Bakit nga ba mahal maging malusog? Buwan raw ng nutrisyon ang Hulyo kaya parati tayong nakakarinig ng mga nagsasalita tungkol sa kahalagahan ng kalusugan at nutrisyon. Kaya lang sa panahon ngayon, mahal ang maging malusog. Totoo nga ang sabi nila na “health is wealth”. Dahil kailangan mo ng “wealth” upang maging malusog. Kung dati ay mura lang ang mga pagkain na masustansiya, mahal na ngayon. Kung dati ay mura lang ang mga gulay, ay mahal ito ngayon lalo na pagkatapos ng mga bagyo. Hindi raw masyadong masustansya ng dory sabi nila kaya kung bibili ng isda dapat raw yun salmon. Kaya lang ang mahal naman ng sariwang salmon.