makipag-usap lalo na sa maraming tao. Minsan mayroon pang mga plastic na harang kaya ang hirap magkaintindihan. Maswerte ang mga taong akala mo nakalunok ng mic o speaker sa lakas ng boses na kahit may mask ay effortless sila. Malakas pa rin ang boses nila. 
 
Ikalima, hindi lang mahirap magsalita habang naka face mask, mahirap rin maintindihan ang kausap o kung sino man ang nagsasalita. Humihina ang boses dahil sa mask pati na rin dahil hindi nakikita ang bibig. Ayon kasi sa mga pag-aaral, kailangan nakikita rin natin ang bibig ng nagsasalita upang maintindihan ang sinasabi. Minsan raw kahit hindi masyadong malinaw ang naririnig natin ay sa bibig natin naitutugma ang mga salita. 
 
Ika-anim, nakaka ‘maskne’ ang pagsusuot ng face mask lalo dito sa Pilipinas na mainit. Marami ang nagkaka-pimple dahil sa face mask. Biruin niyo bigla akong nag balik sa pagka teenager dahil sa breakout. Mas nagka breakout pa ako gawa ng face mask kaysa noong nagdadalaga ako. Kung anu-ano ginawa ko para lang matanggal ang pimples, buti na diskubre ko ang nakasundo ng mukha ko kaya nawala naman ang mga ito. Hanggang ngayon ay ginagamit ko pa rin ito. Salamat talaga hindi na nagtatagal ang pimples sa akin at napaka dalang nilang sumulpot. Siyempre bilang babae, alam niyo na tuwing kailan bigla may nagpapakita buwan buwan.  
 
Ikapito, bilang isang babaeng naglalagay ng makeup ay hindi ka makapag makeup ng maayos  kapag may suot na face mask. Hindi ko rin kasi basta hinuhubad ang face mask ko. Bihira ako sa labas kumain. Noong una ay nakakatipid ako dahil kapag may mask ay ayoko mag-makeup, kaya lang mas lalo akong nagka-pimple noong hindi ako nag-makeup. Weird ano? Kapag may mask ay nabubura o dumidikit sa mask ang makeup. Nagkakaroon pa ng itim sa ibabaw ng ilong ko kasi buong araw kong suot ang mask at kailangan rin magsalita habang naka-mask. Sa trabaho ko ay kailangan ko mag-makeup dahil maraming nakatingin sa akin kapag nagsasalita ako. 
 
Pang-huli, tumigil nang magsuot ng face mask sa ibang bansa matagal na. Siyempre hindi pwedeng mahuli tayo sa uso diba? Noong nauso ang COVID kailangan uso rin dito diba? Kaya patuloy tayo sa pagpapapasok ng mga Chinese tourists mulas sa mainland at iba pang galing sa ibang mga bansang mayroon nang COVID. Ngayon nagtanggal na ng face mask sa ibang bansa ay kailangan hindi tayo magpa-huli. Kaya lang sana sumasabay rin ang karamihan ng mga tao sa pagbabakuna at boosters. Minsan kasi yun mga nagpapakalat-kalat pati ayaw magsuot ng face mask rin ang mga walang bakuna o ano naman kaya ay walang booster. 
 
Mula sa mga dahilan kung bakit dapat itigil na ang pagsusuot ng face mask ay suriin naman natin ang positibong aspeto ng pagsusuot ng face mask. Bakit nga dapat patuloy na mag-suot ng face mask?
 
Una, proteksyon ito laban sa virus, hindi lang mula sa COVID. Noong bago mag pandemic ay kapag masama ang pakiramdam ko at sasakay ako ng pampublikong sasakyan ay nagsusuot talaga ako ng mask. Para hindi ako lumalala at hindi ko rin mahawahan ang mga tao na nakakasabay ko. Naaalala ko na pinagtitinginan nila ako na parang natatakot. Na kung pwede silang lumayo ay lalayo sila sa akin dahil naka-suot ako ng mask. Noong bago mag pandemic ay madalas ako nagkakasakit. Sa loob ng isang taon ay halos dalawang beses ako nagkakaroon ng trangkaso. Pero ngayon lagi na ako mask ay madalang na akong magkasakit, nitong July na lang ako tinamaan ng sipon dahil sa init at lamig nang bigla kaming nag face to face sa trabaho. 
 
Ikalawa, proteksyon din ito mula sa polusyon. Napansin ko noong bago pa mag pandemic ay kapag hindi ako nakakapagsuot ng face mask ay nauubo talaga ako kapag sumasakay sa pampublikong sasakyan. Kumakati talaga ang lalamunan ko kapag wala akong suot na face mask lalo na sa jeep at tricycle. Grabe ang polusyon sa Pilipinas.  
 
Ikatlo, nakakatulong rin ang face mask kapag hindi nakapag-makeup (ang mga babae) o ahit (ang mga lalaki). Kailangan pa bang ipaliwanag yan?
 
Ikaapat, malaking bagay ang may face mask kapag may mga hindi natanggal ang tinga, hindi nakapagsipilyo, at para sa may mga halithosis.  Malaking proteksyon ito para sa mga kausap o kaharap niyo. Kaya lang minsan sumisingaw pa rin ang sangsang ng hininga haha. Siguro dapat tatlong mask ang dapat na suot niyo. Maawa naman kayo sa mga kausap niyo. Huwag niyong sabihin nakiki-amoy na nga lang kami mareklamo pa kami. Utang na loob. Ang hirap nan ga huminga ng may face mask dapat bang huwag na talaga kaming himinga? Ipagamot niyo na yan kaysa pinag-uusapan kayo sa likod niyo o lumalayo ang mga kausap niyo. 
 
Ikalima, dahil sa face mask ay tila dumami ang maganda o gwapo sa paligid. Kaya lang kapag natanggal na ng face mask ay madalas naiiba na ang itsura ng mga tao. Face reveal muna bago magka-gusto sa mga taong nakikita. Supported ng pag-aaral yan na ginawa sa United Kingdom. Nakakadagdag nga raw sa appeal ang pagsusuot ng face mask. 
 
Pang-huli, kasama na sa fashion ng mga tao ang pagsusuot ng face mask. Bago pa lang mag pandemic ay madalas na nakikita ang mga Korean idol ng face mask lalo na kapag lumalabas sila sa maraming tao. Ito ay upang hindi sila pagkaguluhan o makilala agad ng mga tao. Tutal sunod tayo sa fashion statement ng mga Kpop idols, kaya itodo niyo na kasama ang face mask. 
 
Kung ako ang tatanungin ay mas pipiliin ko pa rin mag-suot ng face mask kahit na may dalawang booster naman ako. Kahit na nabubura pa ang makeup ko, medyo nahihirapan ako magsalita at makahinga, nabawasan naman ang pagkakataon na magkasakit ako. Lalo na hindi pa tapos ang pandemic. Malaking tulong siya sa akin. MAS maganda rin ako kapag may mask, kaya go pa rin! Haha. Sinabi ko ‘mas’ kasi kahit naman walang mask naniniwala ako na maganda na talaga ako dahil iyon ang sabi ng nanay at tatay ko noong buhay pa sila. Haha. 
Ako nagsusulat dito diba kaya ‘wag kayong kumontra diyan. Haha. 
Nasa inyo naman ang desisyon tungkol dito. Ano ba ang mas mahalaga sa inyo? Huwag lang sana manghawa kung kayo ay may sakit. Sarilinin niyo na ang mga sakit niyo, huwag niyo nang ibahagi sa amin na nag-iingat. Singhutin niyo na lahat ng virus niyo ha dahil pinili niyo naman yan. Kaya niyo na yan.
 
Ikaw, dapat bang mag-suot o hindi na mag-suot ng face mask?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...